Napilitan ding makipagkita si Mary sa imbitasyon ni Andy kinagabihan ng Huwebes.
"I need an architect Mary. May 6 units 3-storey townhouse akong ipapagawa sa Sta. Rosa.." - kwento ni Andy habang sila ay nagdidinner.
"Okay bigay mo na lang sa akin lahat ng documents and requirements. Kelan ko pwede bisitahin ang site?"- sagot ni Mary.
"Pwede ka ba this weekend, Saturday, tell me what time kita susunduin."- sagot ni Andy.
"Sa site na lamang tayo mag meet kaya ko namang mag drive mag-isa to Sta. Rosa."- sagot ni Mary.
"Mary, alam kong ayaw mong nagdadrive ng mahabang byahe, its better na mag sabay na lang tayo sa isang sasakyan. Forget about what happened to us, this is only for business okay?"- sagot naman ni Andy.
Nag-isip si Mary sa sandaling iyon. Talagang ayaw na ayaw nya ang nagdadrive ng malayong byahe. Nag dadalawang isip din sya kung tatanggapin nya ang proyekto or magpapaka professional na lamang sya. Trabaho lang ika nga.
"Okay, please agahan lang natin para makabalik din ako agad ng Manila."- sagot ni Mary.
"By the way, how's your trip in South Korea?"- biglang tanong ni Andy.
"How did you know that?"- pagtatakang sagot ni Mary.
"My secretary told me, napanuod ka yata sa isang morning tv show."- nakangiting kwento ni Andy. "And you are currently dating the famous Korean Singer.." - dugtong nito.
"I had meetings with Korean Architects there, actually babalik din ako ng first week ng August mag start na kasi ang project ng isang boss ko this coming September."- sagot ni Mary sa unang tanong ni Andy. "Ang bilis din palang kumalat ang balita talaga.."- pabulong na dugtong ni Mary.
"Paano ang gagawin nating Townhouse? I'm planning to start the construction by November."- sabi naman ni Andy.
"Two to three months ako sa Seoul beginning August at every two weeks pwede akong umuwi. Kaya nga aaralin ko din ang project mo this week if magagawa ko or hindi." - pormal na sagot ni Mary.
"Alam ko kaya mong gawin agad ang design nito saka ikaw ang gusto kong maging Architect ng project ko."- sagot ni Andy.
"Pag isipan ko Andy. Bisitahin natin ang site this Saturday." - sagot ni Mary.
Pagkatapos ng dinner nila ni Andy agad na ding umuwi si Mary sa kanyang condo.
"Kailangang malaman ni Min Jun ang gagawin kong project with Andy. "- bulong ni Mary sa sarili habang nagchecheck online updates tungkol sa concert ni Park Min-Jun bago nya kukumustahin ang binata. "Last 2 night concerts na nya pala this Saturday and Sunday, sana andun ako para suportahan sya.."- malungkot na boses ng dalaga.
Biglang tumunog ang kanyang cellphone, viber message mula sa binatang singer.
(Sa wikang Ingles)
"How are you Mary? Just got home. Have you taken your dinner?"- pangungumustang tanong nito.Dinner? Halos kakatapos nya lang mag dinner kasama ang kanyang ex-boyfriend. Biglang nakunsensya si Mary sa mga sandaling iyon.
"Hi. Yes Im fine. I had my dinner already. How are you?"- sagot na mensahe ni Mary sa binata.
"Im doing good. We had our meeting earlier with the management regarding our last remaining concerts this weekend. How I wish you are here Mary.."- biglang lumungkot ang boses nito.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..