Chapter 26

435 18 0
                                    

Nakatigagal si Abegail habang pinapanood ang mga pangyayari. Nagpapasalamat si Roumel sa Collosus gaya ng hiniling niya? Parang nasa alternate universe siya. Matapos ang huli nilang pag-uusap, pakiramdam niya ay kabawasan sa pagkatao nito kung hihingi ito ng sorry o magpapasalamat sa Collosus.

"Nagpapasalamat ka sa amin?" di makapaniwalang tanong ni Cohen. "Hindi ba nakakababa ng pride sa iyo, Shakespeare? Isa ka sa tinitingalang estudyante sa eskwelahan na ito. Nagpapasalamat ka sa mga gangster ng Bright Minds Academy? Nakakahiya naman sa iyo."

"I want to give credit where credit is due." Yumukod si Roumel. "I am sorry for being a bit harsh and for judging your group. Gusto ko lang protektahan si Abegail. Nag-react lang ako ayon sa..."

"Mga ginawa namin noong nakaraan," sabi ni Jacko at tumango-tango. Binuksan nito ang energy drink at sinimsim. "Di naman pala masama ang lasa. Hindi mo naman kailangang bigyan nito. Simpleng sorry at thank you lang okay na."

"I-Ibig sabihin pinapatawad n'yo na ako?" tanong ni Roumel.

Nagkibit-balikat si Cohen. "We are used to being the bad guys. Wala naman sa amin kahit 'di ka mag-sorry o mag-thank you. Patuloy lang ang buhay. Pero mas malaki ang kasalanan mo kay Abegail. Nasa kanya kung patatawarin ka niya."

Nangungusap ang mga mata siyang binalingan ni Roumel. "Abby, I don't expect you to forgive me right away. Pero pwede ba tayong mag-usap."

"Sumama ka na kay Shakespeare. Parang iiyak na. Pagbintangan pa kami nng mga tao na nagpaiyak diyan," sabi ni Hawell. Tumayo ito at dinampot ang backpack niya saka ibinigay kay Roumel. "Go now."

Inunahan naman siya ni Jacko para iligpit ang pack lunch niya. "Ikaw na ang bahala kay Abegail. Basta huwag mo na siyang iiwan sa ere ulit."

Inikot ni Roumel ang tingin sa mga Collosus. "May gusto ba ang isa sa inyo kay Abegail?"

Tawa lang ang isinagot ng Collosus sa tanong nito. Umungol si Abegail at hinila ang lalaki palayo. "Roumel, halika na nga. Kaso-sorry mo pa lang sa kanila, gagawa ka na naman ng isyu."

"I am just concerned, okay? Tinulungan ka nila pero baka may hidden agenda sa paglapit sa iyo. Do you know that Parker is notorious in dating?"

"Huwag ka nang magsalita, Roumel. Okay na. Nag-sorry ka na at nag-thank you sa kanila." Umupo siya sa isang bakanteng mesa na nakatabing sa mga puno at inilapag sa mesa ng pagkain niya. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Inuna ko ang pag-receive ng energy ng Collosus sa gate. Alam ko kasi na hindi mo ako kakusapin hangga't hindi ako humihingi ng tawad sa kanila. And I really miss talking to you. Hindi kita matitiis. Saka kinuha ko rin ito para sa iyo." Inilabas nito ang bento box at bumulaga sa kanya ang fishball, kikiam, squid ball, at ang peanut sauce. "Alam ko na hindi mawawala ang galit mo sa akin dahil lang dito pero gusto pa ring tuparin ang pangako ko. I messed up. Hindi ko natupad ang pangako ko. I hope you will find it in your heart to forgive me."

Paano naman niya tatanggihan si Roumel kung higit pa sa hiniling niya dito ang handa nitong ibigay? Ibinaba nito ang pride para sa kanya. Na-touch siya dahil alam niya kung gaano kahirap magpakababa. Pero mas importante siya kaysa sa pride nito. Mas importante siya.

"Salamat. Hindi ko inaasahan na gagawin mo iyon. Akala ko kasi matitiis mo ako," sabi niya at kumuha ng kikiam.

"May mali ako. Inaamin ko iyon. Hindi ko naman kayang tagalan nang di mo ako kinakausap. Pakiramdam ko nakalubog ako sa kumukulong mantika. At hindi naman nakakababa sa pagkatao ko na aminin na mali ako. Pero kung may mali man ako, I just care too much about you. Kung iniisip mo na delikado ang Looban, there are scarier predators around here. Ayokog isipin mo na nagalit lang ako dahil pinagtatakpan ko ang pagka-late ko o ang ginawa ni Aiona."

"Alam na ni Tatay na itinago niya ang cellphone mo para hindi ka makapunta agad sa akin. One week na kumpiskado ang cellphone niya. Sinisisi niya ako ngayon dahil pati si Tito Gil sa akin daw kumakampi."

"Kaya siguro gusto niya akong makita ngayong lunch. She must be really devastated." Huminga ng malalim ang lalaki. "She must feel so lonely. Wala ako doon para damayan siya..."

Aray! Kababawi pa lang sa akin pero kapag si Aiona ang napag-usapan, nakakalimutan na naman ako. "Roumel, nagalit ka ba kay Aiona dahil sa ginawa niya sa atin?"

"It is not easy to stay mad at her for long. Nagha-hunger strike siya..."

"Exactly. Ginagawa ka niyang hostage at alam niya ang kahinaan mo. Paano niya makikita ang pagkakamali niya kung palaging ganyan ang gagawin niya? Saka paano siyang mag-iisa samantalang marami siyang kaibigan? Kumpara sa akin, ikaw lang ang talagang kaibigan ko dito." Ayaw niyang sabihin na kaibigan din niya ang Collosus dahil baka mag-panic na naman ito. "Huwag mong sabihin na iiwan mo ako ngayon para sa kanya? Iisipin niya na tama lang 'yung ginawa niya sa atin noong Sabado. Uulitin na naman niya iyan."

"Sorry. I was just used to run to her whenever she needs me." Ginagap ng lalaki ang kamay niya. "Abegail, I didn't mean to ruin everything. Nandito ako kasi gusto ko na mag-celebrate tayo."

"Your first article with your byline." At inabot nito ang cellphone sa kanya.

Natutop ni Abegail ang bibig nang makita na pangalan niya ang nasa byline ng artikulo sa online edition ng The Newsmaker. "P-Pangalan ko nga 'to."

Hinaplos niya ang cellphone sa parte na may nakasulat na Abegail Malvarosa. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang pangalan sa school paper. Pinasadahan niya ng basa ang artikulo at napansin na may naidagdag na impormasyon doon at mas pulido na kaysa sa ipinasa niya.

"Bakit wala ang pangalan mo?" tanong niya.

"Konti lang naman ang idinagdag ko. It was all you. Kahit na takot na takot ka sa pagko-cover at sa interview, you did well. I am so proud of you."

"Marami akong natutunan noong interview mo sa akin at nabasa ko ang article. Nakuha mo kung ano ang nasa puso ng ini-interview mo at nakaka-inspire. Kaya sinubukan ko rin gawin iyon nang interview-hin ko si Kira." Sinapo niya ang pisngi at itinaas ang cellphone nito. Masasabi niya na iyon ang unang accomplishment niya sa Bright Minds Academy. "Parang gusto kong ipa-print at ipa-laminate. Tiyak na matutuwa si Tatay kapag nakita ito. Sakay magdadala din ako ng kopya sa puntod ni Nanay."

"That can be arranged," sabi ng binata. "You have a lot of potential pero kailangan mo pang mag-training. Handa ka na ba sa second assignment mo?"

"May second assignment na ako?"

"Kaya mo namang mag-isa kaya pwede ka nang bigyan ng second assignment. Choose a school organization that you want to cover."

Niyakap niya nang mahigpit ang binata "Yes! Hindi na ako saling-pusa lang sa The Newsmaker."

Natawa si Roumel. "Yes. Welcome to the staff."

"Hindi mo ako china-charot lang para makabawi ka sa akin."

"No!" tanggi ng binata. "What is chinacharot by the way?"

"Ano... kalimutan mo na nga iyon." Basta ang mahalaga bati na sila ni Roumel at totoong parte na siya ng The Newsmaker. Unti-unti na niyang nalalaman kung saan ang lugar niya sa Bright Minds Academy.

The Princess Trouble #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon