ELIANA POV
Naglalakad ako ngayon pauwi kasama si Xylem.Nag insist kasi siya na ihatid daw ako para malaman niya yung bahay ng bestfriend niya kaya pumayag na ako.Ang kulit kasi eh>_<
"So ano nga pala yung iniyakan mo kanina?Bat naisip mong magpasagasa sa truck?"tanong sa akin ni xylem.
"Hmm..about don.Nasaktan kasi ako kanina dahil nakita ko na naman yung ex ko na kahalikan ang ex bestfriend ko..pero dont worry nag momove on na ko sa kanya.Nagising na rin ako sa katangahang ginawa ko kanina.Hays buti nalang talaga dumating ka dahil kung hindi baka tegi na ko ngayon"sabi ko sa kanya
"Oo nga kung natuloy yung balak mo kanina edi wala na kong magiging bestfriend?*pout*"
"Hahah!!!ikaw talaga.Kaya nga ko nagpapasalamat sayo eh."
Nandito na ko sa tapat ng bahay ko.Huminto na ko sa paglalakad kayo ganon din ang ginawa niya.
"Andito na tayo.Dito ang bahay ko.Gusto mo bang pumasok muna?"
"Ayy hahah thanks for inviting me.Pero nag text na ang driver ko na nandon na daw sya sa school.Maybe next time nalang ako tutuloy"nababatid ko ang panghihinayang sa boses niya.
"Ayyy naku..Ayos lang yan.Mag gagabi na din.haha!!bye na baka hinahanap ka na ng driver mo"
"Aye aye bestfriend.haha!!Magkita nalang tayo bukas ah."
"O sige na..Alis na at baka mapagtripan ka pa ng mga adik jan sa daan."
"Hahaha!!!Sige.Bye Destene."naglakad na sya pabalik sa school at bago pa siya makalayo humarap ulit sya sakin at nag wave.Ang kulit eh hahah!!!
Nung makalayo na siya..eto na naman ang pamilyar na pakiramdam na nararamdaman ko,..Yung parang may nakamasid sa akin mula sa malayo.Lumingon lingon ako sa palagid pero wala namang tao.Hmm...baka napaparanoid lang siguro ako.
Hinanap ko din si doggie sa paligid pero mukhang wala siya dito.Baka nasa amo niya.Napagdesisyunan kong pumasok na sa loob dahil madilim nasa labas.
KING POV
Matapos kong hatidan mg gamot kanina si Eliana ay nagkulong na ko dito sa bahay.Tinatamad kasi akong lumabas ngayon eh. Wala akong ginawa maghapon kundi libangin ang katawang aso ko sa panonood ng TV.
Mabilis lumipas ang oras at mag gagabi na agad naramdaman ko ang pagpapalit ko ng anyo.Sa wakas tao na ulit ako.Maya maya pa ay may pakiramdam na nagtutulak sa akin na tumingin sa bintana ng bahay ko.Ginawa ko naman yon at mula dito tanaw na tanaw ko si Eliana.Masaya naman ako at nakita ko siyang nakangiti pero nabura lahat ng saya ko nang makita kong may kasama siyang lalaki.Teka....Si Prince yon ah?Anong ginagawa niya rito?Bat magkasama silang dalawa?
Bakit ganito ang pakiramdam ko?Bakit parang may kirot sa puso ko?Bakit naiinis ako nung makita ko silang magkasama?
Simpleng paghanga lang naman ang nararamdaman ko kay Eliana eh..pero bakit ganito?Bakit nasasaktan ako ng ganito?
Natanaw kong paalis na ang kambal ko.At si Eliana hanggang ngayon todo ngiti pa din siya.Ganon ba sya kasaya kasama ang kambal ko?Sana makita ko din na ngumiti sya ng ganyan sa akin.
King ina!!!Hindi ako nagseselos!!Hindi selos tong nararamdaman ko.Galit itong nararamdaman ko.Galit para sa sarili ko dahil kung hindi ako naging manloloko noon,may chance na ako sana ang kasama ni Eliana at hindi si Prince.Kung sanang nakilala ko na siya dati pa hindi na ko naging ganito.Kung nagseryoso sana ako dati pa.Edi sana...sana malaya ako ngayon...
"Anong pakiramdam ng masaktan king?Ang sakit noh?Ganyang ganyan ang mga nararamdaman ng mga babaeng niloko mo noon!!!Umpisa palang yan king.Ihanda mo ang sarili mo dahil meron pang hihigit dyan.Kung hindi ka kikilos agad baka maunahan ka ng kambal mo."
Narinig ko na naman ang boses ng babaeng yon.Babaeng punot dulo ng problema ko.
"Nakikiusap ako sayo...ibalik mo na ko sa pagiging permanenteng tao.Babawi ako.Mag sosorry ako sa lahat ng mga babaeng nasaktan ko.Ano bang kailangan kong gawin para ibalik mo ko sa dati?Lahat gagawin ko sabihin mo lang"nagmamakaawa kong sabi sa kanya.
"Hindi na mababawi ang sumpang ipinataw ko sayo king.Kailangan mong sumabak sa maraming pagsubog para malaman kong karapat dapat na ba kitang ibalik sa pagiging normal.Kailangan mong pagdaanan lahat ng ito.Hindi kita maibabalik ngayon"babae
"Pero anong gagawin ko?Kaya mo bang ipaliwanag sa akin yung mga kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kanina?Bat nasasaktan ako ng makita ko na magkasama sila?"
"Simple lang ang sagot dyan king.Siya ang solusyon na hinahanap mo.Siya ang magiging susi sa pagbabalik mo sa dati.Maaaring ngayon ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman mo sa kanya pero malay mo bukas makalawa mahal mo na siya."
"paanong solusyon?siya?Bakit sya?"
"Dahil sya ang babaeng nakapagpabago sayo King.Maaaring hindi mo napapansin pero may pagbabago ka nitong mga nakaraang araw at dahil iyon sa kanya.Paano?Simple lang.Kailangan niyang tanggapin ang katauhan mo at mahalin ka niya ng tunay sa kabila ng pagiging aso mo.Tunay na pagmamahal..Tunay na pagmamahal lang ang sagot king."
Pero paano mangyayari na mahalin niya ko?Isa lang naman akong aso para sa kanya.Isa lang akong hayop sa paningin niya.Paano nya ko matatanggap?Paano ako kikilos para mabaling ang atensiyon niya sa akin?Paano ko ipapaliwanag sa kanya na tao ako dati at kailangan ko lang naman ng pagmamahal niya para makabalik sa dati?Damn it!!!Kailangan ko ng plano.Plano para makuha ang puso ng babaeng mahal ko.
Pero ang ikinatatakot ko...ano ang magiging reaksiyon niya kung malaman niyang manloloko ako dati?Matatanggap pa kaya niya ako kung kagaya din ako ng ex niyang manloloko?Matatanggap pa kaya niya ko kung malaman niya ang tunay na dahilan kung bakit ako naparusahan ng ganito?
BINABASA MO ANG
My stalker is a Mysterious Dog
RomanceIsang manlolokong lalaki na isinumpa na maging isang aso.. Isang broken hearted na babae na lagi nalang umiiyak ng dahil sa manlolokong Ex nya... Maibabalik pa kaya sa pagiging tao si king?.... Makakahanap pa kaya ng happy ending si Eliana? Paano ka...