NAPAGITNAAN si Abegail ng naghahampasan at nagkakaladkayaang mga lalaki nang maisukat na sa wakas ng prinsipe ang glass slipper kay Cinderella. Iyon ng pinakanakakakilig na eksena at pinakaabangan ng lahat subalit kakatwa ang reaksyon ng mga ito. Naghahampasan ang mga ito pero nakangiti naman.
"A-Ano ba'ng nangyayari?" tanong ni Abegail sa bodyguard na si Miss Belle.
"Ganyan sila kiligin, Miss. Kaya nga nakabantay kami kapag nanonood sila ng romantic na palabas dahil nagkakasakitan sila minsan kapag kinilig at natuwa."
"Ganoon ba iyon? Kinikilig din pala ang mga lalaki. Kasi nananakit."
"Ganyan sila magkulitan mga bata pa lang sila," sabi ng isa pang bodyguard na si Miss Belle.
Kuntodo palakpak at suporta ang grupo lalo na nang ipakilala si Kira. Sa kabila ng 'di magandang reputasyon ng Collosus, napansin niya na may talino din ang mga ito. Mas komportable din siya sa company ng mga ito at nakakasabay sa kulitan ng grupo. She felt at home.
"Dahil nagkatuluyan si Cinderella at Prince Charming, sagot ko ang late dinner. Sama ka, Abegail," yaya ni Parker.
"May interview pa ako. Hindi ko pa alam kung saan ang interview saka wala pa rin si Roumel." Nasa biyahe na ito ayon sa text nito. Ewan niya kung gaano pa kalayo ang biyahe na sinasabi nito. Tapos na ang show pero wala pa ito.
"Sige. Sasamahan ka na lang namin hintayin si Kira." Kumunot ang noo ni Cohen habang naghihintay sila sa isa sa corridor sa gilid ng main theater. "Ano? Wala pa rin ba si Shakespeare? Palabas na si Kira."
Nagkibit-balikat siya. "Sabi niya papunta na siya pero di pa rin siya nagre-reply kung nasaan na siya."
"Paano ang interview mo?" tanong niya.
"Baka naman nandito na siya maya maya pa lang."
Totoong interview na ito sa isang propesyunal na ballerina. Pero pasimple na siyang nagsulat ng mga tanong sa notebook niya kung sakaling hindi na makakahabol si Roumel sa interview. Kinakabahan siya.
Roumel, okay na 'yung hindi ka nakarating sa date natin pero huwag mo na akong gawing mukhang ewan sa interview.
"She's here," excited na usal ni Cohen. Nasa dulo ng corridor si Kira at palapit na sa kanila. Inayos ni Cohen ang kuwelyo at manggas ng polo nito. Idinikit nito ang sarili kay Parker. "Tingnan mo kung mabango pa ako. Baka kulang."
"Kapag nagpabango ka pa, sasakit na ang ilong namin sa iyo," angal ni Parker.
Kumaway si Kira sa kanila. Malinis na ang mukha nito at walang make up kaya mukha na ulit itong teenager at lumutang ang maamo na anyo. Kasunod nito ang kapamilya. "Hey! You are here. Hindi mo sinabi sa akin na manonood pala kayo, Cohen."
"Biglaan lang dahil hindi makakapunta si Mama. Sayang naman ang box namin kung di gagamitin. Para sa pinakamagadang evil stepsister." At inabot ni Cohen kay Kira ang bouquet ang tulip.
"Congratulations!" bati nila kay Kira.
"Good evening po," bati naman ni Abegail sa mga magulang ng dalaga.
"Ma, Pa, siya po ang anak ni Marcel Malvarosa. Schoolmate ko po siya sa Brigth Minds Academy at siya po ang mag-I-interview sa akin," pakilala ni
"Are you also into arts like your cousin?" tanong ng ina ni Kira na si Himiko na isang Haponesa.
"I am trying to learn and enjoy a little bit of everything," sagot ni Abegail at nakadama ng kompiyansa nang tumango ang ina ng binata.
"Why don't we continue this conversation at the cafe?" tanong ng ama ni Pablo Baleguer. "Sigurado ako na gutom na rin kayo. Are you young men coming?"
"Well... uh..." Nag-stammer si Cohen. Napipi na naman ito. Hindi lang pala ito torpe sa harap ni Kira kundi pati sa magulang ng dalaga.
"Kasama ko po sila kung okay lang sa inyo," salo agad ni Abegail. "Sila po ang mag-a-assist sa akin sa interview."
"Of course. The more, the merrier," ani Himiko.
"B-But we are really here to support Kira. She is really fantastic," sabi ni Cohen na hindi itinago ang paghanga sa dalaga.
Tumawid sila mula sa CCP papunta sa food complex sa tapat. Nasa parking lot din daw doon ang kotse nina Cohen pati ng mga Balaguer. Sa Zuccero Cafe sa Harbor Square sila napadpad. Nagustuhan agad niya dahil nasa tabi lang ng Manila Bay at maganda ang tanawin sa labas.
"Si Roumel?" tanong ni Kira. Nasa isang rattan nest sila sa labas ng cafe na nasa nasa tapat ng hilera ng mga yate. Nakahiwalay ang mga magulang ng dalaga na nasa kabilang nattan nest lang.
"Uhmmm... Wala pa rin siya pero pwede naman niya tayong sundan dito. Nai-text ko naman kung saang cafe tayo. Grabe kasi ang traffic dito," ani Abegail at ipinaypay ang menu sa sarili. Natetensyon siya dahil 'di niya alam kung hanggang kailan siya makakapaghintay bago ito dumating. Di niya alam kung hanggang kailan niya kayang I-hold off ang interview.
"Good thing nakapasok ka sa The Newsmaker. Nag-worry ako baka ma-discourage ka sa performing arts audition at 'di ka na sumubok sa iba pang org," sabi Kira sa magaang boses.
"Gusto ko lang talagang subukan. Wala namang masama. Masaya naman ako dahil nag-enjoy kayo at nakapagpasaya ako ng tao. Parang ikaw, sobrang galing ng mga kasamahan ninyo kanina. Paano ka ba nagsimula ng ballet?" tanong niya.
"Is this the start of the interview?" tanong ng dalaga.
"H-Hindi naman talaga. Wala pa si Roumel at siya talaga ang mag-I-interview sa iyo," nauutal sa kabang sabi niya.
"Nasimulan mo na kaya ituloy mo na," kantiyaw ni Parker at ibinigay ang order sa waitress. "Kinakabahan kasi si Abegail dahil unang interview niya. Tapos iniwan siya ni Roumel sa ere."
"Hindi naman gano'n..." protesta ni Abegail.
"The truth is that I hate interviews," rebelasyon ni Kira at pinagkiskis ang mga palad. "Ito ang unang feature ko para sa The Newsmaker. Baka mamaya may masabi akong di maganda o maka-turn off para di ako magustuhan ng mga tao. Kaya masaya ako na ikaw ang mag-I-interview sa akin."
"Mas gusto mo na ako ang mag-interview sa iyo?" tanong niya.
"Oo. Isipin mo na bagong magkaibigan lang tayo na nagkukwentuhan. Walang masyadong pressure sa ating dalawa. Is that fine with you?"
"O-Oo naman."
BINABASA MO ANG
The Princess Trouble #Wattys2019
Teen FictionAt nagbabalik si Abegail na mula sa paghahabol ng snatcher sa Looban, naging tagapagmana na siya ng mga Malvarosa. Pasok na pasok na siya sa Bright Minds Academy matapos niyang makapasa sa pagsubok na ibigay sa kanya kung papasa nga siyang matawag n...