Samantala, kagagaling lang ni Mary sa Coffee shop ng parents ni ChoKyun sa mga oras na iyon sa Myeongdong. Natapos nya ang pagkuha ng mga pictures sa coffee shop na puno din ng mga pictures ni ChoKyun. Nalaman nya sa isang empleyado na hindi darating ang singer.
Gusto nya sanang iwan ang regalong dala pero wala ang binata. Mas nais nyang personal sanang maiabot ito kay ChoKyun at para na rin makapag papicture at autograph na rin sya sa binata. Sadyang naaliw na yata sa pagiging fan ng dalawang Koreanong singers ang dalaga.
"Balikan ko na lang si ChoKyun."- malungkot na sabi ng dalaga sa sarili. "Tuwing Saturday daw ng umaga madalas dumaan si ChoKyun sa coffee shop." Ayon ito sa napagtanungan nyang empleyado dito.
Matapos ang isang oras, saka pa lamang nag check si Mary ng kanyang cell phone. "Text message from Park Min-Jun?"- nagtataka ang dalaga sa natanggap na text mula sa Koreano.
"Nag iinvite for dinner mamya?" - nagtatakang reaction ni Mary matapos mabasa ang text ng binatang singer. Hindi malaman ni Mary kung kailangang sagutin nya agad ang text ng binata nang biglang nag ring ang kanyang cell phone.
"Hello.. architect, it's me Park Min-Jun, you didn't reply on my text earlier, are you busy tonight?"- boses ng binata sa kabilang linya.
"Hello, Mr. Park, ah, no I'm not busy, sorry I was just reading your message awhile ago before this call."- sagot ni Mary.
"I just want to invite you for a dinner tonight, maybe around 7:30? Is that okay with you? Our rehearsals will finish at 7 o'clock.."- boses ulit ng binata.
"Yes Mr. Park, its okay with me but I'm still here at Myeongdong right now and its already 5 o'clock. Can we meet around this area?"- parang pakipot pa na sagot ni Mary sa Koreano.
"Okay just text me where to meet you there."- masayang tinig ng binata sa kabilang linya.
"Yes I will text you. Thanks. See you."- sagot ni Mary.
Nagtataka ang binata kung bakit nasa Myeongdong si Mary dahil medyo malayo ito sa hotel na tinutuluyan nito. Ang narinig lang nya kanina ay maglilibot lang ito sa paligid malapit sa hotel.
Samantala, hindi makapaniwala si Mary pagkatapos ang usapan nila ng binata sa telepono. "Anung nangyayari Mary?"- tanung nya sa sarili. "Bakit nag invite ng dinner sa kin si Park Min-Jun? Magpapadesign ba sya ng bahay nya? Pwede.."- napapaisip na kausap na naman ni Mary ang sarili.
"O baka naman kukunin nya kong back up singer. Haaist!"- dugtong pa ni Mary saka nag Viber para tawagan ang kanyang kaibigan na si Alice. Kiniwento lahat ni Mary ang mga nangyari sa araw pa lamang na iyon.
"Dapat na sigurong mainsecure si Madam Auring sa akin sis!!"- boses ni Alice sa kabilang linya.
"At bakit mo naman nasabi?"- sagot ng Mary.
"E lahat ng mga sinabi ko di ba nagkakatutoo? Ang hina mo naman!"- banat ng kaibigan. Kaya ka niyayayang mag dinner type ka ni Koreano!"- dugtong pa nito.
"OMG, nakisabay pa naman ako kanina sa van nila papunta sa hotel na tinutuluyan ko, kinabahan ako dun"- sagot ni Mary.
"Ano bang pinagsasabi mo, di naman gagawa ng masama yang si Koreano, natural interested sa yo kaya ka iniimbitahang mag dinner!"- sabi ng kaibigan. "Bilib na talaga ako sa karisma mo Bff!"- natatawang dugtong pa nito.
"Sis, sikat na singer sa South Korea si Park Min-Jun. Oo aminado akong kinikilig ngayon, feeling fangirl ang peg, pero para isiping interesado sya sa kin, susme, ang laki ng age gap namin, ano naman sasabihin ng makakakita sa min!"- litanyang sagot ni Mary. "Malamang me kailangan lang yung tao. Malay ko alam nya na arkitekto ako baka magtatanong tungkol sa mga designs ng bahay."- patuloy pa nito.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..