Chapter 14

395 21 0
                                    

"YOU look so neat," puri ni Tita Graziella kay Abegail. Nanay ito ni Roumel at ang mentor niya sa social graces. Istrikto itong instructor at hindi siya tinitigilan hangga't di niya nakukuha ang leksyon o hindi nawawala ang 'di magandang habit niya. At sa gabing iyon, ipinakita niya kung gaano siya kagaling na estudyante. Nag-transform siya bilang isang magandang paru-paro.

Nasa lobby sila ng Cultural Center of the Philippines kung saan ipapalabas ang ballet show na Cinderella. Ihinatid siya nito para may kasama siya habang hinihintay si Roumel na nasa audition pa ni Aiona.

"Thank you po. Ia-apply ko po ang itinuro ninyo sa akin."

Pinili ni Abegail ang peach sleeveless lace top na pinatungan ng denim jacket na may burdang bulaklak. Habang flowing gypsy skirt na hanggang bukong-bukong at puting sneakers. Kinulot niya ang dulo ng buhok at hinati sa bandang kanan. Baby powder at tinted lip balm lang sapat na. Nagbilin din si Tita Graziella na huwag siyang magmadaling tumanda. Ayos lang daw mag-aral ng make up dahil kailangan niya iyon. Pero minsan, mas magandang ipakita ang natural na ganda.

"Okay lang po ba na hindi masyadong pormal?" Napansin niya na may mga naka-long gown at naka-amerikana pa ang iba.

Hinawakan nito ang balikat niya. "Just relax. May iba dito na nakasimpleng jeans at shorts pa nga ang iba. Just observe the proper decorum and listen to the instructions. Hindi rin naman kailangan laging naka-pormal."

"P-Pero bagay naman po sa akin 'di ba?" tanong niya na di pa rin sigurado.

"Of course. Every inch a lady. Mabuti naman at nasasanay ka nang mag-ayos. Ipinadala ko sa Papa mo ang pictures mo. He loved it."

"Si Roumel po kaya?" nausal niya.

"Oh!" Tiningnan nito ang cellphone. "Sabi niya tatapusin lang niya ang performance nila Aiona at pupunta na siya dito. He should be on his way."

"Anong oras kaya dadating iyon?" tanong niya. May kalahating oras pa bago ang pagsisimula ng programa. Paano kung ma-late ito? Wala na siyang kasama. May dadaluhan pa na party si Tita Graziella. Wala na siyang kasama pagkatapos.

"Hello, Tita Graziella. I am so excited to see you here," bati ng isang babae dito na nakasuot ng robe dress at may sumbrero na may mataas na orange na buhok sa ibabaw ng ulo.

Hinalikan ito sa pisngi ni Graziella. "My lovely Kira. Look how you've grown." Saka lang niya nakilala na ito si Kira, ang babaeng nakatabi niya noong audition sa performing arts org. Di niya ito nakilala sa kapal ng make up.

"Thank you for coming, Tita. And thank you for bringing company."

"May speaking engagement ako sa Manila Hotel. Ihinatid ko lang si Abegail. This is Abegail Malvarosa. Sa Bright Minds Academy siya nag-aaral. She's also a wonderful student of mine. And this is Kira Balaguer, a talented ballerina and a student of Bright Minds Academy."

"Hello, Sorbetes Girl. We meet again," bati ni Kira sa kanya at nag-beso sa kanya.

"Sorbetes Girl?" tanong ni Tita Graziella.

"Audition piece po niya ang Mamang Sorbetero sa performing arts org. She looked so cute."

"Hindi po ako nakapasa," pag-amin agad niya. "Pero sabi po ni Roumel pwede naman po akong mag-training para sa school paper kaya kinuha po niya akong assistant. Ito po ang unang assignment ko."

"Akala ko naman ka-date niya ang kasama niya," ani Kira at ngumiti kay Tita Graziella. "With your consent, of course."

"Hindi!" tanggi ni Abegail. Pero parang ganoon na nga.

"Mabuti silang magkaibigan."

"You are in good hands. Roumel is really dependable. Hindi ka niya pababayaan," puno ng kompiyansang sabi ni Kira. "Nasaan po pala siya?"

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon