Chapter 25

427 22 0
                                    

"Dad, it is so unfair. I am your daughter. You should be on my side. Dad!" At niyugyog ni Aiona ang Android cellphone na may kalumaan na. Kausap nito ang Tito Gil niya sa video chat

Kanina pa hinahanap ni Abegail ang pinsan dahil kailangan na nilang pumasok. Kapag 'di pa sila umalis, baka ma-traffic sila at ma-late sa klase. Natagpuan niya ito sa orchard sa likod-bahay. Kaya naman pala ito nagtatago dahil may itinatago itong sekreto.

Grounded ito sa paggamit ng cellphone at iba pang gadget na may internet connection malibang may kinalaman sa school activity. Wala pa ngang beinte-kwarto oras na nakukumpiska ang cellphone nito, nakapagpuslit na agad. Kausap nito ang ama na nasa Australia na si Uncle Charles.

"Bye, honey. Just get on your cousin's good side. Stop antagonizing the poor girl. You had a great life. Inalagaan ka ni Kuya Marcel. What more can you ask for? And in return, you will sabotage her daughter that he hasn't seen for a long time."

"How about the daughter that you haven't been with for a long time? Kunin mo na lang ko, dad," pagmamakaawa ni Aiona at humagulgol. "Uncle Marcel has his own daughter now. H-He doesn't want me anymore. Please. I will be good."

"You are in the middle of school year. I can't just drag you everywhere. Behave, Aiona. Daddy loves you."

"Dad, no! Please," pagmamakaawa nito subalit naputol na ang video call nito. Binulyawan nito ang cellphone pagkuwan. "You don't really love me, dad. Why should I bother."

Akmang ibabato nito ang phone pero humiyaw si Abegail. "Huwag! Hindi pa iyan nababayaran ni Manang Siling sa pahulugan."

Nanlilisik ang mga mata nitong tiningnan siya. "What? Are you here to gloat? Kahit si Daddy ikaw ang kinakampihan."

"Hindi ka na five years old, Aiona. Tanggapin mo na may ginawa kang mali. Hindi mo naman kailangang magselos sa atensyon na ibinibigay sa akin..."

Pagak itong humalakhak at pinahid ng likod ng palad ang basang pisngi. "Don't be delusional. Bakit naman ako magseselos sa iyo? I am perfect."

"Kung di ka nagseselos, bakit parang gusto mo na kunin ang lahat ng atensyon ng mga tao na dapat para sa akin? Alam mo sa sarili mo na may mali ka. Ibalik mo na kay Manang iyang cellphone bago pa malaman ni Tatay na gumagamit ka kahit na ibinawal sa iyo."

"Go ahead and tell him. Wala naman akong ginawang tama mula nang dumating ka. Si Roumel na lang ang nakakaintindi sa akin. He will hate you once he finds out what you did to me."

"E di magsumbonng ka kay Roumel. Pagbuluhin ko pa kayo." Tinalikuran niya ito. "Sumunod ka sa van kung gusto mong pumasok. Five minutes lang paaalisin ko na iyon. Lakompake kung nandoon ka o hindi. Ayokong ma-late."

Dapat malaman ni Aiona na may pantay silang karapatan sa bahay na iyon. Tumaas ang kompiyansa niya nang makita na marunong manimbang ang ama niya sa sitwasyon. Hindi siya papayag na tapak-tapakan lang ng pinsan.

Tahimik si Aiona sa biyahe papasok sa Bright Minds Academy. Nakasalpak sa tainga nito ang malaking headphone habang nakikinig sa iPod nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan ito tatagal na walang cellphone. Magtanda na sana ito.

Pero nalungkot siya para dito. Hindi ito binibigyan ng tamang atensyon ng tiyuhin niya tapos ay kakampihan pa siya. Para sa isang anak na kulang sa atensyon, parang sampal marahil iyon kay Aiona. Sa kabila ng karangyaang nakapaligid dito, parang hindi pa rin ito masaya. Gusto rin nito na maging miserable ang ibang tao. Hindi talaga niya ito maintindihan.

Kumaway siya sa Collosus nang pumasok sa room. Napipilitan man pero nagsingiti rin ang mga ito at kumaway. Napansin niya ang nagtatakang tingin ng mga kaklase pero hindi niya pinansin ang mga ito. Nabawasan ang lungkot niya sa pagtikis kay Roumel dahil alam niya kung sino ang ipinagtatanggol niya.

Nilapitan niya ang Collosus nang lunch break na habang kumakain ang mga ito sa garden. "Hi!" bati niya sa mga ito.

"Kumusta? Natuloy ba 'yung date ninyo ni Shakespeare?" tanong ni Jacko.

"Alin? 'Yung ililibre niya ako ng fishball at kikiam? Di na uy! Di ako cheap. Malaki ang kasalanan niya sa akin."

"At ibig sabihin 'di mo siya kasabay sa lunch break ngayon?" tanong ni Cohen. "Bakit ka nga ba hindi sinipot ng isang iyon?"

"Itinago daw ni Aiona ang cellphone ni Roumel kaya di agad nakarating. Tapos pinilit daw siyang sumama sa party," kwento ni Abegail at inilabas ang baong hamburger patties na may ka-partner na salad.

"I would say that's a lame excuse," naiiling na sabi ni Hawell.

"Pero kilala namin si Aiona. She's a witch that's capable of doing everything to torment you. I won't wish her on my worst enemy," dagdag ni Parker at hinaplos pa ang braso na parang nangalisag ang balahibo. "Naalala ko noong inutusan niya ako na magpanggap na hina-harass ko siya para I-rescue siya ng crush niya. Nang hindi ko siya pinagbigyan, dahil 'di ko naman forte ang pananakot sa mga babae, siniraan niya ako sa crush ko. Two-timer daw ako. Sabay ko daw silang nililigawan."

"Isang linggong kumpiskado ang cellphone niya. At hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap na may mali siya." Bumaling siya kay Cohen. "Ikaw ang kumusta na? Kumusta ang puso mo?"

"Tanggap ko nang may boyfriend na si Kira," anitong nakatulala. "Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nagsabi sa kanya ng nararamdaman ko. Ako lang 'yung kaibigan niya mula pagkabata na tino-tolerate niya. How could I hate her? Isa siya sa pinakamababait na taong nakilala ko. I just want her to be happy."

"Wow! Ang lalim," sabi ni Hawell at pumalakpak. "Baka mamaya sapian ka n lang ni Balagtas."

"That's why I don't do love. It makes you a softy," maasim ang mukha na sabi ni Jacko. "Paano pa tayo katatakutan niyan?"

"Baka pwede nang magpagulpi sa sparring natin si Cohen. For a change." May kinang ng kapilyuhan sa mga mata ni Parker.

Mistulang may kutsilyo ang mga mata ni Cohen nang sibatin ito ng tingin. "Anong sabi mo?"

Natawa si Abegail nang kanya-kanyang takip ng mukha ang ibang Collosus sa takot na basta na lang banatan ng mga ito si Cohen. "Di dahil bigo si Cohen, kaya na ninyo siyang pagtulungan. Ang mga bigo daw, mas kailangan ng outlet sa sakit na nararamdaman niya. Ingat kayo dahil baka kickpad at punching bag na ang tingin nila sa inyo sa mga oras na ito."

Parang may dumaang anghel nang matahimik ang lahat. Nakatingin ang mga ito sa likuran niya. May ibang tao doon. "Abegail..."

Nilingon niya si Roumel na may dalang kahon. "Anong ginagawa mo dito? Nakapagsumbong na ba sa iyo si Aiona na ako ang dahilan kung bakit kumpiskado ang cellphone niya?"

"Hindi pa kami nag-uusap mula kahapon. Alam niya na mali ang ginawa niya. He put you in danger. Pero nandito talaga ako para sa Collosus. Para sa inyo," sabi nito at may ibinaba sa mesa na brown na kahon na may sulat Hangul o alpabeto ng mga Koreano.

"Ano iyan?" tanong ni Cohen na nakahalukipkip.

"A gift or a peace offering." Binuksan ni Roumel ang kahon at inilabas ang tetra pouch na may sulat Hangul din. "Energy drink ito na iniinom ng mga taekwondo players sa Korea."

"Hindi ba ito 'yung iniinom ng mga ahjumma sa Korean drama?" tanong ni Parker at kumuha ng isa. "Lalakas ba talaga kami dito?"

"Iyan daw ang pinakamagandang brand sa Korea. Wala akong ibang maisip naI-regalo sa inyo. Gusto ko lang magpasalamat sa inyo dahil sinamahan ninyo siAbegail nang panahon na wala ako."

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon