Chapter 15

392 18 0
                                    

Sila Abegail at ang collosus lang ang nasa box kasama ang dalawang babaeng bodyguard ng grupo. Bigatin pala ang mga ito dahil si Cohen ay anak ng senador habang si Jacko naman ay anak ng heneral sa ng Philippine Army. Palingon-lingon siya sa mga ito. Nakakailang kasi na may bantay sila.

"Huwag mo silang pansinin. Para sa proteksyon mo rin na nandiyan sila. Sigurado ka na walang mangyayaring masama sa iyo. They will make sure that we won't hurt you. At sila rin ang aawat kung gagawa kami ng gulo," paliwanag ni Parker na parang sanay nang may bodyguard.

Luminga siya sa teatro. "Kakaiba pala ang pakiramdam dito. Iba kaya sa sinehan o kaya sa TV lang manonood." Natatanaw din niya ang mga tao sa baba na nakasuot ng eleganteng damit. Napansin niya may binabasang papel ang mga ito.

"Saan nakakakuha ng papel na iyon?"

"Ah! 'Yung program?" tanong ni Hawell na nasa likod niya. "Binibili sa labas. Pwede kang kumuha mamayang intermission."

Program. Kailangan niyang basahin ang program dahil baka makatulong iyon para maunawaan niya ang palabas mamaya at makilala ang kalahok doon.

"Tch! 'Di pala libre."

Sinubukan niyang mag-research sa cellphone niya pero walang signal. Nagbigay na rin ng hudyat sa pagsisimula ng programa nang tumugtog ang orchestra ng pambasang awit ng Pilipinas.

Gustong tuktukan ni Abegail ang sarili. Hindi niya napaghandaan ang nalalapit na interview. Nanalig siya sa kakayahan ni Roumel. Assistant lang naman siya ng lalaki. At para mas mapalapit sila sa isa't isa, dito niya planong magtanong kapag may hindi siya naintindihan. Malay ko naman na 'di siya magpapakita sa akin.

Nakalimutan niya ang unang leksyon sa pagsusulat ng artikulo at interview ay ang mag-research sa paksang tatalakayin niya. Hindi niya inalam kung sino ang ballerina na I-interview-hin niya. Wala rin siyang alam sa ballet.

'Di bale. Siguro naman may alam ang Collosus kahit paano. Kapag gusto mo ang isang tao, dapat may alam ka rin tungkol sa gusto niya.

Matapos ang national anthem, kanya-kanyang sandal na ang Collosus. 'Di niya alam kung paano manonood ang mga ito.

"Gisingin mo na lang kami kapag intermission na," sabi ni Jacko at tinapik sa balikat si Cohen.

"Hays! 'Di man lang ako makakapaglaro ng Mobile Legends dito," angal ni Hawell at ikinatang ang ulo sa sandalan. Nakapikit na rin ito. Walang balak na manood. At mukhang bagsak na si Hawell.

"Hindi ba kayo manonood?" tanong ni Abegail kay Hawell.

Nagbukas ang programa sa pagpapaalam ng ama ni Cinderella dito. Naiwan sa mga kamay ng madrasta at stepsisters nito. Isa sa evil stepsisters na nakilala niya dahil sa orange na buhok na nakatumpok sa ulo nito.

"Go, Kira!" sigaw ni Cohen. Tumayo ito at pumalakpak. Ito lang ang tanging maingay sa loob ng teatro.

"Shhhh!" saway ng unang bodyguard sa lalaki.

"Sir Cohen, maupo na kayo. Please don't make a scene," saway dito ng pangalawang bodyguard.

"S-Sorry. Na-excite lang ako dahil magaling si Kira," sabi ni Cohen. Kung 'di lang madilim ang pwesto nila, tiyak na nagba-blush ito.

"Aha! Si Kira pala ang crush mo," kantiyaw niya sa lalaki pag-upo nito.

"Huwag kang maingay," saway nito.

"Ikaw nga itong maingay," aniya at humagikgik. Matapang ito at parang sanggano ang tingin dito ng mga taga-Bright Minds Academy.

"Shhhh! I'm sleeping in here," angal ni Jacko.

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon