Unang araw ng pagbalik ni Mary pagkatapos ng kanyang vacation leave. Inuna muna nyang bumisita sa bagong nirerenovate na restaurant ng V Holdings at para makipag miting na rin sa technical group ng mall. Tatlong beses sa isang linggo sya nagrereport sa isa niyang boss na owner ng malalaking buffet restaurants. Simula ng maging licensed architect ay pinayagan sya ng kanyang boss na maging consulting architect ng company nito huwag lamang syang magresign. Mabait kay Mary ang kanyang boss kaya pumayag sya sa offer nito. Pero sa kanyang project kasama ang Samu Architects, kailangan nya na talagang mag resign sa company nito.
"Sa Wednesday ko kakausapin si Sir Vincent."- kausap ni Mary ang kanyang kaibigan at isa sa mga engineer ng V Holdings.
"Mabuti kung payagan ka ni Sir." - sagot ni Engr. Marlon habang kumakain sila ng lunch sa kabilang restaurant na katabi ng kanilang nirerenovate sa loob ng isang malaking mall sa Quezon City. Isa sa mga close friend ni Mary si Engr. Marlon at kapatid ito ng kanyang barkada simula pa nung kolehiyo.
"Wala naman siyang magagawa, paalis din ako for South Korea next month. Saka malaki ang project na gagawin dito ng boss kong isa na kapartner ang mga Koreano kaya kailangan nila ng Filipino architect." - paliwanag ni Mary.
"Project ba ang dahilan ng pagpunta mo dun or si Koreano mo?"- natatawang sabi nito.
"Nauna itong project bago ko nakilala si Park Min-Jun."- pasimpleng sagot ni Mary na natawa rin sa tanong ng kaibigan.
"Sabihin mo lang kay Sir mag-aasawa ka na sigurado papayagan ka na nyang mag resign."- sagot ni Engr. Marlon. "For sure alam na nila yung chismis tungkol sa pag kakalink mo ke Koreano, nationwide ang nararating ng balita sa TV noh." - dugtong na sabi pa nito.
"Hindi naman nanunuod ng balitang tagalog si Sir Vincent unless me nag kwento sa kanya. Saka hindi tsismoso yun! Basta this week magpapaalam na ako sa kanya. Saka may isa pa akong project ke Andy, residential sa Sta. Rosa, hindi ko na mahahati katawan ko sa trabaho."- mahabang paliwanag ni Mary.
"Mukhang taon mo ngayon Mary ah, dami ng projects lovelife makulay pa hahaha."- masayang sabi ng kaibigan. "Feeling ko makakapag asawa ka na this year, sa wakas Lord, hindi tatandang dalaga itong kaibigan ko."- dugtong na sabi nito.
"Hay naku tara na nga at baka dumating na ka miting natin."- yaya ni Mary sa kaibigang engineer pabalik sa kanilang project site.
Samantala, ala-una na ng hapon ay nakahiga pa rin ang binatang singer sa kanyang kama.
Nilalagnat na pala ito mula kanina pang umaga kaya hindi ito nakabangon agad.(Sa wikang Ingles)
"Sir, I canceled your meeting with Mr. Lee earlier, I told him that you are sick. Are you okay now? We can order food for you."- kausap ng binata ang kanyang assistant sa cellphone. Tinext nya na ito kaninang umaga at sinabihang hindi sya makakalabas ng condo gawa ng masama ang pakiramdam."No thank you. I will just make porridge here. I'll be okay by tomorrow just tell Ryeung to be here early in the morning for my TV guesting schedule at 10am."- bilin nito sa assistant.
"Okay sir, get well and drink medicines. Just call me if you need anything." - pag aalalang sagot ng assistant.
"I'll be okay Dong Sun. Thank you."- sagot ng binata sa assistant.
Pagkatapos makausap ang assistant ay tinignan ng binata ang mga pictures nila ni Mary. Napangiti lalo ito ng makita ang mga pictures nang sila ay unang magtabi nito sa kama. Sobrang pagkasabik ang nararamdaman nya sa dalaga sa mga sandaling iyon. Hindi rin sya makapaniwala na sa unang pagkikita nila ay magkakagusto na agad sya dito.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..