"Ang lamig naman ng panahon," sabi ni Mary. Hirap maligo kung pwede nga lang huwag ng maligo,,haay" - kausap ni Mary ang sarili unang lunes ng Pebrero sa bahay nila sya natulog ng linggo. Balak nyang iwan ang kanyang aso sa kapatid dahil may overnight party sya itong martes na darating.
"Bakit ang aga mo ate?" - tanung
"Kailangan daw 8am nasa ofc na ko, hindi 9am." - sagot ni Mary."E lagi ka naman kasing late ate, 8am ka naman talaga!" Dapat kasi 5am gising ka na, puro ka kasi ChoKyun lahat yata ng tungkol sa kanya nakapag download ka na hahaha! Hindi ka naman papansinin nun sa dami ng fans nya sa buong mundo!" - asar ng kapatid nya.
"Malay mo makalapit ako sa kanya, intention ko lang naman magpapicture saka autograph at bigyan sya ng regalo gaya ng ginagawa ng mga Koreana sa idol nila.. dahil natutuwa ako sa kanya." - giit ni Mary.
"Ang cheap mo ate hahaha, asa ka pa..!"- pangaasar pa ni Tina.
"Negative ka rin noh. Imbes na matuwa ka at suportahan na lang ako,"- sagot ni Mary. Basta gusto kong makita si ChoKyun. Need ko lang naman makarating ng Seoul at gusto ko rin makita ang ganda ng bansang iyon..:" - pagdedepensa ni Mary sa sarili.
Nakarating si Mary sa office ng bago mag 8am. Sa totoo lang laking pagbabago pag maaga na sya lagi. Lagi kasi naman syang late. Isang oras at kalahati kasi lagi byahe nya pag tanghali na sya nakakaalis ng bahay dahil sa sobrang traffic. "Kung parang Korea lang ang klima dito sa Pilipinas, malamang nag bisikleta na lang ako."- bulong ni Mary sa sarili.
Sobrang dami nyang trabaho ngayun. Tatlong restaurants ang bubuksan ng isa nyang boss. Meron pa syang trabaho sa isang boss naman nya na general contractor. " Hindi na baleng maraming trabaho kesa wala.. "- utal ni Mary.
Mas busy mas mabilis ang oras. Simula pa lang ng trabaho nya naka play na mga kanta ni ChoKyun sa desktop ni Mary. Mag iisang taon na yata nyang pinkikinggan ito. At puro kanta lang ng Koreano."Holiday sa Tueday, wala tayong pasok!" - sabi ng office mate ni Mary na si Sir John. Chinese New Year!. "Sir we need to cut our hair daw.. Thats according to my chinese client .." sagot ni Mary. Pang alis daw po ng malas.. - dugtong pa nya.
"Macheck nga ang mga chinese horoscope naten..pakinggan nyo si Mary, maraming alam sa Feng Shui yan hahaha."- sagot ulit ni John.
Pag uwi ni Mary dumaan sya ng mall para mag grocery. Napadaan sya sa isang Chinese Exhibit hall na nakadisplay ang lahat ng Chinese Horoscopes. Binasa nya agad ang Year of the Boar. Lalo na ang tungkol sa love.
.."Brace yourselves, single people! If you are looking for love, there is stiff competition out there. Use your funny side and creativity to win over a potential partner. Be sure to attend outdoor events as your future love might be there."
"May competition talaga? Me karibal pa yata ako sa magiging future partner ko.."- bulong ni Mary sa sarili. Haay bahala na si Lord. Dasal nya na sana maawa pa sa kanya at bigyan pa rin sya ng magiging lifetime partner, pero wag naman sanang me mga karibal pa..nagsawa na sya kay Andy na laging me ibang babaeng naiinvolve dahil sa pagiging chickboy nito.
Gabi na ng makauwi si Mary sa condo nya. As usual traffic lalo na't biglang umulan ng malakas. Mabuti at nakapag dinner na sya bago umuwi kaya pagdating ng bahay halos nag shower na lang sya at naglinis ng mukha.
Humiga si Mary dala ang kanyang laptop. Naisipan niyang mag online bago man lang sya antukin. Wala pa ring balita tungkol kay ChoKyun. May pa ang paglabas nito mula sa serbisyo nya sa military.
"Tamang tama end of May ang plano kong pamamasyal sa Korea. Sana makapunta rin ako kay Chokyun ."- nangingiting salita ni Mary sa sarili. Natatawa sya dahil sa tanda nyang iyon e saka sya nahilig sa Kpop. Halos huli na rin sya dahil EXO at BTS na ang kinababaliwan ng mga kabataan ngayun, pero mas gusto pa rin nya ang SJ group dahil nagandahan sya sa boses ng mga ito lalo na sa boses ni ChoKyun.
Nakahiga na si Mary at pipikit na lang ang kanyang mga mata ng maalala nya ang Chinese Horoscope na nabasa nya.
"Sana naman wala na akong maging karibal sa future boyfriend ko. Sana naman hindi babaero gaya ni Andy.."- malungkot na sabi ni Mary sa sarili, sabay haplos sa katabi nyang alaga na si Betty.
-End
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..