Chapter 5

537 18 1
                                    

HALOS mamanhid ang kamay ni Abegail sa kapapalakpak. Nasa auditorium siya ng Bright Minds Academy at katatapos lang ng presentation ng The Newsmaker kung saan isa sa mga staff ay si Roumel. Inilahad ang mga accomplishment ng grupo nito at inanyayahan ang iba na lumahok sa org. Noon lang niya nalaman na lumalaban pala sa mga international writing competition ang binata.

"Ang galing mo. Di ka nagsasabi na marami ka na palang naipanalong writing cmpetition sa ibang bansa. International level!"

"Ano? Sasali ka sa org namin?" patuksong tanong nito.

"Hindi ako writer. Hindi sa level na gaya ng inyo. Saka 'yung pagiging photographer hindi ko pa nasusubukan. Alam mo naman 'yung cellphone ko na minana ko pa kay Nanay, wala namang cellphone iyon."

"We have workshops if you want," suhestiyon nito. "Pwede kitang turuan nang personal."

"Ikokonsidera ko iyan," sabi niya at inisip na mas mapapalapit siya sa binata kapag sumama siya sa org nito. Wala siyang interes sa pagsusulat at sa pagkuha ng larawan pero baka mapakinabangan siya nito sa ibang paraan. Hindi naman siya pababayaan ng binata.

Pinakahuling tinawag ang taekwondo team. Bumilis ang pintig ng puso niya nang makita na tampok ang limang kamag-aral niyang lalaki at itinuturing niyang mga kaibigan - ang Collosus. Hindi niya alam na martial artists pala ang mga ito. Tiyak na magkakasundo sila. Nanlaki ang mga mata niya nang isa-isahin ang medalyang natanggap ng taekwondo club.

Noong una ay simpleng mga pagwasak lang ng board sa pamamagitan ng pagsipa at pagsuntok ang ipinakita ng mga ito. Kuntodo palakpak naman siya. Napansin niya na siya lang ang pumapalakpak. "Ang killjoy naman ng mga tao dito."

Baka 'di na bago sa mga ito ang naturang exhibition. Para sa pinakahuling bahagi ng exhibition, bumuo ng pyramid na may sampung katao at sa pinakatuktok ay hawak ni Jacko ang board sa ibabaw ng ulo nito. Sa tapat ng mga ito ay nagpatong-patong naman ang may jumping board. Mula sa malayo ay tumakbo si Cohen at tumalon saka sumipa habang nasa ere. Puntirya ng lalaki ang board na hawak ni Jacko. Kailangan ng matinding konsentrasyon, tamang pagtantiya at sapat na pwersa para magawa iyon.

Kapag pumalpak ito, maaring tamaan ang sinuman sa mga nasa pyramid at babagsak ito. Masasaktan ang lahat. Kaya naman nagwawala ang dibdib niya sa sobrang kaba at napahawak sa braso ni Roumel.

"Tamaan sana niya. Tamaan sana niya," paulit-ulit na usal ng dalaga. Napatili siya nang tumama ang paa ni Cohen sa board. Nahati iyon at dumaan ang lalaki sa ibabaw ng ulo ni Jacko. Tagumpay nitong nalampasan ang human pyramid at walang kahirap-hirap na lumapag sa kabila. Nakapag-training siya ng taekwondo dati pero ngayon lang siya nakakita ng ganito kaastig na exhibition. Kung hindi niya personal na nakita ang lahat, baka isipin niya na may special effects na ginamit.

Hinatak niya ang manggas ng polo ni Roumel. "Nagawa nila! Ang galing! Pak na pak 'yung sipa sa ere sabay hati ang board." Tumayo si Abegail at sumigaw habang nakataas ang kamay. "Classmates ko ang mga iyan. Go, Collosus!"

Hinatak siya ni Roumel paupo. "Abegail..."

"Bakit?" naguguluha niyang tanong.

Bibiruin sana niya ito na baka nagseselos ito nang mapansin niya na walang pumapalakpak. Sa halip ay nagbu-boo ang mga tao. "Bakit sila nag-boo? Magagaling naman sila. Tapos nanalo pala sila sa taekwondo competition. Hindi ba dapat ikarangal sila ng school?"

"Hindi ba nasabi sa iyo natroublemaker sila? Mahilig sila sa gulo. Bata pa lang sila may pagka-bully na. Hindi lang naisusumbong ng mga binu-bully nila noong una dahil maimpluwensiya ang pamilya nila. Cohen is a senator's son. Jacko is the youngest child of a general. Last year, muntik na silang matanggal dito nang mapaaway sila sa labas ng school. Pumasok sila sa isang bar kahit na minor pa lang sila at nakipag-flirt sa girlfriend ng isang college student. Napaaway sila at nag-viral pa nga ang video ng away nila sa bar. Na-suspend sila dito at muntik nang ma-revoke ang pagiging member nila ng Philippine Taekwondo Association."

"Bakit nandito pa rin sila?"

"Ang depensa nila mga minor pa daw at hindi naman daw sila ang nagsimula ng gulo. Saka hindi daw sila pwedeng pakawalan basta ng school dahil nagdadala sila ng medalya at karangalan dito. Nagpa-counseling na daw sila." Mapait na ngumiti ang binata. "But we know better. Nakalusot man sila, they are still bullies."

"Mukha naman silang okay. Tahimik lang sila sa klase." Di niya nakakalimutan na ang mga ito ang unang lumapit sa kanya nang mga panahon na walang gustong tumanggap sa kanya sa klase. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit ayaw ipaalam ng Collosus na may koneksyon siya sa mga ito. Mahihirapan siya na ibahin ang reputasyon niya kapag nadikit siya sa grupo ng mga basagulerong kaklase.

"Pero gusto kong sumali sa taekwondo team. Alam mo naman nahilig ko ang taekwondo dati pa," giit ni Abegail.

Hindi niya naipagpatuloy ang training dahil umalis na sa Looban ang nagtuturo sa kanila nang libre noon. Sa dinami-dami ng inaral niya para maging heredera sa nagdaang buwan, hindi sumagi sa isip niya ang pagte-training ng taekwondo. Ito na ang pagkakataon niya. Buhay na buhay ang dugo niya. Gusto niyang makapagsuot sa wakas ng dobok o taekwondo uniform. Gusto rin niyang matutunan na lumipad sa ere habang sumisipa.

Bakas ang pag-aalala ng binata. "Abby, mas maganda siguro kung umiwas ka muna sa may kinalaman sa martial arts."

"Bakit naman?"

"Hindi pa palagay ang loob sa iyo ng mga tao dito. Baka isipin nila na lalo kang maging bayolente. Gusto nating iiwas ka sa image na iyon. Nag-cheer ka pa sa mga Collosus kaya baka isipin nila na katulad ka rin nila. Naiintindihan mo ba ako?"

Maulungkot man pero napilitan siyang tumango. "Hindi pala ako pwedeng makapag-taekwondo kung ganoon?"

"Hindi muna sa ngayon. Let's build a more solid image for you first as a refined Malvarosa." Narinig na naman niya ang tungkol sa imahe at mahalaga iyon sa bagong mundong ginagawalan niya. "O kaya 'yung makikita nila ang ibang side mo at talento mo. Narinig kitang kumana noong party ni Mindy."

"Yung Tigidong, Tigidong, Tigidong?" Naitakip niy Abegail ang palad sa mukha nang maisip ang pagpe-perform niya sa kaarawan ni Mindy. Basta na lang siyang tinawag ni Mindy para mag-perform sa entablado. Wala siyang maisip na kanta kundi ang ipinampapatulog sa kanya ng namayapang ina - ang Rosas Pandan. "Iba naman iyon sa pagsali sa org."

"You are adorable. Sigurado ko na matsa-charm mo rin ang ibang tao. Ganito na lang ang isipin mo. Limitado ang mga oportunidad mo noong hindi pa natutuklasan na isa kang Malvarosa. You can practically learn whatever you want now and explore your true self. Hindi na isyu ngayon ang pera. Wala nang pipigil sa iyo na pag-aralan at I-experience ang lahat ng gusto mo. Ano ba ang gusto mong gawin dati na hindi mo magawa dahil wala kang pera?"

Tiningnan niya sa cellphone ang listahan ng mga organisasyon na pwedeng salihan. "Gusto ni Nanay mag-ballet lesson ako at art lesson. Dati gusto din daw niya ako na mag-artista kasi mahilig akong magdrama. Dati rin gusto kong subukan mag-photography. Gusto ko rin noon na mag-aral magtayo ng negosyo na pwedeng makatulong sa mga kababayan ko sa Looban. Uhmmm.... gusto ko rin matuto na mag-bake. Gusto ko rin mag-alaga ng mga halaman at mag-garden." Umawang ang bibig niya. "Ang dami kong gusto."

Nakisilip ito sa cellphone. "Pick the Top 3 you want. Sana isama mo ang The Newsmaker sa org na sasalihan mo. Alam mo naman na 'di kita pababayaan."

"At ano naman ang role ko doon?"

"Pwede kang maging assistant ng editor-in-chief." Kinuyom nito ang palad at inilapit sa labi. "Ehem! Ehem!"

"Sige. Kapag editor-in-chief ka na," biro niya dito. Pero tama si Roumel. Pwede naman niyang subukan ang ibang bagay na hindi pa niya alam gawin. Umaasa siya na magkakaroon ng bagong kaibigan na tatanggap sa kanya. 

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon