Chapter 10

424 22 0
                                    

BALIK na naman sa stratosphere ang kilig ni Abegail hanggang makauwi. Di na mahalaga kung tatawagan siya ni Roumel dahil kay Aiona o dahil sa presidente ng North Korea. Basta may rason lang para makausap niya ito. Kulang ang maghapon na magkasama sila at magkausap.

Malakas ang dagundong ng dibdib ni Abegail pagdating sa mansion ng mga Malvarosa at walang kinalaman si Roumel doon. Yumayanig ang buong bahay sa lakas ng musika na electronic pop pa ang genre. Di na siya magtataka kung bingi na ang mga tao sa mansion sa lakas ng tugtog.

Sinalubong siya ni Manang Ponyang. "Miss Abby, kumain na ba kayo? May barbeque tayo diyan at relyenong pusit. Baka nagugutom ka."

"Sige po. Kakain po ako." Tinakpan niya ang tainga. "Manang, ano pong meron? Bakit maingay?"

"May biglaang party si Miss Aiona. Kasama niya ang mga kaibigan niya noong elementary pa na dumating galing sa Europe."

"Akala ko ba may practice siya para sa Kpop audition?" nagtatakang tanong niya. Kaya nga inabala nito si Roumel para gawin ang book report nito dahil sa "pangarap" nito. Tapos aabutan lang niya itong nagpa-party.

"Di ko lang po alam pero kanina pa sila sa pool area. Nagsasayawan sila mula kaninang tanghali pero di ko alam kung practice nila iyon. Parang di naman. Nagpaalam naman daw siya sa papa ninyo. Minsan lang naman daw kasi ang kaibigan niya at babalik na ng Amerika."

Nasa Hong Kong ang ama niya at 'di niya alam kung ano ang ipinagpaalam ni Aiona dito. Mukhang pinayagan naman ito.

Sumilip siya sa pool area at natawanan ang pinsan na may kausap na lalaking blonde. Di naman mukhang foreigner ang lalaki. Mukhang nagpakulay lang ng buhok. Iyon marahil ang kaibigan nito na galing sa States. Napansin din niya ang ibang estudyante ng Bright Minds Academy at mga Sassy na nagsasabuyan sa pool. Ang iba naman ay kumakain.

Seryoso? Gagawan ko ng project si Aiona habang nagpapasarap siya sa buhay? Parang di naman makatarungan para sa akin iyon.

Paano na lang pala kung hinayaan niya si Roumel na gawin ang book review nito? Ibig sabihin isasakripisyo ng binata ang sariling pangarap para sa kapritso ng pinsan niya? Kung huwag ko na lang kayang gawin ang project niya para magdala?

Lumingon sa direksyon niya si Blondie. Kumaway ito. Napilitan din siyang kumaway dito. Naglakad ito palapit sa kanya. "Hi! I am Joshua, Aiona's friend. Dati akong estudyante sa Bright Minds Academy pero lumipat na sa States ang family ko last year. Glad to finally meet the lost heiress." At inalok ang kamay sa kanya.

"Abegail. Abegail na lang," sabi niya at inalok ang kamay para kamayan ito.

"No. Don't touch her," saway ni Aiona at hinawi ang kamay ni Joshua para 'di niya mahawakan. "Galing siya sa squatter's nest. She might contaminate you."

Humalukipkip si Abegail. Maka-contaminate naman ito. Para namang 'di pare-parehong polluted ang hangin na hinihinga nila sa Maynila. At sa pagkakaalam niya, polluted din naman ang mga hangin sa siyudad ng Amerika.

"Why don't you join us for a swim?" yaya ni Joshua na hindi pinansin ang pasimpleng panlalait ng pinsan.

"Saka na. Magbababad pa kasi ako sa isang drum ng alcohol. Nakakahiya naman kay Aiona at sa inyo. Saka may gagawin pa akong book review. Kaya may itatanong lang sana ako kay Aiona."

"Okay. Pero samahan mo kami mamaya ha?" ani Joshua na mukha namang mabait. "Marami pang pagkain dito." At bumalik ang lalaki sa party.

"What?" nakapamaywang na tanong ng pinsan.

"Tungkol sa book review mo dito." At itinaas ang libro.

"What? Kokopya ka sa akin?" nakangising tanong nito. "Ang swerte mo naman."

Pagkakataon naman niya para ngumisi ngayon. "Actually, ako ang gagawa ng book review mo."

Parang hinagisan ito ng bomba sa rebelasyon niya. "Shhh!" Luminga ito sa paligid at hinila siya sa pool house. Nakalimutan na nito ang bacteria na inuwi niya mula sa squatter's area sa higpit ng pagkakahawak nito. Humihingal nitong isinara ang pinto ng pool house at hinarap siya. "Are you crazy? Bakit ikaw ang gagawa ng book report ko?" angil ni Aiona.

"Busy si Roumel. Hindi niya maaasikaso iyan," kaswal niyang sagot.

"He promised he would help me out with my project. Tapos sa iyo lang niya ipapasa ang project ko."

"Wow! Choosy ka pa. Ikaw na ang nagpapagawa ng project sa iba, ikaw pa ang mayabang. Hindi naman totoong may practice ka. May panga-pangarap ka pa kuno na parang hirap na hirap ka pero pa-swimming-swimming ka lang. Gusto mo pang abalahin si Roumel samantalang may deadline siya bukas para sa The Newsmaker. Di mo ba naisip na pangarap din niya na maging editor-in-chief? Tapos aabalahin mo pa habang ikaw nagpapakasarap lang pala."

"And how about you? Bida-bidahan ka."

"Hindi ko lang matitiis na nahihirapan ang kaibigan ko samantalang ipinaglalaban niya ang pangarap niya. Mukha naman kasing wala kang pakialam sa pangarap ng ibang tao. Sarili mo lang ang iniisip mo."

Nalukot ang mukha nito at dinuro siya sa didbib. "Are you saying that I am selfish and inconsiderate?"

"Ano ba dapat itawag sa iyo?"

Magaan pa nga ang makasarili at walang konsiderasyon sa iba para dito. Mapanlamang din ito sa kapwa. Hindi lang si Roumel ang gusto nitong utakan. Gusto rin nitong makalamang sa mga kaklase nito para mas mataas na grade. Hindi naman iyon patas lalo na't may mga kaklase ito na nagsisikap para makapasa man lang. Tapos ay magkaka-project ito nang walang kahirap-hirap.

Nanlisik ang mga mata ni Aiona. "The arrangement is between me and Roumel. Wala kang karapatan na makialam at magmagaling o husgahan ako. Bago ka pa lang dito, kung makaasta ka na akala mo naman may pakialam ka kung paano ko tratuhin ang kaibigan ko."

"Concern lang ako kay Roumel. Gusto ko na mag-focus siya sa articles na isinusulat niya tutal kayang-kaya ko namang gawin ang book review mo."

Pagak na tumawa si Aiona. "Sa dinami-dami ng hihingan niya ng tulong, sa iyo pa talaga?"

"Wow naman. Ikaw na ang tinutulungan, ikaw pa ang choosy. Ibang klase ka rin. Sa halip na magpasalamat ka, parang utang na loob ko pang tulungan ka." Ibang klase rin naman ang self-entitlement ng pinsan niya. Ito na nga ang tinutulungan, pipili pa ito ng tutulong dito.

"Roumel is good in literature. He could do it with his eyes closed. Habang di ko naman alam kung ano ang gagawin mo sa project mo. Baka magka-failing mark pa ako. Baka nga sadyain mo pa para masira ang record ko."

"Ayun naman pala." Itinapik niya ang libro sa palad. "Ikaw na lang sana ang gumawa ng project mo para wala kang masabi. Sa palagay ko naman kaya mong isingit iyan sa pagtupad sa pangarap mo. At huwag mo nang guluhin pa si Roumel para lang ipilit sa kanya na gawin ang project mo. Tulong mo man lang sa pangarap niya kung totoong kaibigan ka talaga."

"Cut that haughty act. Huwag kang magmagaling na parang alam mo kung ano ang mabuti at tama para sa pagkakaibigan namin ni Roumel. Matagal na kaming magkaibigan. Wala kang alam sa mga pinagdaanan at pinagsamahan namin."

"Ang dami mong sinabi. Para kang aping-api samantalang ikaw na nga itong tinutulungan." Hinawakan niya ang kamay nito at inilapag sa palad nito ang libro. "Heto na. Ikaw na ang bahala diyan. Good luck sa book review." Itinaas niya ang nakakuyom na kamao. "Para sa pangarap. Wohooo!"

Itinuro siya nito habang naglalakad siya palayo. "YOU!"

"Ah... mag-alcohol ka pala kasi may bacteria ko iyang libro. Hello na lang ulit sa friends mo." At kumaway dito habang palabas ng poolhouse.

Humagikgik siya nang marinig ang impit na tili nito. Nautakan niya ito. Hindi na siya nito maaabala pa ni Roumel, mapipilitan pa itong gumawa ng sarili nitong book review. Maging klaro na sana dito na di ito pwedeng mang-uto kay Roumel. Nandito na siya para protektahan ang binata mula sa pang-uuto nito.

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon