Chapter 30

6 1 0
                                    


KING XAVIER SHION DELA FUENTE POV

Tatlong taon...Tatlong taon na ang lumipas simula nang mawala siya..Tatlong taon na kaming walang balita tungkol sa kanya.Tatlong taon na mula nang masaktan ko siya....

Sa tatlong taon na lumipas,sariwa pa din sa mga ala ala ko ang nagyari.Parang kahapon lang nangyari ang lahat.Napakabilis ng araw.

Sa tatlong taong nakalipas napakarami ng nangyari.Kalahating taon nalang magtatapos na kami sa kolehiyo.Hindi pa din ako makapaniwala na sa dami kong kalokohang ginawa nalagpasan ko ang tatlong sunod sunod na taon ng wala siya..Aaminin kong mahirap talaga.Mahirap ng wala siya.Napakahirap dahil sa aking mga kalokohan..hindi ko tuloy siya kasama.

Maayos na ulit kami ni prince at dylan.Napatawad na din nila ako dahil naiintindihan din nila ang mga sitwasyon ko noon kaya ko nagawa yon kay Eliana.Napatawad na nila ako pero mismong sarili ko di ko pa rin mapatawad.

Nahuli na din ang kriminal na si Carly o mas kilala niyo bilang si coreen.Pinahuli ko siya dahil kahit nagpasurgery siya,malakas ang pakiramdam kong siya talaga si coreen.Ang huli kong balita sa kanya ay nasa Mental Hospital na daw siya.Masyadong malakas ang epekto ng pag ibig sa tao dahil kaya nitong magpabaliw kahit ano pang tino mo.Kaya pala ganon na lang siya kay Eliana.Ni hindi man lang binigyan ng saya dahil puro sakit at bugbog lang naman ang naging role niya sa storya na to.Psh-,-

Nandito nga pala ako sa Garden ng School namin.Sabi nila prince ay dito daw madalas tumambay si Eliana pag gusto niyang mapag isa.Kaya nandito ako...dahil bukod sa bahay niya ay dito ko lang nararamdaman ang presensiya niya.Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko sa mga nangyari sa kanya...pero napaisip ako...Ano pa nga ba ang magagawa ng pagsisisi ko e hindi naman nito maibabalik yung nakaraan?Hayst!!

Bumibisita ako sa bahay niya araw araw...nagbabakasakali na nandon na siya at masayang naghihintay sa akin pero hanggang ngayon...hanggang ngayon bigo pa rin ako.Pero alam kong babalik siya...Umaasa ako na babalik siya...At sa oras ng pagbalik niya...sisiguraduhin kong magkakaayos kami...Sana..

"OH King!!Nagsesenti mode ka na naman jan"napatingin ako sa kambal ko kasama niya si dylan.

"Oo nga..kulang nalang background music para maging music video na bwahahahaah!!!"panggagatong ni dylan.

Psh!!Wala na..tuluyan ng nasira ang ambiance ng lugar na to dahil sa dalawang to-,-

"Tsk!!Pwede bang manahimik na kayo.Nag iisip ako kaya wag kayong magulo.tch!!"

"Siya pa din ba?"

Agad akong napatingin kay prince..Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Oo..siya lang naman ang babaeng minahal ko eh.Kahit lumipas na ang  tatlong panahon o kung mas tumagal pa ang paghihintay na to ay siya pa din ang mahal ko..Siya lang ang babaeng mamahalin ko.Siya lang ang laging iisipin ko"nakatingin ako sa kawalan habang sinasabi ko ang mga katagang yan.

"Hmm...buti naman kung ganon dre...pero matanong nga kita..hindi ka ba nagsasawa sa kahihintay sa kanya?I mean...marami namang ibang babae na nagkakandarapa sayo at pwede ka namang mamili sa kanila..bat kailangan mo pa siyang hintayin ng ganyan katagal?"prince....napaisip ako sa sinabi niya..

"Maghihintay ako hanggat kaya pa ng katawan ko...titigil ako sa paghihintay sa kanya pag mismong katawan ko na ang sumuko.Ibang babae ba kamo?Pre..ni minsan hindi sumagi sa isip ko na palitan ang babaeng yon..sa totoo lang ay kulang pa tong kabayaran sa mga pananakit at sakripisyong ginawa ni Eliana sa akin...Kulang pa tong kabayaran sa mga ginawa kong katarantaduhan noon..Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sinong babae na lumandi sa akin.Wala akong pakealam kung tumanda akong binata sa kahihintay sa kanya..Hindi ako magsasawang maghintay basta para sa kanya...Ganon ko kamahal ang babaeng yon bro...Makalimot man ako ulit ay siya pa din ang mamahalin ko ng paulit ulit."nakangiti kong sagot sa kanya.

Alam kong kahit may posibilidad na hindi ko na siya makita...kahit may posibilidad na nakahanap na siya ng iba..Hinding hindi ko kalilimutan ang babaeng minsan ay binigyan ako ng saya...Kahit di ko siya makasama ay siya pa din ang gusto kong mahalin hanggang sa aking pagtanda...


PRINCE XYLEM SEAN DELAFUENTE POV

Nakangiti ako habang nakatingin sa kambal ko.Kay King..Ang laki laki na ng pinagbago ng ugali niya.Mas naging matured na siya kung ikukumpara dati.Bilib ako sa kanya dahil si Eliana pa din ang mahal niya hanggang ngayon.Pinagsisisihan niya talaga yung mga ginawa niya dati at kitang kita ko ang pagpupursige niya para maging maayos ang buhay niya kahit wala si Destene sa tabi niya.

Sa ngayon..wala na kaming kahit anong koneksiyon kay Destene.Ang huli naming balita ay nang isagawa sa kanya ang operasyon at pagkatapos non hindi na namin alam kung ano nang nangyari sa kanya.Hindi namin alam kung naging successful nga ba ang operasyon..hindi namin alam kung makakabalik pa siya sa amin...at hindi namin alam kung makakasama pa namin siya....Hayst>_<Sana ligtas na siya ngayon.

Sa tatlong taon na lumipas tuluyan ko ng natanggap na hanggang kaibigan lang talaga kami ni Destene.Hahayaan ko nalang silang dalawa ng kambal ko tutal sila naman talaga ang bagay eh...Bagay sila tao ako..hahaha!!!Corny ko ba?Hayaan niyo gwapo naman ako eh hehehe!!!At dahil nakamove on na ko kay Destene ay may gf na din ako.Ipapakilala ko siya sa inyo pag may time si author hehehe!!!

Biglang nag ring ang bell kaya agad na kaming pumasok sa klase namin.Btw,magkakaklase pala kaming tatlo.Naging tahimik na din ang buhay namin simula nung makulong yung baliw na si Coreen.Nakakainis talaga yung babaeng yon!!!Siya ang dahilan kung bakit nagkagulo ang buhay ng kambal ko.Tsk!!

Natahimik ako sa pagiisip nang biglang dumating yung mabait na prof namin.

"Good morning"bati niya sa amin

"Good morning Miss"bati namin

"I have ang important announcement.May exchange student tayo ngayon..Come in miss"

Nagbulungan ang mga classmates ko sa sinabi ng prof namin...bilib din ako sa studyanteng ito..kung kailan malapit na amg graduation tsaka siya lilipat.hmm...

Napako ako sa kinauupuan ko ng biglang pumasok ang exchange student na sinasabi ni prof....Teka..totoo ba to?Siya na ba talaga yan?Bumalik na siya...

KING POV

Nakatingin lang ako sa bintana habang nag aannounce ang prof namin..Iniisip ko si Eliana..Iniisip ko kung Ano kaya ang ginagawa niya ngayon?..Kung sino ba ang kasama niya...kung kamusta na ba siya?Hayyss..Miss na miss na kita My Queen..Sana bumalik ka na...

"I have an important announcement.May exchange student tayo ngayon..Come in miss"

Napatingin ako sa harap ng banggitin ni prof yan.Exchange student?Sino naman kaya to?

Nang sandaling bumukas ang pintuan biglang tumigil ang mundo ko...biglang tumahimik ang paligid...Dahil  nabaling ang atensiyon ko sa babaeng nasa harap ngayon ...Di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko...Ngayong nakita ko na ulit siya...Nakatulala lang ako sa kanya ngng bigla siyang nagsalita...

"Goodmorning everyone..My name is Eliana Destene Jimenez..I hope we can be friends..at sana naaalala niyo pa ako"nakangiti niyang sabi sabay tingin sa gawi namin...at sa sandaling magtama ang mga mata namin biglang bumilis ang tibok ng puso ko...Nandito na siya sa harap ko....Bumalik na siya...Binalikan niya ko...

***

A/N:Bumalik na si Eliana!!!Mapapatawad niya pa kaya si King?Abangan ang POV ni Eliana sa next chapter😉

🌹Salamat po sa pagbabasa🌹

My stalker is a Mysterious DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon