Chapter 21 - Insecure

355 7 3
                                    

Special guest sa isang sikat na variety show ang binata sa araw ng Martes na iyon. Unang TV appearance iyon ng singer pagkatapos ang ilang buwan na hindi nagpapakita sa ilang TV programs na nag imbita dito. Isa si Park Min-Jun sa tatlong pinakasikat na ballad singer sa buong South Korea. Kahit bihira itong makita sa mga TV at radio programs, kumikita pa rin ng husto ang lahat ng kanyang concerts at mga kanta sa kanyang mga released na albums.

Kanina pa patingin tingin ang binata sa kayang cellphone dahil matatapos na sya sa kanyang guesting ay wala pa rin syang narereceived na reply mula kay Mary tungkol sa araw ng pagbalik nito sa Seoul.

"She must be very busy.."- pabulong na sabi nito sa sarili.

Pagkatapos ng kanyang TV guesting ay tumuloy ito sa kanilang opisina para sa kanyang meeting kasama ang kanilang CEO. Habang nasa daan papuntang Global Office ay nakatanggap ng text mula sa dalaga si Park Min-Jun.

"Park Min-Jun, see you on August 10..will call you after our meeting." 
- text message ni Mary sa binata habang sya ay nasa meeting pa rin kasama ang boss nya na general contractor.

Napangiti ang binata sa balitang iyon ni Mary. Alam nya na makakabalik ito bago ang kaarawan ng kanyang ina.

"I'm so happy to hear that. Talk to you later.." - reply ng binata sa text ni Mary.

Pagdating ng Global Office ay nakasalubong nya sa may entrance ang dalagang si Young-Hae. Siya mismo ang sadya ng dalaga sa pagpunta nito sa kanilang opisina.

(Sa wikang Ingles)
"Captain, how are you? I heard yesterday that you were sick so I brought some food for you, I was about to give this to Dong Sun." - nag aalalang sabi ng dalaga sabay abot sa binata ng dalang bag na may lamang pagkain.

"I requested my mom to cook this food for you. I tried to drop this by to Dong Sun thinking that he might go to your place today." - dugtong na sabi ng dalaga.

Nahiya naman ang binata na hindi kunin ang dala nitong pagkain. Nag abala pa ito bukod sa minsan din niyang natikman ang luto ng ina nito nang magdala si Young -Hae ng pagkain isa sa mga araw nuon ng kanilang rehearsals.

"Thank you very much Young-Hae. I really appreciate this." - pasasalamat ng binata ng maiabot sa kanya ni Young Hae ang bag na dala nito.

"We have a meeting today, I need to go inside now. Thank you again." - dugtong na sabi ng binata kay Young-Hae saka pumasok na sa loob bago pa ulit nakapagsalita ang dalaga.

"Okay Captain.." - maiksing sagot ni Young-Hae na halos hindi na narinig ng binata.

"I wish I have talked to him longer, anyway, I'm sure he will like the food that I brought. Mom made your favorite braised beef, I know you will ask me again to cook that for you.."- nakangiting sabi ng dalaga sa sarili.

Tinawagan agad ni Young-Hae ang kaibigang si Eun Gi.

(Sa wikang Ingles)
"Guess what, I talked to Captain awhile ago I bumped into him at the office main entrance. I gave the food that I brought made by my mom early this morning." - masayang kwento ni Young-Hae sa kaibigan. "He is okay now."

"Do you think he will eat that?"- tanong ng kaibigan.

"I'm sure he will. Korean braised beef is his favorite remember we heard it from Captain one time we had dinner with the team.?" - sagot naman ni Young-Hae.

"Much better if you told Captain you were the one who cooked the food right?"- balik na tanong ni Eun Gi.

"Really? But I don't cook.. Okay I will do it just for Captain. Next time I'll ask mom to help me on cooking."- sagot ng dalaga sa kaibigan.

The Captain Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon