Chapter 27

477 22 0
                                    

Dinig na dinig ang pag-alingawngaw ng sigaw sa taekwondo gym kasabay ng pagtama ng sipa sa kickpad pagpasok ni Abegail. Malawak ang naturang gym at mukhang kumpleto ang facilities. Ibang-iba sa gawa-gawa lang na training area sa Looban nang tinuturuan pa sila ng kapitbahay na mag-taekwondo. Nagkakasya na lang sila noon sa lumang mat at sirang kick pad pero masisipag silang mag-aral. Ikiniskis niya ang may medyas na paa sa kahoy na sahig.

"Ang saya! Gusto ko dito," usal niya. Parang at home na at home siya sa lugar. Gusto niya ang tunog ng mga sipa at sigaw. Parang gusto niyang makipila sa mga manlalaro na nakapilang sumipa sa kick pad.

Hinanap agad ng paningin niya ang Collosus. Ang mga ito na ang susunod na sisipa. "Go, Collosus!" cheer niya sa mga kaibigan at pumalakpak.

Naglingunan sa kanya ang mga nasa loob ng gym. May matalim ang tingin. Siguro ay na-distract sa training ang mga ito. Pawang seryoso ang anyo ng mga Collosus nang makita siya maliban kay Hawell na kumaway pa.

"Good afternoon, Miss. Are you here to watch or to try out?" tanong sa kanya ng isang lalaki na mukhang may lahing Koreano. Naka-taekwondo dobok din ito o uniform ng manlalaro ng taekwondo at may itim na belt.

"Good afternoon, Master Kim," aniya at inabot ang kamay. "I'm Abegail Malvarosa from The Newsmaker. Ako po ang nag-request ng interview sa inyo para sa taekwondo club."

Nasa kinse ang club sa Bright Minds Academy. Nang ibigay sa kanya ni Roumel ang assignment, nagbigay ng suhestiyon ang school paper adviser nila ng mga grupo na wala pang masyadong exposure. Sa huli, pinili niya ang taekwondo club. Malapit sa puso niya ang sports na iyon. Pakiramdam niya malaking bagay na mai-feature ang grupo matapos I-boo nang nakaraang club showcase.

"Yes. The student reporter. Welcome to our club. But I would like to request that you not to cause distraction to my players during your interview," bilin ni Master Kim.

Natutop niya ang bibig at tumango. Sa sobrang tuwa niya na makita ang Collosus at makapasok sa taekwondo gym, nawala siya sa sarili. Ang huling gusto niya ay mainis sa kanya ang coach. "I am sorry. I was a bit excited because some of my classmates are part of the team. I won't make unnecessary noise, Coach."

Tumango naman ito at nanatiling seryoso. "Jonathon!" tawag nito sa isang manlalaro na mas matangkad sa iba. "Please take care of our guest. She's with the school paper and she wants to know more about the club."

"Yes, Coach," magallang na sabi ni Jonathon.

"Is it okay if I interview the other members, Coach?" tanong niya

"During water break and after the training."

Inalok niya ang kamay kay Jonathon. "Hi! I'm Abegail Malvarosa."

Kinamayan siya nito. "Yes. I know you. Pinsan ka ni Aiona Malvarosa. I heard a lot about you."

Hindi niya alam kung paanong ngiti ang gagawin niya. Malamang hindi ganon kaganda ang naririnig nito sa kanya base sa kaseryosohan ng mukha nito at walang halaga dito kung maganda man ang sinabi ng article ni Roumel. "Narinig mo rin ba na nag-training ako sa taekwondo? Informal nga lang."

"No. But how you used it has been the talk of the town or a while. Do you want to see our training facilities and the thropies we had won?" tanong ng lalaki na dumirekta na agad sa pakay niya..

Hindi biro ang training facility ng mga atleta ng Bright Minds Academy. May sariling gym ang mga ito, nakakagamit ng pool anong oras man gustuhin at may sarili pang spa services para ikondisyon ang pangangatawanan ng mga ito.

Kaya naman hile-hilera ang mga medalya at tropeong nakamit ng mga manlalaro 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. May iba pang nakapaglaro sa Olympics.

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon