"ABBY, kung nahihirapan kang mamili ng club para sa interview mo, Rhythm and Movement is always available. We are the best club. At sigurado ako na mas magiging maganda ang writing portfolio mo kapag na-feature kami. As a proof that I want to make ammends with you, I will offer myself as tribute. Kahit busy ako, maglalaan ako ng oras para sa iyo."
Matapos malaman ni Aiona ang assignmen niya, kinulit-kulit na siya nito. Kaya naman pala niyaya nito na mag-lunch kasama ang ibang Sassy. Maniwala naman siya na gusto nitong bumawi. Gaya ng dati, interesado si Aiona sa sarili nitong advantage.
"Nakakahiya naman, Aiona. Hindi sa tinatanggihan kita pero nabigyan na ako ni Miss Salve ng grupo na pagpipilian ko. Baka sa ibang staff kayo napunta."
Humaba ang nguso nito na singhaba ng matangos nitong ilong. "I don't know. Wala pang kumo-contact sa kay Tatum. Or maybe, he wants to get all the exposure."
"Best club na kayo. 'Di na ninyo kailangan ng exposure. Saka baka sabihin nila ikaw ang ini-interview ko dahil pinsan kita."
Laging may feature tungkol sa grupo ng Rhythm and Movement at sa miyembro ng mga ito. Maraming accomplishment ang mga ito pero ganoon din ang ibang club. Malaking bagay marahil na maraming marunong mag-entertain at makipag-usap sa tao ang mga ito.
"Next time maybe." Hinawakan ni Aiona ang kamay niya. "I am always here for you. I will support you so you will be better. I know we don't always get along and there's the pressure of being my cousin. Nahihirapan ka siguro dito. Just tell me if you need any help." May inilabas ito sa pouch. "Here's the latest lip balm in Tony Moly. I bought one for you."
"H-Hindi pa nga ubos 'yung isang lip balm."
"You can't have too many lip balms. Take it."
Kinuha niya iyon. "Salamat."
Hindi nag-sorry sa kanya si Aiona. Masyadong mataas ang pride nito. Para dito, sapat na siguro na hindi siya nito inaaway. Gusto man niya itong turuan ng leksyon sa pagpapakumbaba, mas mabuti na ito kaysa nag-aaway sila. Ayaw na niyang bigyan ng alalahanin ang ama at si Roumel na naiipit tuwing 'di sila magkasundo ng pinsan. Guto niyang maging malapit kay Aiona. Huwag lang sana nitong isipin na magkakompitensiya sila o lagi itong mas mataas kaysa sa kanya.
Pagkatapos ng klase, bumalik si Abegail sa cafeteria para kunin ang in-order na dalawang family pizza at pumunta sa garden. Naghihintay na ang Collosus sa garden pero may nakahanda nang dalawang litro ng aloe vera juice ang mga ito. Sagot na daw ng mga ito ang inumin at bahala na siya sa pizza. May ube-macapuno cake na inilabas ang mga ito sa kahon nang dumating siya.
"The cake is yours," sabi ni Parker. "Napapansin namin mahilig ka sa cake."
"Ayos! Parang nasa picnic tayo." Sila lang ang nasa garden dahil nag-uwian na ang ibang estudyante.
"Kumain muna tayo bago ang interview," sabi ni Cohen.
Nagkukwentuhan ang mga ito tungkol sa Marvel movie franchise at ang bagong game. Hanggang napunta ang usapan sa mga bagong rubber shoes na inilabas ng Adidas at Nike. Parang normal na teenager lang ang mga ito. Gusto na sunod sa uso. Sino ang mag-aakala na marami nang pinagdaanan ang mga ito.
Nakakaubos na siya ng isang slice ng pizza nang mag-request siya na simulan ang interview. Ihinanda niya ang sound recorder sa cellphone para mai-record ang interview. "So, bakit ninyo napili ang taekwondo?"
"Masyado kaming agresibo, matigas ang ulo at makaladya mula pagkabata," kwento ni Cohen. "Dahil nasa military ang papa ko, naisip ipasok ako sa martial arts para makontrol ang kakulitan ko."
"Same here," sabi ni Parker. "Kailangan daw may mapaglabasan ang aggression ko kaya pinili ang martial arts. Dati kaming magkakaaway pero dahil sa taekwondo, maging magkakaibigan kami."
Maganda ang kwento ng mga ito. Noong una daw, nag-e-enjoy na ang mga ito sa taekwondo hanggang humakot ng mga award. Sa kasamaang palad, umakyat daw sa ulo ng mga ito ang tagumpay. Isama pa ang kanya-kanyang problema ng mga ito sa personal na buhay na dahilan kung bakit naging gawi na mga ito na man-terrorize ng ibang tao. Binubuksan ng mga ito ang puso sa kanya nang 'di iniisip na para iyon sa diyaryo. May tiwala ang mga ito sa kanya.
"Sometimes, the awards are not enough. Gusto kong makuha ang atensyon ng mga magulang ko. Masyado silang busy sa trabaho. Napapansin lang nila ako kapag may reklamo sa akin sa guidance. And they would do everything to bury it. Doon ko nararamdaman na importante pa pala ako sa parents ko," malungkot na kwento ni Hawell.
"Nagseselos ako sa kuya ko. He is the genius in the family," salaysay naman ni Jacko. "Being a taekwondo champion is not enough for my parents. I feel powerful when I lord over other people. It was twisted but it felt so good."
Tinungga muna ni Cohen ang isang baso ng tubig bago nagsalita. Mukhang 'di rin madali para dito ang magtapat. "My father is a senator who wants us to look good in public. My family was falling apart. I was falling apart. Pero kailangan namin na magkunwaring masaya. At napapagod na akong magkunwaring masaya."
Malungkot siyang pinagmasdan ni Parker. "Sinasaktan ni Papa ang Mama ko. Sinabi ko na hindi ako mananakit ng babae. So, I have this illussion to love every woman who takes my fancy. No commitments. Basta gusto ko lang silang mapasaya. And it caused me a lot of trouble."
Napabuga si Abegail ng hangin at tiningnan ang notes niya. Hindi na pala siya nakapagsulat dahil nakikinig na lang siya sa mga ito. May mga tao na nagiging bully at gumagawa ng gulo dahil din sa pinagmulan ng mga ito. "S-Salamat kasi 'di ko inaasahan na ito ang kwento ninyo o magkukwento kayo sa akin."
Hindi rin niya alam mailalabas niya ang bahaging iyon ng interview dahil gusto rin niyang protektahan ang privacy ng mga kaibigan. At kung ilalabas niya iyon, kailangan ng permiso ng paaralan at ng mga magulang ng Collosus.
Nagkibit-balikat si Parker. "It is a common knowledge that I have an abusive father. Pero itinatago iyon ni Mama. Hanggang tuluyan na siyang mag-file ng annulment kay papa pagkatapos kong masangkot sa viral video. Nalaman kasi niya sa psychologist noong counselling namin kung ano ang posibleng epekto ng abuse na nakikita ng isang bata sa tahanan. Why I got into women trouble. Why I could be a bully sometimes. Ayaw daw niya na maging di sila magandang impluwensiya ng Papa ko sa akin. She should take me away from a violent home. Hindi na lang iyon naging laban ko kundi laban na rin ni Mama para sa sarili niya."
Tumango-tango si Hawell. "Nag-improve din ang relasyon namin sa bahay. Mas maging open kami. Naisip ng mga magulang namin kung ano ba talaga ang mas mahalaga sa kanila - ang negosyo, ang imahe nila, ang career nila o kaming mga anak nila?"
Hindi lang ito basta mga kwento ng mga batang bully o bayolente. Kwento rin ito ng mga hindi perpektong pamilya. At kwento rin iyon ng pagbabagong-buhay. Maluha-luha siya at kumuha ng tissue. Minsan kailangan ng isang trahedya, malaking problema o masamang pangyayari para matauhan ang lahat.
"Abegail, hindi kami gumagawa ng excuse sa mga pagkakamali namin dati. Hindi namin alam kung bakit parang gusto namin manakit o man-torture ng iba. Nalaman na lang namin noong counseling," paliwanag ni Cohen.
"Dahil din sa kalokohan namin dati, walang gustong maniwala na 'di kami ang pasimuno ng gulo. Ang ibang taga-Bright Minds Academy, sa mga kalaban pa namin kumampi kahit na mas malaki sila sa amin at sila ang pasimuno ng gulo," sabi ni Hawell sa malapit na boses at sumubo ng pizza. "I can't really blame them. Parang ayoko nang pumasok sa school no'n. Parang gusto ko na lang maghukay sa ilalim ng lupa at doon na lang tumira."
"Si Papa nga gusto na iuwi na lang ako sa farm namin sa Zamboanga at magtanim na lang daw ako ng kamote. Kahihiyan daw ako," sabi naman ni Jacko. "Pero kung gusto naming bumawi, kailangan naming harapin ang mga pagkakamali namin. Minors kami pero hindi excuse iyon para manakit kami ng iba o gamitin namin ang kakayahan namin para mag-trip sa ibang tao."
BINABASA MO ANG
The Princess Trouble #Wattys2019
Novela JuvenilAt nagbabalik si Abegail na mula sa paghahabol ng snatcher sa Looban, naging tagapagmana na siya ng mga Malvarosa. Pasok na pasok na siya sa Bright Minds Academy matapos niyang makapasa sa pagsubok na ibigay sa kanya kung papasa nga siyang matawag n...