Ginabi ng uwi si Mary dahil may meeting sya with engineering team at sa boss nya na general contractor. Pagkatapos nyang magshower umupo na agad sya sa kanyang work table para magumpisang mag online at bisitahin ang mga sites about Seoul Korea.
Halos isang linggo lang ang pag stay nya sa bansa kaya plano nyang maglibot kahit paano sa Seoul. Bukod dun naisip nyang puntahan ang mga sites kung saan makakakuha sya ng updates tungkol sa concert ng Korean Singer.
Unang nag try si Mary mag check sa official fan page ng Korean Singer at dun nya nabasa na sold out na ang tickets para sa concert ng Korean Singer. By schedule ang bilihan ng tickets at priority ng management mabentahan ang offical fans club ni Park Min-Jun bago ito mag benta sa iba. Almost one month na palang nagbebenta ng tickets ang Global Entertainment na naghahandle kay Park Min-Jun at nagkaubusan na pala agad.
"Panung nangyare? Sold out na pala ang tickets isang buwan bago ang concert? ganun karami ang may pera at ang manunuod?"- banggit ni Mary.
Nakita ni Mary ang halaga mga tickets, mula limang libo hanggang walong libo. "Naman, bakit naubos agad? Gustong gusto ko pa namang manuod.." - malungkot na sabi ni Mary sa sarili.
Naghihinayang si Mary dahil hindi sya nakabili ng ticket at wala syang pagkakataon na makita at marinig na kumanta ng live ang Korean Singer na si Park Min-Jun.
"Sayang naman, dapat pala inagahan ko ang pag inquire about the tickets. Sana nakabili ako agad.." - panghihinayang na kwento ni Mary sa kaibigan nya na si Alice.
"Sayang talaga! Nasa yo na ang pagkakataon, sabay na sabay nga sa meeting mo sa Seoul yung concert nya. Anyway marami pa namang next time. Bumalik ka na lang ulet dun tutal libre naman ang unang punta mo."- boses ng kaibigan nyang si Alice na kausap nya sa cellphone. "Basta sa unang araw mo dun humalik ka sa lupa para makabalik ka agad ulit hahaha.."- dugtong pa nito.
"Hahaha, grabe naniniwala ka pa rin sa kasabihan na yon. O sya sige paalala mo sa kin baka makalimutan ko. Pero teka lang, ginawa mo ba yun nung nagpunta kayo ng Korea?"- tanung ni Mary sa kaibigan.
"Yup! Pati mga anak ko at asawa pinahalik ko sa lupa ng Seoul hahaha."- sagot ni Alice.
"Grabe ka na! Okay salamat sa paalala. In two weeks time andun na ako. Gawa ako ng paraan makita si Park Min-Jun."- masayang pagtatapos ni Mary sa usap nila ng kaibigan.
"Okay sis. Ingat ka baka duon mo mamimeet ang Soulmate mo hahaha. Thanks Ingat."- sagot ni Alice.
Kinalimutan nya muna si Park Min-Jun pagkatapos ng usap nila ni Alice. Dapat
nyang paghandaan lahat ng issues tungkol sa mga pagmimitingan about the project ng Koreano at ng Boss nya dito sa Pilipinas. Mga drawings na dapat iready, mga plano at iba pang kailangan sa meeting nila with Samu Architects.Isang linggo bago ang alis ni Mary, may nag message sa kanyang Instagram account. Nagulat sya dahil ito ay galing sa Park Min-Jun official IG account. May nagreply sa private message nya sa araw na iyon.
parkminjunofficial:
"Hi Architect. Sorry to inform you but all tickets were sold out already."Agad nagreply ang Mary.
marytiongson: "Hi. Sad to hear that. Anyway, better luck next time for me."Nagulat si Mary ng makita nyang....typing..
parkminjunofficial:
"But since its your birthday this June we will give you complimentary tickets."marytiongson: "Oh my God! Really? Thank you very much! Im very lucky now. I almost gave up thinking I have no more chance to see Park Min-Jun."
Thank you again."
parkminjunofficial: "Your'e welcome😊"
marytiongson:
"Im so happy. By the way may I know
who is this I am chatting with? Are you his assistant? How can I get my free ticket?"parkminjunofficial:
"You can get it from me. This is Park Min Jun.😊Nabigla si Mary sa reply ng ka chat. Halos himatayin sya sa nabasa. Natagalang magreply agad ang dalaga.
marytiongson: "Seriously? Usually celebrities do not reply to their fans. Its always their assistants"
parkminjunofficial: "Yes. But I always find time to talk to my fans if I have a chance. This is my mobile number +82-10-9998 3272 just promise me that you will not give it to anyone. Text me when you will get the ticket."
marytiongson:
"Yes. Promise. By the way I'll be in Seoul on June 26. I'll advise you Mr Park."parkminjunofficial: Just text or call me if you are on your way to Global office. I can send to you the map.
marytiongson: I will. thanks again I dont know how to repay you about the ticket Ill give you gifts😊 when I get there.
parkminjunofficial:😊 fans always give me gifts. By the way may I know what will you give me?
marytiongson: A poodle hahaha. Sweets and delicacies from Philippines
parkminjunofficial: Well, Ill be expecting that. Looking forward to see you. 😊
marytiongson: thanks again Mr Park. Here is my number too +63 915- 233 7770. Promise me you won't give it to anybody too.😊
parkminjunofficial: Promise😊 thank you."
marytiongson: Thanks.
Hindi makapaniwala si Mary na naka chat nya mismo ang sikat na Korean Singer. Hindi nya rin alam kung maniniwala sya sa ka chat o baka me hackers na nakikipaglaro sa kanya. Gusto nyang tawagan sana ang celphone number na binigay ng Korean Singer pero nakakahiya naman kung tatawagan nya ito para maniguro lang.
"Maniwala na lang ako. For sure totoo naman ang kausap ko. Sya talaga yun.." - kilig na kilig si Mary matapos ang sandaling chat nila ng Koreanong singer.
Wala syang pinagsabihan tungkol sa chat nila ng koreano maliban kay Alice.
"Secret lang natin yun ha. Super excited ako sis sobra hahaha.."- buong kwento nya kay Alice.
"Ang haba ng hair hahaha. Oo na. Lagay naman ichismis kita kumalat pa! Swerte mo talaga. Oy malay mo naman baka magkagusto sa yo yang korean singer na yan!"- kilig na kilig na sagot ni Alice sa kabilang linya. "Biruin mo two days na lang birthday mo na, ang gandang regalo naman nyan sis!"- dugtong pa ng kaibigan.
"Noona. In short Ate ang itatawag nya sa kin noh! E halos 9 years ang tanda ko ke Park Min-Jun. "- sagot ni Mary.
"Well we never know. Malay mo lang naman. Si Meghan Markle 3-4 years ang tanda ke Prince Harry. Saka uso daw yata ngayon sa Korea mas matanda ang babae kesa sa bf nilang lalaki, hahaha. O sya sige na itulog mo na yan at baka mapanaginipan mo sya daliii.." - pagtatapos ni Alice.
"Okay sis. Kunsintidor ka rin noh. Salamat."- natatawang sagot ni Mary sa kaibigan.
Hindi halos nakatulog ng gabing iyun si Mary dahil hindi pa rin sya makapaniwalang naka chat nya ang Korean Singer.
"Anu ba itong nangyayari sa kin. Parang ang bilis lahat, kelan lang si ChoKyun, tapos kay Park Min-Jun naman, abot kamay ko na sya..!"- halos kilig na kilig pa rin ang Mary sa mga oras na yun. Sa wakas makakapanuod sya ng concert ng binatang singer. Higit sa lahat mamimeet nya ito ng personal.
"Malaking blessings ito galing ke Lord."- sambit ni Mary. Bonus ko ito dahil siguro sa sobrang sakit ng loob naranasan ko kay Andy."- bulong pa ni Mary sa sarili. Atleast masaya sya ngayon kahit ito ay sa pagiging fan girl.
"Nakakahiya yata, para akong teenager nito. Anyway, bahala na. Ayokong mag feeling fan. Kailangan maging friends kami ni Park Min-Jun. Sayang naman ang lisensya ko sa pagiging arkitekto kung ibababa ko sarili ko sa pagiging fangirl lang. Trabaho pa rin ang punta ko sa Korea."- litanyang sabi ni Mary ang sarili.
-End
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..