Congratulations, Abegail! Friendzoned ka!
Alam naman niya na kaibigan lang ang turing ni Roumel sa kanya. Pero umaasa siya na kahit kapuringgit na crush meron ito sa kanya.
"Bakit ba dito napunta ang usapan natin?" tanong ng lalaki. "Sinasabi ko lang kanina kung ano ang nagustuhan ko sa iyo. Your story is inspiring."
"Kailan mo nalaman na gusto mong magsulat at maging editor-in-chief kalaunan?" tanong niya sa lalaki habang nagmimiryenda.
"Dati pa naman ako nagsusulat bata pa lang ako. I like sharing my thoughts even when I was six. Marami daw ako laging opinyon kahit bata pa ako. Pero dahil nasasabihan ako na masyadong matalas ang dila ko para sa edad ko, sinusulat ko na lang. Sabi ni Mama ganoon na lang para mailabas ko pa rin ang saloobin ko. Napapansin din ng mga teachers ko na may talent ako sa pagsusulat at sa debates. Hindi ko iyan sineseryoso kahit nananalo.
"I am not really into competition. Manalo o matalo, wala lang sa akin. Hanggang maging kaklase ko si Mark Andrew noong high school kami. Nagkabangga kami sa isang competition. Di niya matanggap na natalo ko siya dahil napaka-chill at laid back ko daw. Di ko daw dinidibdib ang competition. Noong una, natatawa lang ako sa kanya dahil masyado niyang sineseryoso ang pagkatalo ko. Hanggang makita ko kung saan siya pwedeng dalhin ng pagiging competitive niya - he was able to speak infront of world leaders. Doon ko nakita na may magagawa pa ako para sa iba. Na kami ang susunod na leaders. Na sa batang edad, we can make a difference. Kaya naman iyon ang gusto kong mangyari. Baka sa pagiging writer ko at sa pagtalakay ko ng issues, may magagawa ako para sa iba. Mula noon, naging competitive na rin ako."
"Hindi kayo nagkakagalit ni Mark Andrew?"
Napapanood niya sa mga palabas kung gaano kasungit ang mga competitive at matatalinong tao. Ayaw nang nasasapawan.
Natatawang umiling ang binata. "Hindi. Walang personalan sa amin ang mga competition. The rivalry pushed us to be better."
"Pwede pala iyon." Nang tumapak siya sa Bright Minds Academy, pakiramdam niya ay magkakalaban ang mga nandoon at ang mga magkakaibigan lang ang magkakakampi. Kahit naman sa dati niyang eskwelahan, matindi din ang kompetisyon ng mga matatalino. Siguro nga 'di pa niya lubusang kilala ang mga tao doon at may magagandang pagkakaibigan na gaya ng kay Mark Andrew at Roumel na may friendly competition. "Nasaan na nga pala si Mark Andrew? Ngayon mo lang kasi siya nabanggit sa akin."
Lumungkot ang mga mata ng binata. "He died a year ago. Nalunod siya nang sagipin ang isang kababata niya na tinangay ng ilog."
"Ah!" Nasapo niya ang dibdib. "Pasensiya na. Hindi ko alam."
Iniwas nito ang mata pero 'di nakaligtas sa kanya ang pagluluha niyon. Minsan seryoso si Roumel pero madalas ay masayahin. Ngayon lang niya ito nakitang malungkot.
"Masakit pa rin sa akin at sa malalapit sa kanya ang nangyari. Kung buhay siya ngayon, sigurado ako na magkalaban na naman kami sa pagiging editor-in-chief. At hindi siya papayag na mas maganda ang subject ko. Hahamunin niya ako para mas galingan ko pa."
Ipinatong niya ang baba sa balikat nito. Binuksan ng binata sa kanya ang madidilim na pangyayari sa buhay nito. Nagdurugo ang puso niya para dito. Alam niya kung ano ang pakiramdam na mawala ang taong mahalaga sa kanya. Nawalan siya ng ina. At gagawin niya ang lahat para manatili itong buhay sa alaala niya.
"At gusto mo na maituloy ang pangarap ni Mark Andrew kaya lumalaban ka ngayon?" tanong ni Abegail.
"Pangarap namin," paglillinaw nito. "Usapan namin, kailangang isa sa amin ang maging editor-in-chief sa The Newsmaker. Kung dati parang laro-laro lang sa akin, mas pursigido na ako ngayon. Eyes on the goal."
"Magaling ka kaya ikaw ang magiging editor-in-chief ng The Newsmaker. Sigurado ako doon," puno ng kompiyansang sabi ni Abegail. Nakikita niya ang dedikasyon ng lalaki sa mga sinusulat nito. May puso din ito sa pagkuha ng kwento. Nakita niya kung paano nito kapanayamin ang mga taga-looban kanina. Hindi lang kwento niya ang kinukuha niya kundi pati ang mga tao doon.
Tumawa ito sa wakas at tinapik ang ibabaw ng ulo niya. "Siyempre. Kasi ikaw ang bida sa kwento ko. At sa palagay ko, ito ang magiging pinakapaboritong article na maisusulat ko."
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkukwento nang mag-ring ang cellphone nito.
"Excuse me lang," sabi ng lalaki at sinagot ang tawag. "Hello, Aiona."
Muntik nang tumirik ang mata ni Abegail nang marinig ang pangalan ng pinsan. "Nasaan ka?" narinig niyang tanong nito. Dinig na dinig niya ang boses ng pinsan kahit na hindi naka-loud speaker ang cellphone ni Roumel.
"Nagre-research ako para sa article ko. Kailangan kong ipasa iyon sa Tuesday, remember?"
"I need your help. Pwede bang ikaw ang gumawa ng assignment ko sa Literature? Please. May audition kami next week para sa Saranghae Entertainment at makapasok kami sa training camp nila sa Seoul. Please. Kailangan ko 'to."
Napamaang si Abegail. Ano daw? Magpapagawa ito ng project kay Roumel? Hindi ba nito naisip na importante sa lalaki na maisulat ang artikulo nito para sa pagiging editor-in-chief. Ibang klase ka rin, cuz.
"Sige," sagot ni Roumel nang walang patumpik-tumpik. "Ipadala mo na lang sa akin kung ano ang gagawan ng reaction paper."
"I know I can depend on you. Bye!"
Hindi makapaniwala si Abegail habang nakakatig kay Roumel. Kaswal lang ito na bumalik sa pakain habang di siya gumagalaw at 'di inaalis ang tingin dito. Ganoon-ganoon lang ba iyon?
"Bakit?" nagtatakang tanong ng lalaki.
"Bakit ikaw ang gagawa ang project ni Aiona?"
"Nagpapatulong siya. Pag hindi niya naipasa ang requirement niya, hindi siya mapapayagan ni Ninong Marcel na pumunta sa Seoul para sa training camp. Alam mo naman kung gaano ka-big deal sa kanila ng Sassy na makapasok sa entertainment industry ng Korea."
"Kailangan bang iasa sa iba ang trabaho niya? Gawain niya talaga iyan?"
"Para naman sa pangarap niya," anito at matipid na ngumiti. "Di naman lagi iyon. Emergency lang talaga."
"Paano naman ang pangarap mong maging editor-in-chief? Deadline mo na bukas," paalala niya dito. Hindi madali na magsulat lalo na kung kompetisyon ang sasalihan ni Roumel. Mabusisi ito tiyak dahil 'di naman pwedeng basta-basta lang ang entry na ipasa nito.
"Sanay akong mabilis na gumawa ng articles. Kapag competition nga, isang oras lang kaming pinagagawa ng articles at kailangan ipasa agad namin. And besides, I love Literature. This is an easy feat for me."
Hindi siya sang-ayon dito pero mukhang bulag at uto-uto si Roumel pagdating kay Aiona. "Swerte naman ni Aiona sa iyo."
"Gagawin ko rin iyon para sa iyo kung kailangan mo."
"Naku ha? Mapapaturo siguro ako pero hindi ako magpapagawa ng assignment o project sa iba. Di naman iyon patas sa totoong naghihirap sa grade nila. Tapos kung kukunsintihin mo pa siya, ano na lang mangyayari sa kanya kapag hindi mo siya napagbigyan? Magagalit siya sa iyo?" tanong niya kay Roumel. "Ikaw itong nagsasabi sa akin na dapat kong gawin kung ang tama."
Mataman siyang tinitigan ni Roumel. "Tama ka."
"Sasabihin mo na kay Aiona na hinid mo siya mapagbibigyan?"
"Ngayon lang ito. Last na dahil kailangang-kailangan ako ni Aiona."
"Anong kailangang gawan ng review ni Aiona?" tanong niya. "Baka matulungan ko siya."
"Sigurado ka?" gulat na bulalas nito. "Akala ko ba ayaw mo na I-spoil ko si Aiona."
"Gusto ko na mag-focus ka sa article mo. Hindi mo kailangan ng distraction. Ako ang assistant mo. Kailangang ikaw ang maging susunod na editor-in-chief, 'di ba?"
Nag-high five ito sa kanya. "Ang lakas ko talaga sa iyo."
"Siyempre naman." Tama naman ang binata. Gagawin talaga niya ang lahat para sa taong importante sa kanya. Kahit parang mali.
BINABASA MO ANG
The Princess Trouble #Wattys2019
Teen FictionAt nagbabalik si Abegail na mula sa paghahabol ng snatcher sa Looban, naging tagapagmana na siya ng mga Malvarosa. Pasok na pasok na siya sa Bright Minds Academy matapos niyang makapasa sa pagsubok na ibigay sa kanya kung papasa nga siyang matawag n...