CHAPTER 41

3K 99 3
                                    

The bad side of him...

Pumasok kami sa kwarto nya , ako na ang nag sara ng pinto at nakita ko syang hinubad ang itim na jacket na sout nya na nakatalikod sa akin. Parang wala lang ako sa paligid nya.

Hinubad nya ang damit nya pati ang jeans na suot nya habang ako naman ay nanatiling naka titig sa likoran nya. Hanggang sa boxer shorts nalang ang natira sa suot nya. Gumalaw sya patungo sa bathroom at doon ko lang napansin ang dugoang kamay nya. Agad akong lumapit sa kanya.

" Love .. "

Tawag ko sa kanya pero bago pa ako nakapagsita ulit ay pumasok na sya sa loob ng bathroom. Awang ang bibig ko sa nakita, kakaibang Leo ang kasama ko ngayon. Nakakatakot, at nagugulohan ako sa mga galaw nya. Hindi nya ako pinapansin at halatang may ginawa syang mali dahil may dugo sa likod ng kamay nya.

Ano bang ginawa mo Leo ?

Nasa isip ko . Napabuntong hininga nalang ako at wala akong magawa kundi ay umopo sa gilid ng kama nya at hihintayin ko sya.

Ilang saglit lang ay napatingin ako sa pintoan ng bathroom nya ng bumokas iyon at lumabas si Leo , tanging towalya lang ang takip sa pang ibaba nya at nagpupunas naman sya ng towalya rin sa buhok nya.

Hindi nya parin ako pinapansin na parang wala lang ako dito sa loob ng kwarto nya. Sinundan ko sya ng tingin at nagtungo sya sa may sofa at doon umopo at nagpapatuyo ng buhok nya habang nakayuko.

Saglit ko syang tinitigan at hindi ko na kaya pang tumahimik lang dito na hindi nya pinapansin . Tumikhim muna ako bago nagsalita.

" Love , please listen to me. Magpapaliwanag ako "

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy lang sa ginagawa nyang pag tutuyo ng buhok. Napabuntong hininga ako.

" Leo, listen to me at hindi na ako manggugulo pa sayo."

Seryosong sabi ko sa kanya, napatigil sya at napatingin sa akin na may talim sa mga mata. Inilagay nya ang tuwalyang ginamit sa pagpatuyo ng buhok nya sa leeg nya, habang napaka messy naman nya tignan sa buhok nya.

" pwede na ba akong magpaliwanag ? Baka naman iiwasan mo lang ako "

Tumayo ako at nagtungo sa harap nya. Nasa akin parin ang mga galit na mga mata nya. Natatakot ako pero kailangan kong pakalmahin ang sarili para makapag sorry ako sa kanya ng maayos.

" go on , I'm all ears "

Napalunok ako ng magsalita na sya pero ganon parin ang expression ng mga mata nya.

" si Dee , kaibigan ko sya since high school. Kaibigan namin sya ni Jen, at aaminin ko sayo na nanligaw sya sa akin noon pero binusted ko sya. Nakipag kita sya sa akin dahil gusto nya lang akong kumostahin at Oo, nag tapat na naman sya ng feelings nya sa akin, at alam na nyang may boyfriend na ako and again I rejected him. Wala kaming ibang ginawa kundi ang mag usap sa isang malapit lang na restaurant. "

Napayuko ako ng umiwas sya ng tingin sa akin at umiling iling , at nag smirk.

" sorry dahil hindi ako nakapag paalam sayo Leo, at kasalanan ko talaga ito dahil binalak ko talagang wag magpa alam sayo. Because i thought hindi mo malalaman na lumabas ako with my friend. Ayoko lang naman na , distorbuhin ka sa meeting mo "

I heard him tsked, at napatingin ako sa kanya. Nakatingin na rin sya sa akin at matalim parin ang mga mata. Halatang nagtitimpi lang sya sa galit nya, umiigting ang panga at nanatiling walang imik.

" I hope you will forgive me soon Love, i know malaki ang kasalanan ko and I understand you kung matagal mo akong mapapatawad "

Nangilid ang mga luha sa mga mata ko kaya napayuko ako at tumolo ang luha sa pisngi ko. Alam kong galit na galit sya sa akin, hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo nya sa akin. Ibang Leodemar ang nakikita ko sa mga mata nya.

ONE IN A MILLION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon