ELIANA POV
Kasalukuyan akong nagdadasal dito sa parang chapel dito sa hospital.Pinagdarasal ko na magkaroon ng himala.Sana mabuhay si shion.Sa mabuhay ang lalaking mahal ko.Ayoko.Ayokong mawala siya sa piling ko.Gusto ko lagi ko siyang kasama.Kahit na maging aso siya tatanggapin ko.Basta nararamdaman ko ang presensiya niya magiging masaya na ko.
'Dear God...iligtas niyo po ang lalaking mahal ko...wag niyo muna po siyang kunin sa akin.Panandalian lang po kaming naging masaya.Please God..Bigyan niyo pa po kami ng pagkakataong magkasama ulit.Wag niyo po munang ilayo sa akin si shion.Wag po muna'
Rinig na rinig ang paghikbi ko sa tahimik na chapel.Sobrang bigat ng nararamdaman ko.Ayokong isipin na mawawala si shion sa akin.Patuloy lang ako sa pag iyak.Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.Nakita kong si prince lang pala.Nalulungkot ako.Ramdam ko ang lungkot ni prince dahil sa nangyari sa kambal niya.Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nabaril siya ng ganon.Kundi niya iniharang ang sarili niya sa akin ako sana ang matatamaan.Ako sana ang nasa kalagayan niya ngayon at hindi siya.
"Prince...sorry..sorry kung dahil sa akin nabaril si shion.A-ako dapat yung nandon eh..Hindi dapat mangyayari to kundi dahil sa akin.*huk"nakayuko ako habang pinipigilan ang paghikbi ko.Naaalala ko ang mga nangyayari kanina.
Naramdaman ko ang yakap ni prince.Niyakap niya ko ng mahigpit.Oo,nakakacomfort ang pagyakap niya.Pero wala pa din makakatalo sa yakap ni shion.Yung yakap niyang nakakapagparamdam sa akin na ligtas ako.Pero ngayon..di ko na alam kung mararamdaman ko pa ang init ng kanyang bisig.Hindi ko alam kung mayayakap niya pa ako ng ganon.
"Wag mong sisihin ang sarili mo Destene.Ginusto ni King na iligtas ka.Pangarap niya dati pa na gawin na yon sayo.Alam ko ang lahat Eliana.Alam ko na naging aso ang kambal ko.At dahil nga aso siya sa umaga wala siyang magawa kundi ang panoorin ka habang sinasaktan ng iba.Gusto niyang tumulong.Gusto niyang tulungan ka pero nga dahil aso siya wala siyang magagawa."napahikbi ako habang sinasabi niya yon.Kaya pala...kaya pala ang sabi niya pangarao niya na iligtas ako dati.kaya pala....
"Wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan ka mula sa malayo.Sinisigurado niya na safe ka kahit saan ka magpunta.Naging stalker siya na sunod ng sunod sayo Destene.Kahit alam kong pagod na siya sa kakalakad para sa kanya wala lang ito.Binabalewala niya lahat ng pagod na nararamdaman niya para lang sayo Destene.Kahit na konting panahon lang kayong naging masaya ng kambal ko,mahal na mahal ka niya.Mahal na mahal ka niya Destene kaya nagawa niya na isakripisyo ang buhay niya para mabuhay ka.Kaya wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa kanya Destene.Wag mong isipin na kasalanan mo ang lahat"nakayakap pa rin siya sa akin.
"Maraming salamat Prince.Salamat dahil nandito ka."kumalas na ko sa yakap niya at tinignan niya ko sa mata.
"Ano pa nga ba ang silbi ng pagkakaibigan natin kung di tayo magdadamayan di ba?Ipagdasal mo nalang na makaya niya ang operasyon niya.Malakas si King kaya alam ko makakaya niya yon."nakangiti niyang sabi sa akin.
"Kaya niya yan.Sabi niya lalaban siya eh.Lalaban siya para sa akin."pinilit kong palakasin ang loob ko.Ayokong maging mahina sa harap nila.
"Tara na..baka tapos na ang operasyon niya"naglakad kami pabalik ng room kung saan inoperahan si Shion.
Pagdating namin sa Operating room nagkakagulo ang mga doctor.Bigla akong kinabahan kung ano ang nangyayari sa loob.
'Doc,huminto ang heartbeat ng pasyente'
'Check his vitals.'
Hanggang sa isang ingay ang nagpatigil ng mundo ko.Isang ingay na kailan man hindi ko pinangarap na marinig.Tila ba wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari sa paligid ko.Hindi...Hindi niya ko pwedeng iwan..
'Time of Death.....10:45 pm"
Wala sa sariling napatakbo ako palabas ng hospital na iyon.Hindi ko na pinansin kung humabol man sa akin si prince..alam kong gulat din siya sa narinig niya mula sa doctor.Hindi ako naniniwala...Hindi ako iiwan ni shion.Nagkakamali lang siguro yung doctor..Pwede naman magkamali sila diba?
Napahagulhol ako sa iyak.Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.Wala akong ibang naiisip kundi si shion.Bakit si Shion pa?Bakit siya pa ang nawala?
Habang humihikbi ako sa pag iyak may napansin akong babae na nakatingin sa akin.Saglit akong napatigil sa pag iyak dahil namangha ako sa itsura niya.Napakaganda niya.Natameme ako nung bigla niya ako nginitian.
"Ganon mo ba siya kamahal?"
Si shion ba ang tinutukoy niya?Napatango nalang ako habang nakatingin sa kanya.
"Nakikita ko ang pagbabago niya nitong mga nakaraan.Malayong malayo siya sa lalaking isinumpa ko noon."
I-ibig bang sabihin nito ay siya ang tinutukoy ni shion na babaeng nagsumpa sa kanya?Siya ba ang diwatang iyon?May magagawa kaya siya para ibalik ang buhay ni shion?
"I-ikaw ang tinutukoy ni shion na nagsumpa sa kanya di ba?Please Diwata..alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero gusto kong hingin ang tulong mo..buhayin mo si shion..Ibalik mo ang buhay ng lalaking mahal ko.Nagmamakaawa ako sayo diwata"lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan niya.Wala akong pakealam kung magmukha akong desperada sa ginagawa ko.Gusto kong mabuhay si shion kaya kahit ano gagawin ko para matupad yon.
Sandaling nag isip ang diwata na kaharap ko.Pinatayo niya na ako.Kitang kita sa mga mata niya ang awa."Bibigyan ko kayo ng isa pang pagkakataon.Bubuhayin ko si King dahil natutunan naman niya ang leksiyon na binigay ko sa kanya.Pero ang ibinigay kong buhay niya ay may kabayaran."
Kabayaran?Anong kabayaran?
"Sa sandaling maglaho ako sa harap mo..yung din ang pagbabalik ng buhay ng mahal mo.Isa lang ang maipapayo mo sayo Eliana.Wag kayong magpapadala sa mga problema na darating sa pag iibigan niyo.Wag mo siyang susukuan Eliana.Binigyan ko kayo ng pagkakataon kaya gamitin niyo ito ng tama.Hanggang dito nalang ang magagawa ko."ramdam ko ang pagkaseryoso ng boses niya.
"Maraming salamat Diwata.Di namin sasayangin ang pagkakataong ito."
Ngumiti siya sa akin at bigla siyang naglaho.Bumalik na ako sa loob ng hospital para kamustahin si shion pero ang nakangiting mukha ni prince ang bumungad sa akin.
"Gising na siya destene.Gising na ang kambal ko.Milagro ang nangyari dahil di din alam ng doctor kung bakit bigla siyang nagising"nakaramdam agad ako ng tuwa ng marinig ko mula sa kanya yon.Nagmadali kaming pumasok sa loob ng room niya.
Agad kong nakita ang lalaking pinakamamahal ko na nakadandal sa headboard ng kama niya.Napangiti ako dahil nakita ko na naman ang seryosong mukha niya.Nilapitan ko agad siya.Nang nagtama ang paningin namin ay biglang nangunot ang noo niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.Niyakap ko siya ng mahigpit pero nagulat ako dahil pilit niyang tinanggal yung pagkakayakap ko sa kanya.Kaya napatingin ako sa kanya..
"Hmm..Miss bat mo ko niyayakap?Tsk!!!Hanggang dito ba naman sa hospital malakas pa din ang charms Ko?Tsk!!
Teka ano nga ba ang ginagawa ko dito?Tsaka miss...Sino ka ba?kilala ba kita?"Isang salita niya lang na nakalagpawasak sa puso ko.B-bakit...Bakit hindi niya ko maalala?Ito na ba?...Ito na ba ang kabayarang tinutukoy ng diyosa?Ang mawala lahat ng ala ala niya?
"Shion..ako to..ako yung my queen mo di ba?Alalahanin mo ako king!!!Ako yung mahal mo eh..king kung nagbibiro ka lang wag namang ganito.."umiiyak na naman ako.
Umiiyak na naman ako ng dahil sa kanya."Teka Miss..Sa pagkakatanda ko wala pa akong babaeng minahal...Kaya wag ka ng mag ilusyon diyan.Hahaha!!!Mahal daw..Napatawa mo ko sa biro mo miss ha!!Hahaha!!!"
Eliana..Itigil mo ang pag iyak mo..ginusto mong buhayin siya kaya tanggapin mo nalang ang kabayaran.Ang mahalaga ngayon ay buhay siya.Buhay ang lalaking mahal mo.Tanggapin mo nalang na hindi ka niya maalala.
'Iintindihin kita Shion.Pero wag kang mag alala..Tulad nga ng sabi sa akin ng diwata..hinding hindi kita susukuan My King.Ibabalik ko lahat ng ala ala mo.Sana maalala mo balang araw na minahal mo ako.'
EIRA POV (DIWATA)
Ngayon ko susubukin ang tatag ng pagmamahal nila sa isat isa.Pag nalagpasan nila lahat ng hamon ko,ako na mismo ang magbibigay ng basbas sa kanilang dalawa.
Sana maging matatag kayo sa lahat ng ito.Dito masusubukan kung mahal niyo nga ba ang isat isa.
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
RomanceIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...