Chapter 21

393 6 0
                                    

Nabawasan ang kaba ni Abegail nang sagutin ni Kira ang tanong niya. Nagsimula itong mahilig sa ballet nang regaluhan ito ng isang ballerina snowball ng lola nito. Lagi daw nitong ginagaya ang ballerina hanggang makapanood ito ng ballet noong dalawang taon ito.

"Cohen was my protector, you know? Kapag may ibang mga estudyante na nagpapapansin sa akin at hinihila ang pigtails ko, nandoon siya para ipagtanggol ako. Napapaaway siya dahil sa akin," ani Kira at malungkot na tumingin sa binata.

"Hanggang ngayon naman ipagtatanggol kita kung gusto mo," ani Cohen at tumuwid ng upo. "Kaibigan mo ako."

"And I don't want to get you into trouble anymore. Minsan kailangan ko rin lumaban nang sa sarili ko," sabi ni Kira at ngumiti nang bumaling sa kanya. "Anyway, ballet is not easy. Kailangan naming parusahan ang katawan namin para mapasunod sa gusto namin. At kailangan din namin alagaan ang sarili namin dahil isang injury lang, posibleng wala na kaming career pagkatapos."

Nakakuha ng dalaga ang respeto niya pati na rin ang ibang ballerina. Akala niya kapag mayaman, convenient na para sa mga ito ang lahat - nakakapag-aral sa magagandang paaralan, makakapunta sa kung saan gustong pumunta, at inaalayan ng lahat ng oportunidad. Pero hindi pala madali ang mundo ng mga propesyunal. Dugo at pawis ang ipinupuhunan ng mga ito para maabot ang tagumpay. Hindi na usapin sa mga ito kung mayaman o mahirap. Bukod sa natural na talento, nariyan ang maraming oras ng pagpupursigi, pag-aaral at disiplina.

Plano ng dalaga na makapag-perform sa ibang bansa. Gusto nitong maging gaya ni Lisa Macuja-Elizalde na nakakapagtanghal sa iba't ibang bansa bilang bida sa mga pagatanghal. "Gusto ko rin maranasan na magturo sa mga bata kapag dumating ang panahon o magkaroon ng sariling ballet company."

"Paano kung hindi ka makapasok sa Julliard School?" tanong ni Abegail.

"Malawak pa ang mundo. Marami pang ibang pwedeng pasukan na eskwelahan o dance company. At siguro iyon din ang gusto kong sabihin sa iba, na habang bata pa gawin na nila ang bagay na magpapasaya sa kanila at paghandaan ang kinabukasan nila. They should not waste their opportuniies."

Marami siyang napulot na leksyon mula kay Kira. Parang isang hakbang na lang at abot na nito ang tagumpay. Habang 'di pa rin niya alam kung ano ang gusto niya sa buhay.

Napansin na lang niya na naubos na ang mga tanong. Bumaling siya sa Collosus. "May tanong ba kayo?"

"May special someone ka na ba? Boyfriend? Manliligaw? Crush?" sunud-sunod na tanong ni Cohen na may halong pag-asam.

"Yes." Namumulang tumango ang dalaga. "Si Wilbert Escobar. Sa Bright Minds Academy din siya nag-aaral. Pero nasa Los Angeles siya ngayon para sa isang robotics competition."

Namutla si Cohen. "H-Hindi ko alam na boyfriend mo na pala siya." Dismayado ito sa nalaman at nalungkot siya para dito.

"Para daw ma-inspire siya sa pagpunta sa competition."

"Gusto mo ba talaga siya?" marahang tanong ni Cohen.

"Mabait siya sa akin. Matalino siya at disiplinado tulad ko. Gusto rin siya ng mga magulang ko. Pero mga bata pa naman kami. Priority pa rin namin namin ang pag-aaral namin at career," paliwanag ni Kira. Hindi niya alam kung bakit parang napipilitan ito sa sagot. Parang 'di nga nito nasagot ang tanong ni Cohen. Wala siyang masyadong maramdamang kilig o baka marunong lang itong magtago. Di ba nito alam na gusto ito ni Cohen?

"Kung saan ka masaya, susupottahan kita. Alam mo iyan," sabi ni Cohen at tinungga ang rootbeer nito.

Siya ang nasasaktan para sa binata. Parang gumuho ang mundo nito sa nalaman. Bata pa lang gusto na nito si Kira. Inalagaan nito sa puso nito kaso natorpe ito. Nahuli tuloy ito.

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon