Linggo ng umaga maagang nag ayos si Mary ng sarili. Balak pa sana niyang mamasyal sa iba pang lugar sa Seoul pero kakapusin na sya ng oras.
"Sa Gangnam District at Myeongdong na lang ako mamamasyal today. Wala na akong oras dahil may pasok pa ako sa Samu hanggang Tuesday."- kausap ni Mary ang sarili habang nakaharap sa salamin.
"Mamya sa Myeongdong bibilhin ko ang ibang hindi ko pa nabibili saka hanap na rin ako ng regalo para kay Park Min-Jun."- nakangiting sabi ni ni Mary sa sarili habang naglalagay ng make-up. "Tapos makapag simba ulit sa Cathedral."- patuloy pa nito.
Samantala tinanghali ng gising si Park Min-Jun. Bago bumangon ay matagal na nakangiti at nakatitig sa kanyang cell phone. Tinitignan ang mga pictures ni Mary pati na ang ilang pictures nilang dalawa na nakunan ng ibang fans.
(Sa wikang Ingles)
"I wish I have met you earlier.. " - bulong nito sa sarili. "I'm starting to miss you already, Mary." - dugtong pa nito habang patuloy nitong tinitignan ang mga pictures ng dalaga.Maya-maya ay bumangon na ito at nag ready.
"I have already my gift to Mary, but I still want something more, maybe I should buy her a jacket." - nakangiting sabi nito sa sarili. Tinawagan nya ang kanyang driver para sa biglaang lakad nya sa araw na iyon. "Ryeung, we will go to Myeongdong after our meeting at Global. Get ready." - bilin ng binata sa kanyang driver.Sa mga oras din na iyon magkasama ang magkaibigan na sina Young Hae at Eun Gi sa isang coffee shop.
(Sa wikang Ingles)
"I just don't know why Mary is so important to Captain. How they met and became that close. We didn't even see her around ever since we work with the band." - kwento ni Young Hae sa kaibigan habang nag iinstagram sa mga oras na iyon."Well maybe they were introduced to each other by a common friend or she was just a big fan of Captain who became so lucky that captured the heart of our Captain." - nangingiting sagot nito kay Young Hae na me halong pangtutuya.
"Careful I'm your friend here not her okay!" - parang nainis na sagot nito kay Eun Gi. "I will make my own way to stop whatever relationship they have right now. You know how much I like Captain ever since I joined the team. And that woman, she is not even a celebrity or Korean. I'll make sure fans will never like her after all she is too old for Captain!"- napipikon na sabi nito.
"And we also know that Captain only like you as younger sister."- sagot ni Eun Gi. "You can't stop Captain to be with Ms. Mary. I think he is the one who was first attracted to her."- dugtong pa nito.
"Shut up. Just watch what I can do.."- naiinis na sagot nito sa kaibigan. I can't accept that one old Filipina will stole Captain from me.!"- dugtong pa nito habang patuloy na gumagawa ng comments sa mga post sa viral pictures ni Mary gamit ang iba't-ibang account name.
Sa mga oras na iyon ay nakarating na si Mary sa Gangnam District. Dito nya nakita ang nag gagandahang shopping stores ng mga major designers and brands. Marami rin ditong mga restaurants na nag ooffer ng authentic Korean foods.
"Dito na ako siguro kakain ng lunch bago ako magbyahe papuntang Myeongdong."- sabi ni Mary sa sarili habang masayang nililibot ang kanyang mata sa dami ng restaurants na mapagpipilian. Nagtry din syang mag food trip habang naglalakad sa street na puro food stalls.
"Sana kasama ko si Park Min-Jun ngayon." - sabi nito sa sarili.
Dito na sya nakabili ng regalo para kay Park Min-Jun. Sa Myeongdong nya na lang bibilhin ang iba pa nyang kulang na pasalubong bago sya magsisimba ulit sa Cathedral.
Pagkatapos mag food trip ay dumaan din si Mary sa kilalang Buddhist temple ng Gangnam. Hangang hanga si Mary sa lugar ng Gangnam dahil sa kabila ng mga nag gagandahang establishments ay may lugar pa pala sila para makapag meditate ang mga tao.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomansaAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..