Chapter 23

361 3 1
                                    

 "They are offering us to be pioneers of the Manila camp. Makakapag-camp po kami sa Seoul pag pumasa kami sa training at chance na mag-audition sa mga talent shows sa South Korea. Uncle Marcel, it would be a dream come true. We will be conquering Korea and the world. I could hear the crowd cheer."

Naririnig ni Abegail ang mga sinasabi ni Aiona pero lumampas lang sa kabilang tainga niya. Kausap nito ang ama niyang si Marcel habang kumakain ng hapunan.

Parang lumulutang pa ang ulo niya sa sobrang antok. Gusto pa niyang matulog kaysa kumain. Binuno niya ang article na para sa ballet interview niya kay Kira. Pinag-aralan niya ang iba't ibang galaw at posisyon sa ballet para maisulat ang article sa paraang gusto niya. Nakailang revision na rin siya at gusto niyang ipasa sa email ni Roumel ang article bago siya matulog sa gabing iyon.

Nagkulong siya sa kuwarto maghapon at hindi nilabas si Roumel kahit nang padalhan siya nito ng prutas. Wala siyang planong kausapin ito hangga't hindi nito tinutupad ang usapan niya.

"Basta huwag mong kakalimutan ang pag-aaral mo. You still have two years in senior high. I want you to finish it before you go to Korea or somewhere else."

"Of course, Uncle. I will prove to you that I can juggle school and my career. Roumel offered to tutor me if needed. He always got my back."

Parang zombie si Abegail habang nakatitig sa kawalan. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam na parang mahid siya. Sa likod ng isipan niya, alam niyang ipinagdidiinan ni Aiona kung paano itong tutulungan ni Roumel sa pangarap nito. Inaasahan niyang makakadama siya ng kirot o maiiyak man lang pero wala siyang maramdaman. Manhid na siya.

Wala siyang nabalitaan sa lalaki kung plano nitong mag-sorry sa Collosus. Ibig bang sabihin kaya siyang tikisin ni Roumel? O iniisip nito na siya ang unang kakausap dito dahil 'di niya ito matikis?

Mariin siyang pumikit. Hindi ko alam kung gaano ako ka-strong. Isang araw pa nga lang na 'di ko siya pinapansin, hirap na hirap na ako.

"How's the ballet show, Abegail?"

Nagulat pa siya nang maramdaman ang pagtapik ng ama sa braso niya. "P-Po?"

"Wala ka pang naikukwento sa ballet show."

Pilit siyang ngumiti at nag-thumbs up. "Ayos na ayos po, Tatay. Magaling po si Kira, 'yung schoolmate namin. Parang manyika sila sa entablabo habang sumasayaw. Saka kahit paikut-ikutin di nahihilo. Gawa po yata sa goma ang katawan nila. Saka po maganda naman ang kinalabasan ng interview ko sa kanya."

"Mabuti naman at nag-enjoy ka sa ballet. Akala ko mabo-bore ka sa show. And I am glad that Roumel guided you on your first ballet."

"Uh oh! Hindi po si Roumel ang kasama niya," singit ni Aiona na iwinagayway pa ang tinidor na may carrot stick sa dulo. "She went with the school troublemakers instead. Kasama pa niyang mag-dinner."

"Sino?" tanong ng amang si Marcel sa mataas na tono.

"The Collosus. 'Yung students na nakipag-away sa bar at naging viral last year. They were not detained because they were minors at 'yung kabilang group daw ang nagsimula. But they are troublemakers just the same. Sinabihan siya ni Roumel na iwasan ang group na iyon but she didn't listen, Uncle. Kaya hurt na hurt si Roumel dahil binabalewala ni Abby ang concern niya just to be with those hooligans."

Nawala ang antok ni Abegail. Talagang gustong magpabida ng pinsan niyang may lahi atang Senyora Santibanez sa pagka-kontrabida. "Nagmagandang-loob ang mga tao na samahan ako dahil wala si Roumel. At bakit wala si Roumel? Kasalanan mo!" Dinuro niya ito ng tinidor na may tocino pang nakatusok. "Alam mo na may usapan kami at mag-isa lang ko sa venue pero itinago mo ang cellphone niya at pinilit mong pumunta sa party."

"Aiona, did you really do that?" gulilat na tanong ng ama niya sa pinsan. "This is not a joke. Walang ibang kasamang kaibigan ang pinsan mo. Sa iyo pa ipinadala ang van dahil nangako ka na ihahatid mo sa CCP si Roumel. For a party?"

Dito nabaling ang galit ng ama niya sa halip na sa kanya. Nasiyahan si Abegail sa pagkaumid ng pinsan at pamumutla nito.

"U-Uncle, I just want Roumel to spend time with me. I want to share my victory with him. I-Is that so bad?" anito at lumabi na parang kinakawawa.

Hindi pumayag si Abegail madala rin sa pagpapaawa ng pinsan niya ang ama. Siya ang biktima dito. "Hindi lang ikaw ang kaibigan ni Roumel. May usapan kami na sinira mo. Hindi mo nirespeto 'yung oras na dapat kasama niya ako. Hindi lang iyon simpleng ballet show. Ako rin ang assistant niya sa article na isusulat niya. Wala akong alam sa ballet pero sa huli ako lang mag-isa ang nag-interview. Hindi naman ako sasama sa Collosus kung dumating si Roumel sa tamang oras."

Nanginginig sa gigil si Abegail. Ayaw niyang komprontahin ang pinsan. Ayaw niyang magalit. Pero ibang usapan nang siya ang pinasasama nito sa huli. Hindi pwedeng tumahimik na lang siya habang tinatapak-tapakan siya nito.

"Why hoard Roumel's time, Aiona? Mas mahalaga pa ba ang party na iyon samantalang maghapon mo nang kasama si Roumel?" tanong ni Tatay Marcel.

"Uncle, parang hindi ninyo kilala si Roumel. He would find ways to be with Abby if he wanted to. Hindi ko siya mapipigilan kung gusto niya. Hindi ko siya pinilit. Di ko na kasalanan kung hindi si Abegail ang pinili." Umirap si Aiona. "Tapos gusto pa na mag-sorry si Roumel sa Collosus na iyon. They are lowlifes..."

"Buti pa nga mga lowlife may concern sa akin. Sarili kong pinsan at kaibigan ko pa sisisihin kung napahamak ako. Nang oras na takot na takot ako dahil 'di pa rin dumadating si Roumel, sila Cohen ang lumapit sa akin at nag-offer na samahan ako na manood hanggang dumating ang kasama ko. Hindi kami close pero sincere sila sa pag-aalala sa akin."

"T-They did not take advantage of you?" tanong ng ama niya.

Umiling siya. "Hindi po. Gentleman po sila. May kasama silang bodyguard na titiyak na ligtas ako. At kung masama silang tao, bakit ipapa-text pa nila sa akin si Roumel para sabihin kung saang box po kami nakaupo? Para sa akin 'di po patas na pinagmalasakitan ako ng ibang tao pero mamasamain pa."

"Kasi wala kang idea kung ano ang ginawa nila. Even when we were younger they terrorize students and teachers. They do pranks and get away with it because they are well-off. Hindi mo alam kung ilan ang na-bully nila..."

"Ikaw ang nambu-bully sa akin dito," pambabara niya sa pinsan. "Basta wala silang ginawang masama sa akin. Kahit ano pang sabihin ninyo ni Roumel, ako ang biktima at sila ang tumulong sa akin."

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon