Parang invisible pa rin sa klase si Abegail kahit na binabati niya ang mga kaklase at nginingitian. Gusto niyang alukin ang mga ito na kumain minsan o saluhan niya sa baon pero major turn off nga pala sa mga ito ang lunchbox niya. Kahit ang Collosus hindi siya pinapansin habang may klase sila. Parang others.
Ganoon ba talaga kasama ang reputasyon ko para iwasan nila ako?
Nakayuko siyang lumabas sa kuwarto nila para mananghalian. Hindi pala madali na magpanggap na kaya niyang mag-isa. Na hindi siya tanggap ng iba. Pakiramdam niya siya ang kakaiba sa eskwelahan na iyon at sampid lang ang trato sa kanya ng iba.
Tutuloy-tuloy sana siya sa paglalakad nang may humarang sa kanya. "Saan ka pupunta?"
Inangat niya ang tingin at sinalubong ang nag-aalalang anyo ni Roumel. "Sa garden. Doon tayo magkikita ngayon, hindi ba?"
"Naisip ko na sunduin ka. Sa cafe naman tayo magla-lunch ngayon."
"Pero may dala akong lunch box," apela ng dalaga. Patago na nga siya kapag dala iyon at sa garden siya kumakain. Paano niya iyon itatao sa cafe kung saan mas maraming tao? Tiyak na mapapahiya lang siya.
Ngumiti ang binata at binitbit ang lunch box niya. "Hindi pwedeng lagi ka na lang kakain sa garden. You have to mingle with people. Come on. Naghihintay na sa atin sila Aiona at ang mga kaibigan ko. I want you to meet them."
Nang dumating sila sa cafe, halos okupano na ang mga mesa pero mukha pa ring maluwag. Mukhang isang eleganteng restaurant iyon na may asul at pink na Victorian wallpaper. Malalaki ang bintana kaya pumapasok ang liwanag muna sa labas. May chandelier pa sa kisame na puro kristal. Dalawang palapag ang cafeteria.
"Pipila ba para umorder dito?" tanong niya sa binata.
"No. They have touchscreen kiosk." Ipinakita sa kanya ng binata kung paano umorder ng meal sa pamamagitan ng malaking touchscreen menu. Pinindot lang nito kung ano ang gustong kainin at inumin na may larawan sa screen. Inilabas nito ang ID at in-scan. "May load na ang mga ID card natin. Kaya wala ka na halos gastusin dito at kahit hindi ka na magbaon sa susunod."
"Ahhhh!" usal niya at tumango. "High-tech na nga dito. Parang nangangain ng tao."
Tumawa ang binata. "Silly. We have to keep up with the times. Hindi nangnangain iyan. Kunin na natin sa counter ang order natin."
Umorder ng sariling tanghalian nito si Roumel habang inilibre naman siya ng matcha milkshake. 'Di niya alam kung masasanay siya sa ganitong buhay. Umakyat sila sa ikawalang palapag kung saan nakaupo na sa mahabang mesa si Aiona at may kasamang kinseng katao.
Kumaway ito nang makita sila ni Roumel. Ipinakilala siya nito sa mga nasa mesa. Kaklase nito ang iba at kaklase naman ni Aiona ang iba. Achievers ang mga kaharap niya sa kanya-kanyang larangan. Hindi lang achievers kundi "cool".
"Wala kang kasamang kaibigan?" tanong ng pinakamagaling na photographer sa Bright Minds Academy na si Sylvie.
"W-Wala pa kasi akong ka-close sa room namin," paliwanag niya at binuksan ang lunchbox. "Parang 'di nila ako gusto."
"Paano ka nila magugustuhan, dala-dala mo pa rin 'yang lunch box mo. Nagbaon ka pa ng pagkain. You don't have to do that," nakangiting sabi ni Aiona pero bakas sa mga mata ang pagkairita sa kanya. "Pagtatawanan ka ng mga tao."
"Masarap naman ang baon niya," apela ni Abegail. "Bistek ito." Iyon ang mahal order-in sa karinderia na kinakainan niya dati. Grabe ka naman."
"Isinama ko siya dito para magkaroon ng mga kaibigan dito sa school. No need to berate her because of a simple lunchbox," pagtatanggol ni Roumel.
"Binibigyan ko lang siya ng tip kung paano makikibagay. You see, may mga baduy din sa klase niya pero ayaw ma-associate sa kanya. I have to be cruel to be kind. Huwag mo siyang I-enable, Roumel. Mas lalo siyang mahihirapang makibagay dito kung hahayaan natin siya sa gusto niya. Kilala mo ako, Roumel. I don't need to sugarcoat," giit ni Aiona.
"Masarap naman ang pagkain dito. Pwede ka ring mag-request nang mas maaga kung wala sa menu ang gusto mo," paliwanag ni Cohen na kaklase ni Aiona. Mabait ang ngiti nito at mukhang palakaibigan.
"What is your niche?" tanong ni Kitty na kaibigan ni Aiona. "Any hobbies? Ano ang hilig mo? Maganda siguro kung sasali ka ng organizations para makahalubilo mo ang mga tao na kapareho mo ng interes. Sumama ka sa org showcase mamaya. Magpe-present kami. I'm part of the performing arts group by the way."
"Isasama kita pero kumain ka muna o uubusin ko ang pagkain mo," banta ni Roumel at isinubo ang isang piraso ng bistek.
"Kakain na po," sabi niya at itinuloy ang pagkain. Tama si Kitty. Kailangan niyang humanap ng mga tao na kapareho niya ng hilig. Pero ano bang hilig niya?
***
Ano ang mga groups or organization na sinalihan ninyo sa school? Bakit doon kayo sumali?
BINABASA MO ANG
The Princess Trouble #Wattys2019
Teen FictionAt nagbabalik si Abegail na mula sa paghahabol ng snatcher sa Looban, naging tagapagmana na siya ng mga Malvarosa. Pasok na pasok na siya sa Bright Minds Academy matapos niyang makapasa sa pagsubok na ibigay sa kanya kung papasa nga siyang matawag n...