Chapter 6

487 22 0
                                    

"MEDYO masikip na sa akin ang damit ko," angal ni Abegail habang sinisipat sa salamin ang suot na baro at saya. Isinuot pa niya iyon nang mag-present siya sa Linggo ng Wika noong isang taon. Ipinadala niya iyon sa pinsan para isuot sa audition sa Rhythm and Movement, ang performing arts group ng Bright Minds Academy. Nag-video call sila habang nasa restroom siya pagkabihis habang bantay naman sa tindahan ang pinsan dahil wala itong pasok sa unibersidad.

"Kasi hindi ka na mahirap kaya tumataba ka na. Marami ka pang ring pangkain. Okay pa rin naman. Di naman halata ang bilbil."

Mas matambok na nga ang pisngi niya kaysa dati. Samantalang dati hupak ang pisngi niya. "Maganda pa rin naman ako," aniya at ngumiti. Magkausap pa rin sila habang papunta siya sa auditorium kung saan ginaganap ang audition.

"Basta huwag kang kakabahan sa audition saka huwag kang magpapa-intimidate sa mga mayayaman at mayayabang na iyan. Ipakita mo sa kanila na talentado ka talaga. Di papatalo ang mga Batang Looban."

"Correct ka diyan," aniya at puno ng enerhiya na nag-register para sa audition sa pinto ng auditorium.

Nanigas ang panga ni Abegail nang makita sa registration table ang Sassy. Tumayo agad ang pinsan at nag-beso sa kanya. "Cuz, hindi ka man lang nagsabi na mag-a-audition ka. Binigyan sana kita ng pointers kung paano makakapasa."

"Thank you. Gusto ko lang namang subukan. Nakakahiya naman kung hihingi pa ako ng pabor sa iyo," paliwanag niya dito.

"Magro-Rosas Pandan ka ba ulit?" tanong ni Arianne na matamis ang ngiti.

"Secret," sabi niya at kinuha ang numero mula sa mga ito.

Hinawakan ni Aiona ang braso niya at hinatak siya palapit dito. "Please lang huwag mo akong ipapahiya. At hindi rin ako magiging lenient sa iyo dahil lang magpinsan tayo."

Napalunok siya dahil nakaka-pressure ang kapatid niya. Gusto lang naman niyang tuklasan ang mga kakayahan at magkaroon ng bagong kaibigan. Isang ngiti ang ibinigay sa kanya ng babaeng nakasuot ng itim na thights at manipis na pink na dress. "Hello. Folk dance?"

"Folk sing and dance," nausal niya at natigilan. "Parang ganoon."

Inabot nito ang kamay sa kanya. "Hi! I'm Kira."

"A-Ako si Abegail Malvarosa," pagpapakilala niya dito. "A-Ang cute ng costume mo."

"Thank you." Ipinahid nito ang palad sa itim na leggings. "Mahigpit daw sila sa pagkuha ng mga members dito. May mga artista nga daw dati na 'di nakapasok. N-Nakakahiya siguro kung di man lang ako mapasok na member. You know, they have connections even with Julliard in New York."

Nagkwento ang dalaga kung gaano nito kagustong makapasok sa prestihiyosong paaralan sa Amerika. Hindi pala basta-basta ang mapasali sa organisasyong iyon at sa iba pang organisasyon sa Bright Minds Academy. Koneksyon ang katumbas nang makapasok sa grupo. Mas nape-pressure pa siya sa mga kasama habang gusto lang niyang makakanta at makasayaw para ipakita na may talento din naman siya. Nagkasya na siyang maging tagapalakpak sa mga nagpapakita ng talento mula sa lyrical dance hanggang sa pop and lock dance. May biritera din na suki na sa mga contest sa TV.

Pero partikular na tumayo ang balahibo niya sa babaeng kumanta ng opera.

Der Hölle Rache kocht in meinem Herzen,

Tod und Verzweiflung flammet um mich her!

"Panalo siya sa high notes. Ang galing din niyang mag-Spanish," usal ni Abegail.

"That is German actually," pagtatama ni Kira pero hindi nakakainsulto ang tono. "Kinakanta niya ang Queen of the Night mula sa opera play na Magic Flute."

"Ahhh! Pero magaling siya. 'Di ko nga lang maintindihan."

"Mahirap naman talagang mag-aral ng foreign language. Pero ang alam ko may elective subject tayo sa foreign language. Magagamit iyon lalo na kung mag-aaral sa abroad."

Parang malayong pangarap sa kanya ang mag-aral sa ibang bansa. Ngayon pa lang dumudugo na ang ilong niya. Kung maka-English ang ibang kaklase niya iyon, hindi na niya makuha minsan dahil sa accent. Paano siya hahabol nito?

Naputol ang pagkukwentuhan nila ng babae nang tawagin ang pangalan niya. Matapos kabitan ng lavalier mic at kumpirmahin ang piyesa niya, humarap siya sa limang kataong panel. May isang teacher-adviser na naroon at may apat na estudyante na pinuno marahil ng grupo. Kasama sa mga ito si Aiona na mas mukha pang istriktang guro kaysa sa organization adviser na si Miss Valles na nakangiti sa kanya.

"Hello, Abegail. Ano ang ihinanda mo para sa amin?" tanong ng guro.

"Sing and dance portion po," masigasig na sagot niya. "Medyo hilig ko po ang lumang kanta dahil iyon po ang laging kinakanta ng nanay ko pampatulog."

"Okay. We are ready when you are."

Inilabas niya ang maliit na kuliling at nagsilbing hudyat iyon para tumugtog ang Manang Sorbetero ni Celeste Legaspi. "Manang Sorbetero, anong ngalan mo? Tinda mong ice cream gustong-gusto ko."

Kuntodo ngiti siya at ginanahang kumanta at sumayaw dahil masigla ang mga nanonood at nakangiti. Nakikipalakpak din ang mga mag-a-audition na nakaupo sa audience seat ng auditorium. Si Aiona lang ang nakahalukipkip at nakabusangot pero hindi niya pinansin nito.

Nilapitan niya ang head ng dance group ng Rhythm and Movement na si Tatum at niyayang tumayo. "Mamang Sorbetero tayo'y sumayaw. Kalembang mong hawak muling ikaway."

Kinuha ni Tatum ang kuliling mula sa kanya at sumayaw nang paikot-ikot sa kanya. Sumenyas pa ito sa mga manonood para pumalakpak. Nang patapos na ang kanta, dumukot si Abegail sa bulsa at nagpaagaw ng candy sa audience. Nagkagulo ang mga estudyante na nasa upuan at may kasama pang sigaw ang iba. Sabi na nga ba, kahit mayayaman parang bata pa rin na adik sa candy.

Natigilan silang lahat nang pumailanlang ang boses ni Aiona sa buong auditorium. "Stop! Stop it! What the heck!" Hinampas nito ang mesa. Gigil na gigil ito habang hawak ang mikropono. "This is an audition. And you are Bright Minds Academy students. Where's your decorum? Candy lang nagkakagulo na."

"Hey! Take a chill pill," sayaw ni Tatum dito at inabutan ito ng Big Bang na chocolate. "Masyado kang seryoso. Hayaan mong mag-enjoy ang lahat."

Inirapan lang ni Aiona ang lalaki at matalim ang tingin sa kanya nang nanahimik na ang lahat. "What are you doing, Abegail? Sa palagay mo ba clown ka sa isang children's party na nagpaaagaw ng candy? Hindi mo sineseryoso ang grupo na ito. Hindi mo ba nakikita kung gaano kahalaga sa iba ang mapasok sa grupo na ito? You turned into a big joke."

"Akala ko ba nandito kayo para magpasaya ng tao?" tanong niya.

Namumula sa galit ang pinsan samantalang nakangiti naman ang ibang kasama nito. Parang ito lang naman ang galilt.

"Yes. She's adorable and entertaining," komento naman ni Tatum at nang-aasar na tiningnan si Aiona. "Alam niya kung paano umaliw sa mga tao. Effortless."

"Talent. We are looking for talented people to be a part of team," angil ni Aiona at parang gusto nang mamuti ang mga mata sa pagtirik. "Abegail, umaasa kami sa grupo na ito makukuha ang next Lisa Macuja or Leah Salonga or even the next K-pop idol like me. Naiintindihan mo ba? Pangarap ng iba ang nakasalalay dito."

"Sinubukan ko lang naman. Wala naman masamang mag-try," usal niya. Parang kasalanan nang malaki dito ang ginawa niya. Hindi man pang-Lea Salonga o Lisa Macuja ang ginawa niya pero ibinigay niya ang best niya.

"Abegail, there's no question about your charm. You have it," anang guro sa malunamay na boses. "I am sure you will land nice roles in the future. Hindi pa nga lang siguro namin kailangan ng talent na gaya ng sa iyo ngayon para sa susunod projects namin baka may bumabay na sa iyo. Siguro kung magwo-workshop ka pa at magte-training pa, mai-improve pa ang talento mo."

Yumukod siya. "Salamat po."

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon