Chapter 20

436 19 0
                                    

"Buti pa nga mga lowlife may concern sa akin. Sarili kong pinsan at kaibigan ko pa sisisihin kung napahamak ako. Nang oras na takot na takot ako dahil 'di pa rin dumadating si Roumel, sila Cohen ang lumapit sa akin at nag-offer na samahan ako na manood hanggang dumating ang kasama ko. Hindi kami close pero sincere sila sa pag-aalala sa akin."

"T-They did not take advantage of you?" tanong ng ama niya.

Umiling siya. "Hindi po. Gentleman po sila. May kasama silang bodyguard na titiyak na ligtas ako. At kung masama silang tao, bakit ipapa-text pa nila sa akin si Roumel para sabihin kung saang box po kami nakaupo? Para sa akin 'di po patas na pinagmalasakitan ako ng ibang tao pero mamasamain pa."

"Kasi wala kang idea kung ano ang ginawa nila. Even when we were younger they terrorize students and teachers. They do pranks and get away with it because they are well-off. Hindi mo alam kung ilan ang na-bully nila..."

"Ikaw ang nambu-bully sa akin dito," pambabara niya sa pinsan. "Basta wala silang ginawang masama sa akin. Kahit ano pang sabihin ninyo ni Roumel, ako ang biktima at sila ang tumulong sa akin."

"Okay, young ladies. Tapusin na ninyo ang dinner. Hindi kayo dapat nagtatalo sa harap ng pagkain. There is a better venue for this. Mag-usap tayo sa library pagkatapos. We have serious matters to discuss."

Naglaban ang mga mata nila ni Aiona nang magsalubong ang mga mata nila sa tapat ng mesa. May kompiyansa sa mga mata nito na sa huli, ito pa rin ang papaboran ng ama niya.

Nanggigil pa rin si Abegail nang makaharap ang pinsan at ama sa library. "Abegail, bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi pala nagpakita sa iyo si Roumel noong una pa lang?"

"Nangako po siya na pupunta siya. Umasa po ako dahil lagi niyang siansabi na paparating na siya. Itinawag ko po kay Tita Graziella na 'di pa rin siya dumarating kahit nang intermission na ng show. Akala ko po nasira lang talaga ang van at ma maghahatid na po sa kanyang Grab car. Hindi po ako nag-alala dahil may mga kasama na ako. 'Di ko naman po alam na itinago ni Aiona ang cellphone niya," sabi niya at matalim na tiningnan ang pinsan.

"Roumel told me a while ago about those group of misfits. Birds of the same feather flock together, Uncle. Baka mas gusto niya ang company ng Collosus." Inilahad ni Aiona ang palad. "See? A gentleman like Roumel is being forced to apologize to them. That is not fair."

"Wala ka sa lugar o si Roumel na pasamain ang grupo nila Cohen dahil sa una pa lang, kayo nandehado sa akin. Tapos palalabasin ninyo na nag-aalala kayo sa akin pero kayo ang unang nanakit sa akin. Kunyari pang concern. Kaplastikan. At kapag ipinagtanggol ko ang Collosus, parang ako pa ang mali." Napailing si Abegail. "Di na importante kung ano ang nararadaman ko o kung nasasaktan ako basta kayo ang nanakit. Pero sino nga ba ako? Galing lang kasi ako sa squatter. Tapos 'yung mga sinasabi ninyong bully, masama pa rins ila kahit magpakita sila ng kabutihan sa kapwa. Wala ba kaming karapatan na maging tama o masaktan? Ganyan ba talaga kaliit tingin sa amin?"

"Abegail, huwag mong isipin iyan. Naiintindihan ko na nasasaktan ka at tama ka na hindi dapat husgahan ang mga tumulong sa iyo sa maling ginawa nila nang nakaraan. And I am sorry that you have to go through this," malungkot na usal ng ama niya at ginagao ang kamay niya. "Natakot ka ba talaga?"

Marahan siyang tumango. "Para kay Roumel po dahil di niya sinasagot ang tawag at text ko. Kaya ko naman pong mag-isa noong una hanggang palapit na nang palapit ang simula ng show. Ayoko pong mag-isa dahil wala akong maiintindihan sa ballet. O baka magkamali ako ng kilos at mapahiya sa mga tao."

"Hindi na ito mauulit, anak. Kung kailangang ako mismo ang sumama sa iyo sa shows at concerts, gagawin ko. At sa susunod na may ganitong mangyari, sasabihin mo sa akin. And I promise that I will protect you."

Niyakap siya ng ama at kumalma siya sa unang pagkakataon. Nakahanap siya ng kakampi. Akala niya kanina mas makikinig ito sa mga kasinungalingan ni Aiona. Hanggang kanina pakiramdam niya pinagtutulungan at minamaliit siya ng mundo. Nasanay na siyang ipagtanggol lagi ang sarili mula pagkabata. Ngayon hindi na niy kailangang sarilinin ang pinagdadaanan dahil may tatay na siya.

Bumaling ito kay Aiona. "Mag-sorry ka kay Abegail. Alam mo kung ano ang kasalanan mo. Hindi ko pa nakukuha ang side ni Roumel pero hindi mo pwedeng ikatwiran na pwede niyang puntahan si Abegail kung gugustuhin niya. Nagiging unreasonable ka na. Hindi mo ba naisip na posibleng mapahamak ang pinsan mo? Ngayon na lang natin siya nakasama. Paano kung mas malala pa ang gulo?"

I'm sorry," matabang na sabi ni Aiona kasabay ng pagtirik ng mata.

"Hindi ko tinatanggap ang sorry mo. Hindi sincere," kontra ni Abegail.

Bumuga ng hangin ang pinsan niya at pinanlakihan siya ng mata. "Oh, my! You are asking too much. Who do you think you are?"

"Aiona, give me your phone," anang ama at inilahad ang palad dito. Nakaismid pa si Aiona nang iabot ang iPhone dito. In-off iyon ng ama. "Kumpiskado ang phone mo sa loob ng dalawang araw.

Nagdabog si Aiona at sinubukang kunin ang cellphone mula dito. "Uncle! You are so petty."

"Petty ba na ginipit mo si Roumel at hinayaan mong mag-isa lang ang pinsan mo? Walang kaibigan si Aiona maliban kay Roumel. Napapaligiran ka ng maraming tao. What else do you want? One week kang walang cellphone," anang ama sa matalim na boses. "And I will make sure that your parents will know about this. Don't push me, Aiona. You can kiss your dream of Seoul goodbye."

"First, my phone. Then, you are treatening my Kpop dream. Dahil lang kay Abegail? Just because she's your daughter."

Itinuro ng ama niya ang pinto. "Go to your room and reflect your behavior. Ayokong isipin na pinalaki kitang spoiled brat at makasarili na walang pakialam kung mapahamak ang iba. Face the consequences of your actions."

"Hindi mo na ako mahal, Uncle. All you cared about is her." Tumuro sa kanya ang babae bago tumakbo palabas ng library.

"I am sorry about that, Abegail. Siguro masyado ko siyang minahal dahil ayokong maramdaman niya na naiwan siya at walang nagmamahal sa kanya. Her parents' break up was tough on her. At ganoon din si Roumel sa kanya. I don't want to think that I created a monster."

Hinaplos niya ang likod ng ama na lumong-lumo habang nakaupo sa sofa. Mas matagal nitong itinuring na anak si Aiona kaysa sa kanya at alam niya na masakit din dito na siya ang kampihan nito. "Ayoko pong magalit kayo kay Aiona kaya 'di ko po sinabi. Kaso po mali na binaligtad niya ako at pinalabas na masama ang Collosus."

"Talaga bang wala silang ginawang masama sa iyo?" paniniyak ng ama.

"Wala po. Masaya rin po silang kasama at hindi ko nararamdaman na minaliit nila ako kahit na galing akong squatter's. Siguro naman po nagbabago na sila."

Pinisil ng ama niya ang kamay. "You can't be so sure, Abegail. Walang masama kung kikilalanin mong mabuti ang mga tao kahit ang mga nagpapakita ng kabutihan sa iyo. It is for your own safety."

"Tatay, sabi ko naman sa inyo huwag judgmental."

"Hindi iyon pagiging judgmental. Huwag ka lang basta-basta magtitiwala. At sana naman hindi sila makasira sa pagsasama ninyo ni Roumel."

Umiling siya. "Tatay, alam ninyo kung gaano po kaimportante si Roumel sa akin pero hindi siya perpekto. Kailangan din niyang tanggapin na nagkakamali rin siya." At alam ni Roumel ang gagawin kung gusto nitong bumawi sa kanya.

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon