Prologue

1.5K 39 0
                                    

"Sige lang, mga bata. Kain lang nang kain."

Masayang pinanood ni Abegail ang mga batang nagbebenta ng sampaguita na kumakain nang itinakas niyang pagkain sa party. Nasa labas sila ng hotel at patago lang ang pagbibigay niya ng pagkain sa mga ito. Sunud-sunod ang subo ng mga ito nang nakakamay. Di alintana kung madumi man ang mga kamay.

Walang nakakaalam na lumabas siya. Ipinagdiriwang doon ang magarbong kaarawan ng kaibigan ng pinsan niya na si Mindy, si Mindy na nakaaway niya mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan matapos siyang pagbintangan at ang bisita niyang bata na magnanakaw kahit na wala naman silang ninanakaw. At ngayon, kailangan niyang malampasan ang pagsubok na ito at ipakita na isa siyang tunay na prinsesa karapat-dapat siyang makapasok sa elitistang paaralan ng Bright Minds Academy.

Galing siya sa squatter's area. Walang kaibahan sa mga batang kalye na nagtitinda ng sampaguita para mabuhay. Nalaman niya kalaunan na anak pala siya ng milyonaryong si Marcel Malvarosa. Pero hindi madali ang pagbabagong kailangan niyang gawin mula sa pagiging haragan at maangas na taga-Looban, kinailangan niyang maging malumanay ang kilos at maging kagalang-galang na dalaga sa loob nang dalawang linggo. Hindi lang sa pananamit at pag-aayos ang kailangan niyang baguhin dahil kailangan din niya ng kaalaman sa sining, bagong teknolohiya, fashion at iba pa. Sa palagay naman niya ay makakapasa siya dahil 'di pa niya ipinapahiya ang sarili sa buong gabing iyon. Makakapasa siya basta huwag lang malaman ng mga tao sa loob na nagpuslit siya ng pagkain para sa mga pulubi. Hindi lang niya matiis na maraming masasarap na pagkain sa party na 'di naman nauubos dahil mukhang nagda-diet ang mga tao doon habang maraming nagugutom sa labas.

"Anong ginagawa mo dito?"

Gulat na nilingon ni Abegail si Roumel na humihingal pa. Ito ang kaibigan niya na tumutulong sa kanya na maging tunay na "prinsesa". Namutla siya nang ibaling nito ang tingin sa mga batang kalye.

"Pinapakain mo sila?" nanggigilalas na tanong ng lalaki.

"Kasi sayang naman 'yung mga pagkain. Di naman nila kinakain sa party. E bakit di na lang ipakain sa nagugutom?" tanong niya. "Di ko sila matiis. Sana di na ito makarating sa iba."

"You might get into trouble for this. Di ko alam sino pa ibang nakakita dito."

"Mas masama naman kung itatapon 'yung pagkain. Huwag kang snob."

"Di ako snob. Pero di natin alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya ni Mindy oras na malaman nila ito."

"May problema ba dito?" At naestatwa si Abegail habang papalapit ang direktor ng Bright Future Academy sa kanila na si Dr. Kintanar. Ito ang manghuhusga kung makakapasok siya sa prestihiyosong paaralan o hindi.

"Wala po, Ma'am," tanggi niya at humawak sa kamay ni Roumel.

"Binigyan lang po kami ni Ate ng pagkain," sagot naman ng mas bata sa dalawang batang pinakain niya.

"Sabi nang huwag maingay," saway ng mas matanda sa dalawa.

"Pinakain mo ang street kids?" nanlalaki ang matang tanong ng direktor.

Yumuko ang dalaga. Wala na siyang kawala ngayon. "Sorry po. Pinag-take out ko po sila dahil di ko po maatim na makitang natatapon langa ng ibang pagkain pero may mga bata po na walang makain. Parang walang katarungan kapag ganoon. Naisip ko po di naman kawalan kung bibigyan ko sila. Kaysa naman matapon lang ang pagkain. Kung... kung unethical ang ginawa ko o dahilan po iyon para di ako

tanggapin sa school nyo, maiintindihan ko po."

Hinawakan ni Roumel ang kamay niya. "Kung parurusahan po ninyo si Abegail, I supported her and urged her. A-Ako po ang may kasalanan talaga."

"Roumel..." Pati ito ay madadamay pa sa ginawa niya. Kahit pa totoo, di niya ipapahamak ang lalaki. Graduating na ito.

Malakas ang kaba niya habang hinihintay ang pagtitimbang ng direktor. Pagkuwan ay ngumiti ito. "Bakit naman ako magagalit? Pinakain mo ang nagugutom. Di mo naman ninakaw ang pagkain. Hiningi mo na lang. Kung natatakot ka na magalit sila, sekreto natin ito."

Natutop ni Abegail ang bibig. "Talaga po?"

Nakangiting tumango si Dr. Kintanar. "You have a good heart. Despite being brash, I think your heart is in the right place. We need kids like you. Welcome to Bright Future Academy."

"Pasok ka na!" sigaw ni Roumel. "All your efforts paid off. Congratulations!"

***

Enjoy this story in its original version dahil pinapakatay ng editor ko. 

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon