Chapter 11

421 21 0
                                    

"GOOD morning, Tatay!" bati ni Abegail sa ama at niyakap ito. Nakaupo ito sa mesa sa lanai kung saan nakadulot ang agahan nila. Kauuwi lang nito galing sa Hong Kong nang nakaraang gabi at nakatulugan na niya ang paghihintay dito.

"Aba! Mukhang maganda ang gising ng anak ko."

"Salamat po sa pasalubong na stuffed toy ni Mickey Mouse. Nag-Disneyland po kayo?" Katabi na niya ang malaking stuffed toy ni Mickey Mouse paggising niya.

"Ipinabili ko sa staff ko dahil nag-Disneyland sila kahapon noong huling araw namin. Pero sa susunod magdi-Disneyland tayo. Bilhin mo ang lahat ng gusto mo."

"Talaga po?" usal niya habang nanlalaki ang mga mata. Sa panaginip lang niya dati naisip na pwede siyang makapag-Disneyland. Pwede nang magkatotoo iyon ngayon. "Wala pa nga po akong passport."

"That can be arranged. Gusto mo kahit next week pumunta tayo."

Umiling siya. "Hindi pa nga po ako nakakapasyal sa ibang lugar dito sa Pilipinas." Noong bakasyon, di siya nakapasyal dah abala siya na patunayan na karapat-dapat siyang maging isang Malvarosa. "Tapos Disneyland po agad."

"Kahit saang Disneyland pwede kitang dalhin. Don't you forget that. You are a Malvarosa now. Hindi kita titipirin, anak. I can take you anywhere you want. Kaya sabihin mo lang sa akin kung ano ang gusto mo. Lalo na kung mataas ang grades mo, marami kang reward sa akin."

Kakaibang sigla ang naramdaman niya. Iba na nga talaga ang buhay niya ngayon. Parang isang prinsesa na siya na pwedeng ibigay sa kanya ang anumang gustuhin niya. Minsan nasa-shock pa rin siya sa kayang ibigay sa kanya ng ama pero normal na iyon sa mga kaklase niya. May kaklase nga siya na gustong kumain ng sushi at kinahapunan ay lumipad ang buong pamilya sa Japan. Nakakalula ang ganoong klase ng karangyaan sa buhay. Di pa rin siya sanay. Pero excited na siyang mamasyal sa ibang lugar sa Pilipinas at sa mundo kasama ang ama.

Lulugo-lugong lumapit sa kanila si Aiona. "Good morning, Tito. Welcome home."

"You look tired," puna ng ama matapos itong halikan sa pisngi.

"Marami pong project and we are practicing for the audition this weekend. We are working hard to enter the camp," anito at umupo. Puyat nga ito at nangangalumata. Marami pala itong projects pero inuna ang party. At dahil mataas ang ere nito, napilitan itong gawin ang sariling project. Mabuti naman. Matuto na ito ng leksyon ngayon. Hindi siya nito dapat kinakalaban.

"How about you slow down with your practices? Ang paalala ng parents mo sa akin, kapag 'di mo na-maintain ang grades mo, magla-lie low ka muna sa Sassy," nakakunot na payo ng ama dito.

Nagmistulang platito ang laki ng mga mata ng pinsan. "No! Please don't do that, Tito.Don't take my dream away from me. I will do better. Really do better. Kaya ko pong sabayin ang pag-aaral ko at Kpop dream ko. My other schoolmates and those before me did it. Kaya ko rin po iyon. Sayang naman po ang pinaghirapan namin ng Sassy kung ngayon pa kami titigil. We are just one step away from joining the camp. We are just one step away from Seoul."

Naramdaman niya ang frustration ni Aiona. Masakit nga naman na pigilan ito sa pangarap nito kung kailan malapit na ito. Di niya alam kung dapat ba siyang maawa dito. Oo, naghirap ito sa pangarap nito pero may pangit din na ugali ang pinsan niya.

Matiim itong tinitigan ng ama niya. Parang inaanalisa pa kung ano ang dapat sabihin sa pinsan. "I will watch you closely then. Hindi kita pwedeng pabayaan lang. Health and studies mo ang priority natin. If your grades start to slip or you got sick..."

Sa ama niya, hindi isyu ang pera basta huwag silang masasangkot sa gulo at hindi bababa ang grades nila. Iyon lang ang kondisyon nito. At kapag gumawa ng gulo si Aiona, ang alam niya ay kukunin ito ng ina sa Bacolod. Ayaw na ayaw ng pinsan niya na pumupunta sa nanay nito na may sariling pamilya dahil mahirap ang buhay doon. Hindi daw ito buhay-prinsesa. Habang 'di naman ito maaalagaan ng ama nito na si Uncle Charles na naka-base sa Australia pero madalas namang mamasyal sa iba't ibang lugar sa mundo dahil sa hilig nito sa extreme sports. Mas gusto ni Aiona manatili sa ama niyang si Marcel kung saan mababantayan ito at buhay-prinsesa pa rin ito.

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon