"MUKHANG mahirap ang ipapagawa mong assignment sa akin. Masarap ang pagkain," usal ni Abegail nang ilapag sa harap niya ang babyback ribs at unlimited lemonade. Gutom ulit siya dahil bitin ang isaw at kwek-kwek na kinain niya. Nakakaubos ng lakas ang umiyak.
Sa isang bookstore cafe siya idinala ni Roumel. Nasa second floor sila kung saan may cubicles na may low table kung saan pwedeng kumain at magbasa-basa ng libro. May low table doon at pwedeng sumalampak sa kahoy na sahig. Masarap sa paningin ang hile-hilerang libro sa ibaba.
Hinalo ng binata ang milkshake nito matapos iabot sa kanya ang mga campus journalism books na dapat niyang pag-aralan. "Hindi naman mahirap. Just be yourself."
"Ano? Bilang squatter girl? Doon lang ako natural kasi."
Pinagkiskis nito ang palad. "Inilabas na kasi ang assiginments namin para sa mga staff ng The Newsmaker. Doon pipiliin kung sino ang magiging editor-in-chief, managing editor and so on. We need to feature working students. At ikaw ang napili ko na ma-interview para sa article."
Itinuro niya ang sarili. "Ako? Bakit naman ako?"
"Bago ka naging isang Malvarosa, sa kalye ka nagtatrabaho para makapag-aral. At sa palagay ko, maraming kabataan ang tulad ng buhay mo noon na nagsisikap para makatapos ng pag-aaral. Gusto kong makilala nila ang bagong heredera ng Malvarosa kung paano kita nakita."
Humalukipkip siya. "Ayoko yata. Parang gina-glamourize ang kahirapan. Sabihin pa nila nagpapaawa ako. O kaya nagdadrama ako dahil sa pag-reject ng iba sa akin."
"Oras na para malaman nila kung sino ka talaga. That there is dignity in doing hard labor to live." Hinaplos ni Roumel ang buhok niya. "You are more than that rags to riches story. I like your story. You are a hard worker. Saka ayaw mo bang mabago ang pananaw sa iyo ng ibang tao lalo na ang mga kaklase mo na nangingilag sa iyo o nagbibintang na magnanakaw ka? This is the chance to show them who you really are. Hindi ka na nila mamaliitin o tatratuhing walang magnanakaw."
"Sa palagay mo ba effective iyan para mabago ang isip nila?" tanong niya. "Saka ano naman ang kinalaman ng interview ko para maging staff ng school paper? Hindi ba dapat ako ang mag-interview? Bakit ako ang naging balita bigla?"
"Para makita mo kung paano ako magtrabaho. Para may idea ka kung paano kukunin ang kwento sa ibang tao. It is like two birds in one stone." Ginagap nito ang dalawang kamay niya. "Please."
Paano naman niya ito tatanggihan kung hostage na nito ang kamay niya at ang nagpapaawa ang malamlam na mga mata nito na parang cute na tuta?
"Sige na. Para sa iyo magpapa-interview na ako. Pero huwag mo akong sisisihin kapag natalo ka sa pagka-editor-in-chief."
Pinisil nito ang pisngi niya. "Silly. Siyempre mapapasok ako. Ikaw ang muse ko."
"Ginagawa mo lang yata iyan para gumaan ang loob ko. Naawa ka lang sa akin."
"Mukha ba akong naawa sa iyo? I want you to find your place in Bright Minds Academy. Gusto ko na mag-enjoy ka sa school. Wala bang tiwala sa akin?"
"Malakas ka sa akin. Payag na ako na magpa-interview."
"ONE hundred sixty-five pesos. Seriously?! Ito na ang kinita natin sa maghapon na paglalako ng kakanin sa Looban?" Gulilat si Roumel habang pinagmamasdan ang pinaghalong perang papel at barya sa palad. Namumula ang mukha nito at pawisan habang suot ang lumang t-shirt na branded pa rin, khaki shorts, at tsinelas.
Magkasama silang naglako ng mga kakanin sa Looban. Nakaalalay sa kanila ang pinsan niyang si Dodong at ang pinsan na si Maria Judie. Sinuyod nila ang mga eskinita at binalikan ang mga dating suki. Si Roumel mismo ang nagsuhestiyon na gusto nitong maranasan ang buhay niya. Ganoon din daw ang ginagawa ng mga batikang broadcast-journalists at documentarists para mas maunawaan ang pinagdadaanan ng mga subjects nito at mas maikwentong mabuti.
"Malaki na iyang kinita natin kasi naguwapuhan sila sa iyo. Marami na kaming nabibili sa ganyang halaga," sabi niya sa lalaki at naglakad sila papunta sa tindahan ng nanay ni Dodong na si Aling Bebang.
"Seriously, this is just a cup of frapuccino on Starbucks. Paano kayo nabubuhay dito?"
"Aling Petra, pabili po!" sabi niya at tumuktok sa tindahan. "Isang kilong bigas, apat na itlog, apat na pancit canton po, dalawang latang meat loaf at isang balot po na monay. 'Yung sukli po candy na lang."
"So, this is it?" tanong ni Roumel habang niluluto niya ang mga binili nila sa tindahan.
Matapos ang konting picture at interview kay Aling Bebang, bumalik na sila pabalik sa bahay ng Tiya Carol, ang kapatid ng nanay niya na nag-alaga sa kanya. May sarili na itong inuupahang apartment sa bungad ng Looban at may maliit na sari-sari store at online store. Doon sila kakain at magpapahinga.
"I-enjoy mo kung ano ang kinita mo sa araw na ito. Maglaga ka na ng itlog," utos niya sa lalaki habang naghuhugas ng bigas.
"Ano... alam ko lang gamitin 'yung induction heat cooker namin. Hindi daw ganoon ka-safe ang gas stove," nag-aalangang sabi ng lalaki.
"Pinihipit lang iyan," aniya at ngumuso sa pihitan.
"Bakit mo naman siya uutusan? Bisita siya dito," sermon ng tiyahin niya.
"Gusto po niyang ma-experience ang buhay dito," katwiran niya. Natutuwa siya dahil hindi maselan si Roumel. Natural din itong ngumiti at ine-entertain kahit ang mga batang makukulit na nakakasalamuha nila.
"Huwag mo na siyang pahirapan. Magpahinga na kayong dalawa at mag-interview. Kami na ni Maria Judie ang magluluto dito. Magmiryenda muna kayo at nakatimpla na ng juice," pagtataboy ng tiyahin nila.
Sa sala sila pumuwesto at sumandal agad si Roumel sa sofa. Saka niya napansin ang matinding pagod nito. "Hindi ko alam kung paano nagagawang mabuhay ng mga tao sa ganoon kaliit na sweldo sa kabila ng maghapong pagtatrabaho. Hindi ko kakayanin."
"Pero nabuhay naman kami kahit paano. Pakiramdam ko mas buhay ako kapag nagtatrabaho," sabi ni Abegail at inabutan ito ng baso ng juice.
"Yes. Nakakangiti ka nga ngayon. 'Yung ngiti na abot sa mata. Mas mukhang buhay ka 'di tulad nang nakakaraang araw na parang wala kang buhay. Those judmental twerps really did a thing on you. Ginulo ka ba nila?"
Nagkibit-balika siya. "Wala. Hindi kami nagpapasinan. Parang hindi nila ako kaklase." Kahit kapag nagla-lunch siya kasama si Roumel at ang staff ng The Newsmaker, parang wala rin siya doon. Parang si Roumel lang nakakakita sa kanya. At kung pwede lang, ayaw ni Aiona na maidikit sa kanya. "Mas masaya na ako sa ganito. Tapos napapaligiran ako ng ibang kaibigan ko na hindi ako hinuhusgahan."
"Your life is different now. Hindi mo na kailangang magtrabaho. Hindi na ito ang buhay mo, Abegail."
Bumuga siya ng hangin. "Akala ko kapag naging mayaman ako, mas dadali ang buhay. Hindi pala. Mas mabuti pa pala 'yung mahirap pero tanggap ka ng mga tao at nirerespeto ka ng mga nasa paligid mo. Kaysa tagapagmana nga ako pero napakadali sa iba na gawan ako ng kwento at husgahan ako."
"I just want to tell you that I admire you. You are courageous. Hindi mo hinahayaang pumasok sa ulo mo ang pagyaman mo. You keep your feet on the ground." Luminga si Roumel sa paligid na may kasamang pagkamangha. "Di ka natatakot na balikan ang pinagmulan mo."
"Crush mo ako?" naitanong bigla ni Abegail.
Kumunot ang noo ng binata. "Anong crush kita?Magseryoso ka nga."
"Seryoso ako. Sabi mo "I admire you". E di paghanga. Crush mo nga ako," nakangisi niyang pananalakab dito at hinatak ang manggas ng T-shirt nito.
"More than crush. Yung paghanga ko sa iyo, hindi naman romantic."
More than crush pero di romantic? Ano iyon?
"Bakit hindi romantic?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Because... we are good friends."
BINABASA MO ANG
The Princess Trouble #Wattys2019
Teen FictionAt nagbabalik si Abegail na mula sa paghahabol ng snatcher sa Looban, naging tagapagmana na siya ng mga Malvarosa. Pasok na pasok na siya sa Bright Minds Academy matapos niyang makapasa sa pagsubok na ibigay sa kanya kung papasa nga siyang matawag n...