CHAPTER 25

3.2K 63 2
                                    

Hurtful scene..

Nasa tabi ko na si Sam, lahat sila nag uusap. Nasa harap ko si Rose  at Leo , habang si Lucas at Kayline naman ay nasa tabi rin ni Leo, kaharap nila kami ni Sam.

Marami silang pinag usapan pero wala akong interest na makinig o mag salita. Nag sisip lang ako ng wine ko.

" teka lang ha, maiba nga tayo guys... Leo, nililigawan mo na ba ulit si Rose ?"

Nakuha ni Lucas ang pansin ko dahil sa tanong nya, naka ngisi itong nakatingin kay Leo ngayon. Agad akong napatingin naman kay Leo, nakayuko ito habang sa baso nya ito nakatingin.

" liligawan ko sya kung okay lang sa kanya"

Pa simple na sagut nito kay Lucas habang nakayuko lang. Namumula naman si Rose at agad na nag sip ng alak sa tabi nya.

" payag ka na Rose, pareho naman kayong single diba ? " Lucas.

Ngumiti si Rose kay Lucas at umiwas ng tingin agad. Napansin ko rin na napapasulyap si Rose sa akin kaya nilipat ko ang tingin ko kay Lucas.

" mas marami akong importanteng gagawin kaysa dyan Lucas. " Rose.

" pero malapit ng lumampas ang edad mo sa kalendaryo pinsan. Makikita naman talaga na mahal nyo parin ang isat isa "

Tumikhim si Leo kaya napatingin kami sa kanya.

" wag nalang nating madaliin muna si Rose Lucas. I'm sure naman , darating din kami dyan."

May kung anong tumosok sa dibdib ko ng marinig ko sa kanya iyon. Nakahanda naman ang sarili ko sa mga ganitong pangyayari, ene expect ko ng mangyari itong ganitong usapan. Kala ko handa ako pero bakit ganon? Ang sakit parin.

Nangilid na ang luha ko kaya agad akong tumayo at tumalikod.

" magbibihis lang ako. Malamig na kasi"

Sabi ko at agad na kinuha ang bag ko na nasa likod ni Sam at agad na pumasok sa bahay ni Rose at nagtungo sa cr para magbihis.

Pagkapasok ko sa cr ay agad ko ng nilabas lahat, kala ko ba hindi na ako muling iiyak dahil kay Leo, pero heto parin ako at umiiyak. Napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko, naawa ako sa sarili ko. Parang gusto ko ng umalis ngayon din at bumalik sa  manila, at magsimula ng panibagong buhay ng wala si Leo sa tabi ko.

Agad akong naghubad at nagpalit ng suot. Mas maiging mag jacket nalang ako at mag jogging pants para hindi na ako malalamigan pa. Lumalalim narin kasi ang gabi kaya  malamig na sa labas.

Agad akong lumabas at nagtungo sa kinaroroonan nila. Silang lahat ay naka swimsuit attire pa pero ako heto at naka jacket at pants na.

Umopo ako sa tabi ni Sam.

" siguro pag nasa New York na ulit si Rose baka susunod ako sa kanya doon at doon ko nalang din sya liligawan"

Napalingon ako kay Leo na ngayon ay nakatingin sa akin habang sinasabi ang katagang iyon . Inaakala nya bang mag rereact na naman ako sa mga ganyan nya? Oo nasasaktan ako pero kailangan kong ipakita sa kanya na wala lang sa akin yang mga ginagawa nya.

" wow, gagawin mo talaga iyon Leo?" Lucas.

" oo naman, mahal mo diba? Kaya gagawin mo ang lahat "

Nasa akin parin ang mga tingin nya at napansin kong umangat ang gilid ng labi nito kaya  napa iwas  na ako ng tingin.

Kinabit ko sa gilid si Sam at lumingon naman ito sa akin, nagulat pa ako ng inakbayan nya ako bigla.

" ahh Sam, pwede bang sa kotse mo na ako ? Gusto ko lang umidlip muna"

ONE IN A MILLION ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon