Bagong taon na, bagong buhay ika nga ng marami. New year resolutions ni Mary walang iba kundi ang tuparin ang kanyang new year resolutions dahil lagi namang hindi natutupad ang mga ito bukod sa maraming hindi magandang nangyari sa personal na buhay nya sa taong nagdaan.
Si Mary ay isang arkitekto. Kapapasa pa lamang nya ng nagdaang taon sa board exam. Wala na syang balak sanang magtake ng Board pero dahil may malaking project ang isang boss nya at isang foreign developer na kapartner nito kaya napilitan syang mag take ng board. Sinubukan nya na rin kung kaya pa nyang mag review dahil halos 20 taon na rin mula ng makagraduate sya sa college of Architecture.
Matandang dalaga ang kalagayan nya ngayun. Hindi sana nya tatawagin ang sarili nyang ganun kung hindi sila nag kahiwalay ng matagal nya ng kasintahan. Halos limang taon din silang magkarelsyon at dito halos umikot ang mundo nya. Separated si Andy, 52 years old at isang mayamang negosyante. Alam ni Mary na mahal din sya ni Andy dahil nagkasama rin sila halos sa hirap at ginhawa. Ilang beses na rin muntik na silang magkasira dahil na rin sa ibang babae. Pero twing babalikan sya ni Andy ay nagagawa nya itong patawarin. Mahal na mahal nya si Andy at nahihirapan din syang wala ito sa buhay nya.
Sa huling tatlong buwan ng nakalipas na taon, may nakarating na naman sa kanyang isyu tungkol sa bagong babae ni Andy at ng mapatunayan nyang totoo ito, nagdesisyon na talaga si Mary na tapusin na nya ang ugnayan nilang dalawa. Naisip nyang nakakapagod na rin ang paulit ulit na nasasaktan. Siguro meron pang darating na iba, yun ang nilagay nya sa isip nya. Yung taong mamahalin sya ng totoo at hindi lolokohin.
"Ang hirap mag move on.." unang salita ni Mary paggising nya ng pangalawang araw ng bagong taon. Sobrang lungkot nya pagpasok ng bagong taon pero pinipilit nyang ipakita sa mga kapatid nya na wala syang problema lalo na pagdating sa personal na bagay. Malihim si Mary pagdating sa personal nyang buhay. Bread winner sya ng pamilya kaya ang lagi nyang pinapakita na isa syang strong woman kahit ilang beses na syang nasasaktan.
"Hoy ate, ilang buwan mo ng pinatutugtog yang mga Korean songs mo na yan, kakasawa na ah.!" Sigaw ng kapatid nyang si Tina.
"Kung ayaw mong mapakinggan, e di magtakip ka ng mga tenga mo!"- birong sagot ni Mary. Talagang magsasawa kayo hahaha.." natatawang dugtong pa ni Mary. Sa totoo lang pati sya ay nagtataka na rin sa sarili nya kung bakit hanggang ngayon ay puro Korean songs pa rin ang pinakikinggan nya.
Nagsimula iyon sa unang buwan ng pagrereview nya ng makaraang Abril 2018. Aksidenteng napanuod nya sa youtube ang duet ng Pinay singer at ChoKyun. Labis syang humanga sa performance ng dalawang singers lalo na sa boses ni ChoKyun. Mag mula nung araw din na yun nag dowload na sya lahat ng awitin ng sikat na Korean Singer na myembro rin ng isang sikat na Kpop Group. Pinatugtog nya na ito lagi na kahit hanggang sa pagtulog ay naka earphone sya na ang tanging tugtog ay puro awitin ni ChoKyun.
Nainlove si Mary sa boses ni ChoKyun. Mahilig kasi sya sa lalaking maganda ang boses at pangarap nya na sana kung may darating pang lalaking mamahalin sya ito ay may magandang boses. Pero bakit nga ba this time sa Koreano pa sya nahilig, marami namang magagaling na singers dito sa Pilipinas. Siguro dahil sila ang sikat na pinagkakaguluhan ngayon ng mga kababayan nyang Pinoy.
"Magpatugtog ka naman ate ng ibang kanta, utang na loob pati si Ara nakakanta nya na yung korean songs kakapakinig dyan sa ChoKyun mo e.." - request na naman ng kapatid nya. Si Ara ay pamangkin nila na anak ng bunso nilang kapatid na si Rona.
"Magtiis kayo noh, maganda naman lahat ng kanta ni ChoKyun ah,"- sagot ulit ni Mary. His voice melts my heart and moves my soul.." dugtong pa ni Mary. "Teka nga muna weekends lang naman ako narito ah.!"- napipikon na sagot ng dalaga sa kapatid. Nakahiwalay ng tirahan si Mary halos tatlong taon na rin ang nakakaraan ng kumuha na sya ng sariling one bedroom condo unit. Sinama nya rito ang kanyang aso na si Betty. Naiwan ang dalawa pa nyang kapatid sa bahay nila at umuuwi lang sya kapag weekends para magsama sama silang magkakapatid.
"Haay, baliw ka na yata ate!" - tukso ng kapatid nya. Ewan ko ba sa yo!"
Baliw na kung baliw, bulong ni Mary sa sarili. Labis talaga syang na inlove sa boses ng Koreano. Mabuti na lang at dito nya binabaling ang oras nya ngayon sa tuwing malulungkot kung hindi nadepressed na sya sa breakup nila ni Andy.
"Sa ngayon need ko munang mag makeover. New year, New Me.."- yun ang promise ni Mary sa sarili matapos ang maraming araw na paghihirap ng kalooban nya mula ng magbreak sila ng kasintahan. "Tapos makapamasyal sa Korea at syempre mapuntahan si ChoKyun."- bulong ni Mary sa sarili. "Oh my God, tama nga yata ang kapatid ko, nababaliw na ko, fangirl na ba ko?"- naiinis na natatawang sabi ni Mary sa sarili dahil kahit kelan hindi sya nag feeling fangirl ng ibang artista o singer.
Matapos nyang mag shower humarap si Mary sa salamin.. "Hindi pa naman ako mukhang 47..pero kailangan makabalik sa gym, more collagen at glutha, more anti aging foods, kailangang mas gumanda at sumexy pa ako ng konti, tignan natin kung hindi mo ko balikan Andy.." - kausap na naman ni Mary ang sarili.
Sa edad na 47, hindi mo iisipin na nasa late forties na si Mary. Meron pa rin naman nagkakagusto sa kanya at yung iba nga ay mas bata pa ang edad kaysa sa kanya, pero hindi na nga lang tulad nung nasa edad na 20's to early 30's nya. Hindi sya gaanong kagandahan pero malakas ang kanyang sex appeal sa kalalakihan.
Pero iba na ang situation ngayon, old maid na nga ba sya habang panahon? Oo maganda pa rin ang tingin nya sa sarili pero taon taon nadaragdagan naman ang edad nya at ito ang kinakatakot ni Mary sa sarili. Ayaw nyang mag-isa sa pagtanda. Paano kung wala pa rin syang magustuhan o baligtarin natin, wala ng manligaw sa kanya.
"Need ko talagang mag gym.. this time sarili ko naman ang aalagaan ko. Hindi pa sana huli.. ayaw ko pang magmukhang matanda. At higit sa lahat ay ayokong tumandang dalaga.."- sabi ni Mary sa sarili.
-End
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..