CHAPTER 19

3.3K 66 3
                                    

Rose Salvador...

" bakit ka ba nya sinama dito? Anong sabi nya sayo?"

Napatingin ako kay Sam na ngayon ay nasa gilid ko, naglalakbay kami ngayon sa tabi nang dagat. Yung alon na humahampas sa paa namin.

" sabi nya, may pag uusapan din daw about sa business kaya na ako dinala dito. Dahil kailangan nya ako bilang isang secretary nya"

Sagot ko naman sa kanya at yumoko.

" business? Ang pagkala alam ko kung bakit kami nandito dahil niyaya kami ni Rose, ang may ari nitong isla at resort kanyang bahay rin yung tinuloyan natin."

Rose?

Sino naman kaya yun? Nasa isip ko.

" sino si Rose?"

Tanong ko sa kanya without looking at him. Tinuon ko aking mga mata sa mapuputing buhangin.

" malalaman mo rin yan mamayang gabi. Kakadating lang nya galing US, at gusto nyang makipag party kasama kami. 5 days tayong mananatili dito."

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Sam.

" limang araw? .. bakit ? Ano naman gagawin natin dito sa loob nang limang araw? Magtatampisaw sa dagat ? Magkwentohan? Ehh mukhang kayo lang naman ang mag eenjoy dito except me. "

Nabigla pa ako nang bigla nya akong inakbayan.

" sino namang may sabi sayong hindi ka mag eenjoy? Kasama mo ako, at hindi ko hahayaang maa out of place ka sa amin."

Ngumiti nalang ako at yumoko, feel ko namumula ako ngayon kasi naman nakaakbay sya sa akin habang naglalakad kami.

" pasalamat nga ako at dinala ka dito ni Leo. Alam nya kasing mas magiging masaya ako kapag nandito ka"

Baka nga gusto ni Leo na magkamabutihan kami ni Sam kaya nya ako dinala dito at hindi dahil sa gusto nya akong makasama dito sa isla. Napangiwi ako at huminga nalang nang malalim at tumingin sa malawak na dagat.

Hapon na nang matapos naming libutin ang isla ni Sam, kaya umuwi na kami sa bahay .

" magpahinga ka Jessa, at mamayang gabi may pakain na magaganap sa sala"

Tumango nalang ako at agad na pumasok sa kwarto. Wala si Kayline kaya bagsak akong humiga sa malaking kama , gumolong pa ako at humarap ulit sa kesame .

Ilang saglit pa ay nakaramdam ako nang antok kaya pinasya kong matulog nalang muna.

Napamulat ako nang maramdaman kong gumalaw yung kama, at napatingin ako kay Kayline na naka upo sa kama nakatalikod sa akin.

" get up and dress yourself, maghahaponan na"

Nakita kong naka shorts lang ito at naka spaghetti sa pang itaas. Kaya bumangon na ako at saglit na umopo sa kama.

Sya naman ay tumayo at sinundan ko lang sya nang tingin hanggang sa lumabas ito nang kwarto. Tumayo na ako at nagtungo sa bathroom nang kwarto para maligo.

Pagkatapos ay agad akong naghalungkat nang maisuot sa bagahe ko.

Noong nakakita na ako agad ko itong sinuot, isang plain black highwaist shorts at highwaist croptops na color white na may nakasulat sa bandang dibdib ko na little pretty . I find my self so cute wearing this kind of dress kaya napa smile ako sa salamin na nasa harap ko ngayon. Pinusod ko ang buhok ko para mas okay tingnan.

Bumaba na ako at nakita kong walang tao sa sala kaya nagpatuloy ako sa paglakakad hanggang sa lumabas na ako sa bahay, nakita ko sila nasa tabi lang pala sila nang mga niyog . May malaking lamesa at maraming upoan ang nandon at nakapwesto na sila.

ONE IN A MILLION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon