Chapter 3

635 31 2
                                    

"LUNCH BREAK na sa wakas."

Unang araw pa lang ng klase ay niratrat na sila Abegail ay may mga assignment at activities na sila sa klase. Konting getting-to-know-you lang matapos iyon ay inilabas na ng mga teacher ang syllabus nila. Maaga pa lang, pinupukpok na sila ng mga guro na magsipag mag-aral at hinahamon sila. 'Di daw sila simpleng mga estudyante lang na tulala pagka-graduate ng Bright Minds Academy. Mga susunod silang leader ng bansa, mga performer at mga negosyante. May mga responsibilidad daw sila sa bayan at mundo.

Dati problema lang ng dalaga kung paano mairaraos ang pag-aaral at kung paano makakatulong sa pamilya. Ngayon daig pa nilang magkakaklase ang mga Marvel Superheroes na kailangang sagipin ang mundo. Wala nga lang silang super powers. Mas makatotohanan ito kaysa sa napapanood niya sa pelikula. Parang napakalaki ng inaasahan sa kanila. May mga kaklase siyang inspirado at mukhang determinado na makatapos. Habang meron din na pa-chill-chill lang. Parang sanay na ang mga ito sa speech ng mga guro nila.

Nang I-dismiss na ang klase nila sa Oral Communication, excited siyang inilabas ang cellphone. Nag-text agad siya kay Roumel. Lunch break na!

Nag-ring agad ang phone niya nang tawagan siya ng binata. "Hi, Abby! I'm sorry. Hindi ako makakasama sa iyo na mag-lunch. May meeting kami sa The Newsmaker, 'yung school paper."

"Agad-agad?" malungkot niyang usal.

"Well, ganoon talaga sila. I am sorry. Mas masarap pa rin 'yung binagoongang baboy na ulam mo. Saka mami-miss kong kasabay kang kumain. Lagi ka kasing ganado."

Natawa siya pero nakadama din ng lungkot. Nakaka-miss din ito. "Galingan mo diyan. Sabihan ko si Manang Seling baka may natira pang binagoongang baboy na itabi na para sa iyo. Manonood pa rin ba tayo ng Cells at Work mamayang gabi?"

Manga collection ni Roumel ang Cells at Work, kwento ng mga cells na ihinalintulad sa mga tao. Nakakaaliw iyon dahil maraming matututunan sa sistema ng katawan nang tao pero 'di boring ang kwento. May anime na 'yon ngayon kaya naman excited siya na manood.

"Of course. Pupuntahan kita sa inyo. See you!"

Luminga siya sa paligid at ngumiti. Umaasa siya na isa sa mga kaklase niya ang ngingiti rin sa kanya at magyayaya na sabayan siyang mananghalian. Sabi ni Roumel, mababait ang mga estudyante doon at sigurado daw na may makikipagkaibigan sa kanya.

Pero pawang 'di sinasalubong ng mga ito ang tingin niya. Parang hindi siya nag-e-exist. Nangingilag ang mga ito sa kanya. Parang isa siyang basura na ayaw lapitan ng mga ito.

"Seriously, ang baduy talaga ng lunch box. Huwag niyang sabihin na dadalhin niya iyan sa cafe?" narinig niyang sabi ng babae sa likuran.

"What can you expect? The girl from the slums," sagot naman ng kasama nito.

Di na sekreto kung saan siya galing. Kilala ang pinsan niya sa Bright Minds Academy at mukhang walang maitatago sa iba. Kahit pala mahal ang isang bagay, 'di sapat sa mga ito. Nakakapanliit ang panlalait ng mga ito.

Isang payat na lalaki ang naka-salamin ang ngumiti sa kanya na si Marx. Akmang lalapit ito pero pinigilan ng kasamang lalaki na si Jeffer. "Don't come near her. She might attack you."

"Silly. She looks harmless," sabi ng lalaki.

"Magagaya ka kay Mindy na muntik na niyang kalbuhin. Basta na lang daw niyang inatake," sabi naman ni Valerie.

"If that's the case, bakit nakapasok pa rin siya dito?" tanong ni Marx.

"Connection. Her father is rich. Rich enough to grant her an access to our elite school. Iwasan na lang natin siya. Ayoko pang maubos ang buhok ko." At saka lumabas ang mga ito ng kuwarto hanggang mag-isa na lang siya.

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon