NAKAILANG buntong-hininga si Abegail habang mag-isa sa kuwarto at pinag-aaralan sa Youtube ang iba't ibang klase ng fashion design. Ni hindi pumasok sa utak niya kung ano ang kaibahan ng bohemian sa avant gardeat sa exotic dahil bumabalik sa isip niya si Roumel. Hindi na ito nagpakita sa kanya mula nang o nag-message man lang mula nang sundan nito si Aiona kaninang tanghalian. Panira talaga ng moment ang pinsan niya.
Nagre-relax daw ang pinsan at ang iba pang Sassy sa isang jimjilbang spa para fresh para sa audition kinabukasan at dama ng mga ito ang Korean vibes. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Roumel at Aiona. Kung nagkasundo na ba ang mga ito.
Paano kung nagseselos si Aiona sa atensyon na nakuha ko? Paano kung palayuin ni Aiona si Roumel sa akin?
Malalim ang pinagsamahan ng mga ito. May mga bagay na hindi niya maiintindihan. May mga pagkakataon din na si Roumel lang ang nakakaunawa sa kay Aiona. Bago pa lang silang magkaibigan ni Roumel. Wala silang matagal na pinagsamahan katulad ng pinsan. At sa nakita niya kanian, handang iwan ni Roumel ang lahat para sa babae.
Napayukyok si Abegail sa mesa at nanakit ang likod ng mga mata dahil sa nagbabantang luha. "Paano kung palayuin nga si Roumel sa akin at pumayag naman ang gunggong?" Gunggong naman talaga pagdating kay Aiona. Gunggong. Shunga-shunga. Utu-uto.
Hindi yata niya kakayanin kapag lumayo si Roumel sa kanya. Mahalaga ang lalaki sa kanya. Pero may magagawa ba siya kung piliin nito ang pinsan?
Umangat ang ulo niya nang tumunog ang ringtone ng cellphone niya na Kilometro ni Sarah Geronimo - ang ringtone na gamit niya kay Roumel. Nanlalaki ang mata lang niyang tinitigan ang cellphone. Kung dati-rati nagkukumahog siyang sagutin ang tawag nito, nababalot siya ng takot ngayon.
Hala siya! Baka nga sabihin niya sa akin na iiwas na siya sa akin dahil sa utos ni Aiona. Anong gagawin ko ngayon?
Yumukyok ulit ang dalaga sa mesa. "Ayokong sagutin. Ayokong mawala sa akin si Roumel. Please huwag naman. Baka maiyak lang ako kapag ayaw na niya akong maging kaibigan. Ayoko!"
Pero parang may sariling utak ang mga kamay niya. Gumapang iyon sa mesa, dinampot ang cellphone niya at pinindot ang accept call button saka inilapit sa tainga niya. "Hello, Roumel."
"Hi, Abby! Busy ka ba?"
Nag-cartwheel nang tatlong beses ang puso niya nang marinig ang boses nito. "Medyo." Busy kahihintay sa tawag mo.
"Sorry kung hindi nabalikan kanina. Si Aiona kasi..."
"Nakakain naman kami kahit wala ka. Di mo naman dala ang lunch box," biro niya dito. Kahit iniwan siya nito di niya magawang magtampo. "Nakakain ka naman ba?"
"Medyo. Tiniyak ko muna na kumain si Aiona. Kapag galit iyon, hindi kumakain. Dati tinikis ko siya, nalipasan ng gutom at nag-collapse. Ayokong mapabayaan niya ang sarili niya dahil sa sama ng loob sa akin. Audition na niya bukas. Kailangan wala siyang ibang inaalala."
"Pero wala ka namang kasalanan sa nangyari. Choice naman niya kung ayaw niyang kumain." Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang parusahan ang sariling katawan dahil lang di nasunod ang gusto nito. Para ba ma-guilty si Roumel at maging sunud-sunuran sa gusto ng pinsan?
"Kahit na. I still feel responsible for her. Nangako ako na aalagaan ko siya."
Gusto niyang magselos kay Aiona dahil sa atensyon na nakukuha nito mula kay Roumel. Subalit ayaw din niya na mapahamak ang pinsan kahit maldita ito.
"B-Bati na ba kayo?" tanong niya.
"Oo naman. Okay na okay na kami. Kailangan ko lang siyang samahan sa audition niya bukas sa Kpop camp."
"Bukas? 'Di ba bukas din tayo manonood ng ballet."
"Sa gabi pa naman tayo manonood sa CCP at sa umaga ang audition. Hahabol ako. Ayoko lang maramdaman ni Aiona na may nagbago sa samahan namin dahil dumating ka. Ayoko rin na magalit siya sa iyo dahil mas nabibigyan kita ng atensyon o iniisip niya na mas pinapaboran kita. Gusto ko rin na mapalapit siya sa iyo dahil magkapamilya kayo. Naiintindihan mo naman ako, 'di ba?"
"Oo naman. 'Di naman ako bata na konting kibot nagtatampo." Nakahinga nang maluwag si Abegail. Di naman pala nito puputulin ang pagkakaibigan nila Gusto pa nga nito Roumel mas magkasundo sila ni Aiona. Praning lang siya kanina. Wala naman siyang dapat na ikatakot. "E di manlilibre ka bukas."
"Oo ba. Saang restaurant mo ba gusto? Marami sa Baywalk. Malapit lang iyon sa CCP."
"Fishball at kikiam lang masaya na ako. Di ako choosy." Basta kasama niya si Roumel, kahit tubig lang solve na siya.
Tumawa ang binata na parang musika sa tainga niya. "Iyan ang gusto ko sa iyo. Di ka high maintenance. Pero gusto kitang I-pamper. I want to treat you like a princess that you are. See you tomorrow. Goodnight, princess."
"Yes! Tuloy ang date namin. Tinawag pa niya akong princess," impit na tili habang yakap ang cellphone. "Shemay! Wala nang urungan sa date."
BINABASA MO ANG
The Princess Trouble #Wattys2019
Teen FictionAt nagbabalik si Abegail na mula sa paghahabol ng snatcher sa Looban, naging tagapagmana na siya ng mga Malvarosa. Pasok na pasok na siya sa Bright Minds Academy matapos niyang makapasa sa pagsubok na ibigay sa kanya kung papasa nga siyang matawag n...