KING POV
Di ako makapaniwalang nandito ang kambal ko.Nalaman niya na ang sekreto!!!Bat kasi di ako nag iingat eh!!!Sht!!!Pano ko kaya ipapaliwanag sa kanya ang lahat?
"Prince---"
"Hep hep hep!!!King.Bago ka magpaliwanag pwede mo bang takpan muna yang kahubdan mo.Sht!!!Para ko na din kasing nakikita ang sarili ko sayong nakahubad eh.Gosh!!Bro para ka ng boldstar jan>_<Takpan mo yan>_<"
King ina mo prince!!!Abot langit na nga ang kaba ko dahil di ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo tapos ikaw nagawa mo pang magbiro ng ganyan!!!Bwisit-,-
"Oo na tatakpan ko na king ina!!!Kala mo naman wala ka ding ganto-,-Pumasok ka sa loob at hintayin mo ako sa dining room,magbibihis lang ako"naiinis na sabi ko sa kanya.
"Sige bilisan mo hah"
Tumango nalang ako at dali dali akong naglakad papunta sa kwarto ko at nagbihis na.Agad din akong bumaba at nadatnan ko siya nakaupo sa sofa at palinga linga sa ayos ng bahay ko.
"Nice place bro"puri niya.Tsk!!I know-,-
""Prince,sasabihin ko sayo lahat lahat ng nangyari sa akin pero maipapangako mo ba na kayang mong itago at hindi ipagsabi ang sekreto ko?"naninigurado kong tanong sa kanya.Mahirap na at baka may ibang maka alam.
Biglang sumeryoso ang mukha niya nung sabihin ko yon.Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ang kambal ko eh...pero wala akong tiwala sa bibig niya...Ang daldal niya kasi eh-,-
"Mapagkakatiwalaan mo ko bro...wag kang mag alala di ko pagsasabi ang mga nakita ko kanina.So tell me King,Ano ba ang nangyari sayo? "tanong niya sa akin
"Alam mo namang may pagkababaero ako diba?"
"Babaero ka na talaga dati pa-,-"sabat niya sa akin
"Pwede bang patapusin mo muna ako bago ka sumabat?-,-" naiiritang saad ko sa kanya.
"Hehehe!!!Sorry naman"
Ang sarap talagang tapalan ng tape angbibig ng lalaking to!!!Para siyang babae sa kaingayan niya eh-,-
"So ayun nga dahil sa pagkababaero ko sinumpa ako--"di ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil sumabat na naman sya
"Sinasabihan na kasi kita dati na itigil mo na yang panloloko mo ayan tuloy hmp!!!"
King ina!!!King inang bunganga na yan oh!!!Di ako matatapos kung lagi syang sabat ng sabat!!!
"Sinumpa ako ng isang babae.Para siyang dyosa.Sinabihan nya ko na dapat ang mga babae daw hindi sinasaktan,dapat daw di sila niloloko at pinapaiyak then after that sinabi niya sa akin na paparusahan raw ako.Biglang umilaw yung mata ng babae then naging ganito na..ganito na ang itsura ko..Aso ako sa umaga.Tao ako sa gabi."mahabang paliwanag ko sa kanya.
"May sinabi ba yung babae kung paano tanggalin ang sumpa?Kung paano ka maibabalik sa dati?Tell me King baka may magawa tayo para maibalik ka"
"Ang naaalala ko lang na sabi niya.Ang tanging makapagpapabalik lang sa akin ay isang tunay na pagmamahal.Kailangan ko ng isang babaeng mamahalin at tatanggapin ako sa kabila ng katauhan ko"
"Tunay na pagmamahal?Sigurado ka bang magagawa mo yon king?Eh magseryoso nga sa babae di mo magawa,paano pa kaya kung tunay na pAgmamahal na"
Aaminin kong nasaktan ako sa mga sinabi nya.May point naman kasi sya eh.Ni minsan nga naman di ako nagseryoso.
"Natutunan ko na ang leksyon ko prince...pinapangako ko sa sarili ko na kapag nakabalik na ko sa katawan ko ay di ko na uulitin pa ang mga kamaliang ginawa ko."
"Sana matupad mo yang pangako mo king.Nabalitaan ko din na umamin ka kay Eliana na Gusto mo na siya.Sana king wag mo siyang igaya sa mga ibang babaeng nakasalamuha mo dati.Pinapaalala ko lang sayo king.Mahalaga para sa akin si Eliana.Kaya pag nabalitaan kong pati siya lolokohin mo at idadamay mo lang sa koleksyiyon mo ako na mismo makakalaban mo"seryosong pahayag niya
"Hinding hindi ko na gagawin yon prince.Minsan lang ako magseryoso at gusto ko itong gawin ngayon kay Eliana.Naging saksi ako sa lahat ng paghihirap niya mula sa dati niyang minahal at ayokong umiyak din siya ng ganon ng dahil sa akin.Eto ang tandaan mo Prince..Naging hari man ako ng panloloko dati,marami man akong napaiyak na babae pero ngayon iba na....iba na ang takbo ng buhay ko ngayon simula nung makilala ko ang babaeng nakapagpabago sa akin.At ang babaeng yon ay walang iba kundi si Eliana.Sa kanya ko din gustong maramdaman ang tunay na pagmamahal na magiging solusyon upang mabalik ako sa dati.Kaya kung may isang bagay man ako hindi hindi dapat gawin.yon ay ang saktan si Eliana. "
"Maganda kung ganon.Ipinagkakatiwala ko sayo ang bestfriend ko King."nakangiting sabi ng kambal ko.
"Salamat Prince.Maraming salamat din sa pagtatanggol mo kay Eliana sa mga panahon na Aso ako"
"Responsibilidad ko na din na iligtas si Eliana.Kailangan ko na palang umuwi dahil gabi na.
mag iingat ka nalang nang wala ng makaalam pa ng sekreto mong yan."prince"Sige prince.Maraming salamat ulit."tumango nalang sya bilang tugon sa akin.
"One more thing bro..Kung si eliana nga ang magbibigay sayo ng tunay na pagmamahal.Sana mapasaya mo siya at sana mahalin mo siya higit sa pagmamahal ko sa kanya.Nakita ko ang saya sa mga mata niya habang kinukwento ang pag amin mo sa kanya kaya please lang King..Alagaan mo siya..Alagaan mo ang babaeng mahal ko.Oo,mahal ko si Eliana pero Ipapaubaya ko na siya sayo dahil alam kong sayo siya sasaya.Ipagkakatiwala ko na ang babaeng mahal ko dahil ramdam kong ikaw ang gusto niya.Wag kang mag alala di mo ko magiging kaagaw sa kanya..Tanggap ko na.. na hanggang kaibigan lang ang maibibigay niya.Kaya maswerte ka kung ikaw ang lalaking mamahalin niya.Yon lang ang gusto ko King.Ang makita siyang masaya kahit na sa piling sya ng iba."
Iyon ang sinabi ni Prince bago siya umalis.Alam kong mahal niya na si Eliana.Di ko bibiguin ang kambal ko.Mamahalin ko si Eliana higit pa sa pagmamahal niya.
'Wag kang mag alala prince.Ako na ang bahala kay Eliana.Aalagaan,Mamahalin at hinding hindi ko sya sasaktan tulad ng bilin mo.Hindi ko sasayangin ang pagpapaubayang ginawa mo.Maraming salamat sayo..kambal ko.'
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
Lãng mạnIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...