Chapter 26

7 1 0
                                    


ELIANA POV

MABILIS na lumipas ang mga araw pero hanggang ngayon wala pa ding maalala si Shion.Bawat araw para akong pinapatay sa sakit kapag nakikita ko siya na masaya sa iba.Pero sa kabila nang yon pilit kong iniintindi ang sitwasyon niya.Pinipilit kong maging matatag para lang sa kanya.

Araw araw..iba iba din ang babaeng kasama niya.Alam ko na bago niya ko maalala ay ganito na siya.Araw araw akong umiiyak ng dahil sa kanya.Tila ba walang kapaguran ang mga mata ko sa pag iyak para sa kanya.King ina!!Masyado ko siyang mahal at sa sobrang pagmamahal ko sa kanya hindi ko magawang magalit kahit na sobra na siya.Hindi ko siya magawang sukuan kahit na ang sakit sakit na.Manhid na nga siguro ako dahil kahit sa kabila ng mga ginagawa niyang harap harapang pagpapalit ng babae ay mahal ko pa din siya.Pinanghahawakan ko nalang ngayon ay ang mga binitawan niya salitang mahal niya ako.Na ako lang ang babaeng mamahalin niya.Na kahit na hindi man ako nakikilala ng isip niya ay ako lang babaeng makikilala ng puso niya.

Bawat sandaling umiiyak ako laging nandiyan si Prince para patahanin ako.Siya yung nagsilbing sandalan ko sa mga panahong nasasaktan ako.Siya yung nagpapalakas ng loob ko pag gusto ko ng sumuko.Natatandaan ko pa yung sinabi niya sa aking..

'wag kang magpaapekto masyado kay shion..kung mahal mo talaga siya edi ipaglaban mo,wag kang magmukmok diyan destene.Kung mahal mo talaga ang kambal ko kumilos ka na para makaalala na siya'

Tumatak sa isip ko yung sinabi ni prince.Bat ko nga ba siya iniiyakan  kung pwede ko naman siyang ipaglaban diba?Ayoko ng umiyak kaya gagawa na ko ng paraan para bumalik siya.Ngayon na ko kikilos.Hindi pwedeng mawala ng tuluyan sa akin ang lalaking mahal ko.

Naglalakad ako ngayon habang nag iisip isip.Sa paglalakad ko ay nakita ko na siya.Nakita ko siya na mag isang natutulog sa bench.Medyo dulo siya naka upo kaya wala masyadong nakakapansin sa kanya.Nakaupo siya at nakarest ang ulo niya sa parang table don.Napagdesisyunan kong lapitan siya.Nang makalapit na ako sa kanya napangiti ako dahil sa wakas ay nakalapit na ako ng ganito sa kanya.




Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang segundo akong nakatitig lang sa mukha niya na hindi nakakasawang titigan.Ang himbing ng tulog niya..

'Ano nga bang ginawa mo bat parang puyat ka ha?Kamusta ka na?Masaya ka ba ngayon?Kailan ba babalik ang mga ala ala mo?Kailan mo ulit maaalala na mahal mo ako?'



Yan ang mga tanong na gusto kong itanong sa kanya.Pero alam kong hindi niya naman lahat sasagutin yan dahil ang tingin niya lang sa akin ay isang desperadang baliw na babae na nagsasabing mahal ko siya.Tch!!Kung alam mo lang sana ang nga pinaggagaw mo ngayon shion.Pag bumalik talaga yung mga ala ala mo aawayin talaga kita.Amp!!>_<



Habang masaya akong nakatitig sa kanya ay nagulat ako dahil bigla niyang idinilat ang mga mata niya.Nang makita niya ako ay unti unting nangunot ang noo niya.Hehehe!!!Nagtataka siguro siya kung bakit ako nandito.Hayst!!Kahit kaharap ko siya ngayon parang hindi ko siya kayang abutin.Para bang napakalayo niya sa akin kahit distansiya lang ang pagitan namin.



The way he stare...ibang iba na..dati kung titigan niya ko puno iyon ng pagmamahal pero ngayon...parang isa nalang akong walang kwentang bagay sa paningin niya.Pero i need to accept this.Ang importante kasama ko siya^_^Kahit na masakit na ang importante buhay siya.




"What are you doing here?"malamig na sabi niya sa akin at inangat niya na ang ulo niya mula sa mesa at tumingin ng diretso sa akin.




"A-ahh..nakita kasi kita ditong natutulog at walang kasama.Kaya naisipan kong samahan ka"nakangiti kong sabi sa kanya




"Tch!!!Kaya kong mag isa.hindi ko na kailangan ng kasama besides ayaw din kita dito."siya



My stalker is a Mysterious DogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon