"ABEGAIL, sabay na tayong mag-lunch. Kwentuhan mo pa kami tungkol sa buhay mo sa Looban. Is it like the teleseryes? 'Yung araw-araw may naghahabulan ng taga?" namimilog ang matang tanong ng kaklaseng si Nathalie na seatmate ni Abegail sa Math.
"Is it true na parang female version ka daw ni Jet Li nang makipag-away ka sa snatcher at sinagip mo sina Roumel at Aiona?" tanong naman ni Karl. "Astig ka pala sa bakbakan kung ganoon."
"Oo nga. Bitin ng kwentuhan natin kaninang break," apela ni Tatum.
Hindi agad makalabas ng room si Abegail dahil kinulumpunan at hinarang na siya ng ibang kaklase. Ang mga kaklase niya ang kasama niya nang mag-recess sila kanina. Pinagbigyan niya ang mga ito dahil mukhang gusto talagang bumawi ng mga ito at makilala siyang mabuti.
Ikinuwento ni Roumel sa article nito kung paano sila unang nagkakilala at mukhang na-shock ang mga kaklase niya sa nalaman. Mas napag-usapan kasi at kumalat ang isyu na sinaktan niya si Mindy at inakusahan siyang magnanakaw. Ni hindi gumawa ng ingay ang minsang pagtulong niya kina Roumel at Aiona hanggang mabanggit ng lalaki sa artikulo nito.
"Sorry. May iba kasi akong kausap para sa lunch." Bahagya siyang tumang at ngumiti. "Pasensiya na. Bawi na lang ako next time." At kinawayan ang mga ito habang tumatakbo sa corridor.
"Abby, nasa cafeteria lang kami kung gusto mo ng kasamang mag-lunch," pahabol ni Marx sa kanya at kumaway pa.
Late na silang pinalabas ng teacher nila sa Math kaya naman nagmamadali siya na makita si Roumel. Hindi sila nagkita ng binata noong breaktime dahil ipinatawag daw ito sa headquarters ng The Newsmaker. Marami siyang gustong sabihin dito at excited na siya. Parang sasabog ang dibdib niya.
Nag-aabang na si Roumel sa paborito nilang mesa sa garden nang dumating. Kumaway agad ito nang makita sila. "Oy! Late ka. Kanina pa ako nagugutom."
Sumibi si Abegail. Di na niya inawat ng sarili. Tumakbo siya nang nakabuka ang kamay at yumakap kay Roumel.
Napahagulgol na lang bigla si Abegail ng iyak habang nakasubsob ang mukha ng binata. Bumuhos na lang ang emosyon niya at hindi siya makapagsalita kahit marami siyang gustong sabihin dito.
"O! Ano bang nangyayari sa iyo?" naguguluhang tanong ni Roumel.
Hinampas niya ang dibdib nito. "Ikaw kasi, pinaiyak mo ako." Di niya inalis ang pagkakasubsob sa didbib nito. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Kasi nabasa ng mga kaklase ko 'yung article na isinulat mo tungkol sa akin."
Nakakahiya. Hindi naman siya sanay na napipipi o nawawalan ng sasabihin. At lalong hindi siya iyakin. Di niya alam kung bakit iniiyakan niya ang article na isinulat ni Roumel sa kanya.
"Bakit ka umiiyak? May umapi ba sa iyo? May hindi ka ba nagustuhan sa article ko? May masama ba akong nasulat o may di ba magandang sinabi ang ibang tao sa iyo?" nag-aalalang tanong ng binata. Parang natatakot ito na oo ang isagot niya sa anumang scenario na sinabi nito.
"Wala. Masaya lang ako. Naramdaman ko kasi 'yung respeto at pagpapahalaga mo sa mga hirap ko. Malaking bagay sa akin iyon na naiintindihan na kami ng marami at hindi mababa ang tingin nila sa amin. Noong unang tapak ko dito sa mundo ninyong mayayaman, akala ko walang tatanggap sa akin. Okay lang sa akin iyon. Di ko rin naman sila trip. Sabi ko mag-aaral lang ako. Hindi ko isisiksik ang sarili ko sa mga kasosyalan nila. Pero kanina naramdaman ko na tinanggap nila ako at kung sino ako. Di ko alam na gusto ko rin palang maramdaman ang pagtanggap mula sa kanila. Na hindi nila ako hinuhusgahan dahil lang galing ako sa hirap. May humahanga pa nga sa akin. N-Nakakataba lang ng puso kasi kung tutuusin normal naman na ang nagtatrabaho at naghihirap sa lugar na pinagmulan ko," salaysay niya.
BINABASA MO ANG
The Princess Trouble #Wattys2019
Novela JuvenilAt nagbabalik si Abegail na mula sa paghahabol ng snatcher sa Looban, naging tagapagmana na siya ng mga Malvarosa. Pasok na pasok na siya sa Bright Minds Academy matapos niyang makapasa sa pagsubok na ibigay sa kanya kung papasa nga siyang matawag n...