CHAPTER 43

3.2K 79 3
                                    

Love and Trust ...

PAPAUWI na kami ngayon ni Leo galing sa trabaho, at syempre ihahatid nya ako sa bahay. Sakay kami ngayon sa kotse nya at namutawi ang katahimikan dahil sa pinag uusapan namin kanina sa opisina.

Tumawag kasi si Rose kanina sa opisina dahil sa napag usapan nilang project para sa business ni Rose sa US San Francisco.  At kailangan na pumonta ni Leo doon para maisakatuparan ang project na iyon. Ibig sabihin lang non ay mawawala si Leo sa opisina , at malalayo sya sa akin.

" Love ..  "

Basag ni Leo sa katahimikan , I sighed before looking up to him ..

" You know, pwede ka namang sumama doon sa akin sa US. "

Nagbaba ako ng tingin.. gustong gusto kong sumama pero kailangan ako sa opisina . Walang katuwang si Maam Valdez ...

" kailan ba ang alis mo ? "

Umiwas akong sumagot sa suggestion nya. Nakita ko syang napaigting ang panga.

" bukas ng umaga na Love. I dont want to be far from you.. miss na nga kita kahit nandito kapa sa tabi ko. Paano na siguro kung nandon na ako. And Love , I'll be there for 3 days. Matagal yun para sa akin"

Napaiwas ako ng tingin ng binigyan nya ako ng isang sulyap.

" You do know how much I wanted to be with you there love , pero paano ang company ? Walang matitirang tao sa opisina kung dalawa tayo doon. "

Saglit kaming natahimik..

" All you have to do is to make your project with Rose happen as soon as possible , para makauwi ka kaagad sa akin. "

Dugtong ko .. hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa manibela at ka agad naman nyang tinugon ang hawak ko sa kamay nya, pinagsalikop nya ang kamay namin while ang isa nyang kamay ay nakahawak sa manibela.

" I trust you Love, I know you can do it. Hindi lang sa kakayahan mo ako may tiwala, kundi pati narin sa pagmamahal mo sa akin.. "

Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko..

" Sa totoo lang , hindi ko naiwasan ang maisip na kasama mo si Rose doon. Knowing that she's your ex, and as your girlfriend hindi mo mawawala sa akin ang magseselos love. "

Narinig ko ang pag buntong hininga nya kaya napatingin ako sa kanya, maylungkot na sa kanyang mga mata na kailan man ngayon ko lang nakita.

" I dont want you to feel that way Love, pero hindi kita babawalan na mag selos. Dahil mahal mo ako, and I love you so much. Trust me, wala akong gagawin na ikakasama sa relationship natin Love "

Sa wakas ay napangiti nya ako sa sinabi nya, bumitaw ako sa paghawak sa kamay nya..

" I trust you , and I love you "

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi .. and that made him smile..

" thank you Love , I love you so much .. "

Binalingan nya ako saglit at pagkatapos ay seryosong nakatuon sa kalsada ang atensyon nito.

Alam kong iniisip nya ang pag alis nya bukas, nalulungkot din ako dahil mawawala rin sya sa paningin ko ng tatlong araw, pero alam kong kakayanin namin ito. At naniniwala ako kay Leo .

Ng makarating ako sa bahay, hindi na pumasok si Leo dahil kailangan pa nyang mag handa para sa maagang flight nya bukas. Syempre, bago sya maka alis ay niyakap ko muna sya ng mahigpit at hinalikan sa labi, mamimiss ko talaga sya.

Bagsak na napa higa ako sa kama ng kwarto ko at tulala na nakatingin lang sa kesame.

Kumalma ka lang self, tatlong araw lang iyon at babalik na agad si Leo. Trust him, at uuwi sya sayo ng buo parin ang pagmamahal nya sayo...

ONE IN A MILLION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon