Sabado ng gabi isang oras bago magsimula ang concert ng binata, nakita ni Young-Hae na kausap ni Park Min-Jun si Mary gamit ang Viber Video call. Halos mapaiyak ang dalaga sa nasaksihang sweetness ng dalawa habang nag vivideo call.
(Sa wikang Ingles)
"Captain.. how come you fell in love that easily to Mary. You only met her only last week! Why not choose me? Besides I'm more younger than her.." - kausap ni Young-Hae ang sarili habang nakatayo sa di kalayuan mula sa binata."Here we are again, I told you to stop and find another. See, you are hurting.." - boses ng kaibigan na si Eun Gi na kanina pa naghahanap sa dalaga. "Young-Hae, let's go back we are about to start in less than an hour."
"Yes it really hurts Eun Gi. I really love Captain. You know it. I've been waiting so long that he may like me too." - halos mangiyak ngiyak na sambit ng dalaga sa kaibigan. "Then this fan from nowhere will just steal Captain's heart? Unfair!" - dugtong pa nito.
"Young-Hae, you cannot force yourself to someone who doesn't like you. Please lets go back and talk about it later, okay?"- yaya ng kaibigan sabay hila sa braso ni Young-Hae.
Napilit din ni Eun Gi ang kaibigan na bumalik na sa back stage para makapaghanda na sa opening ng concert ng binata. Naaawa din naman ito sa kaibigan na matagal ng may lihim na pagtingin sa binatang singer simula pa lang na maging miyembro ito ng banda. Sa pagkakakilala nya dito ay hindi ito basta sususuko sa binatang singer.
"Are you okay now Young-Hae? Captain is about to start his opening number.." - bati ulit ni Eun Gi sa kaibigan.
"Yes I'm okay now. Let's finish these last two nights concert of Captain, but after this I will start my plans to get Captain's attention. We will see." - galit na sabi ni Young-Hae.
Napailing na lamang ang kaibigang si Eun Gi sa nasaktang kaibigan. Sya mismo ay alam nyang hindi nya maaawat ang katigasan ng ulo nito dahil sa matinding pagka gusto sa binatang singer.
Naging successfull ang concert ng binata ng gabi na iyon ng Sabado. Punong puno pa rin ang concert hall at hanggang sa huling performance ng binata ay nagsisigawan pa rin ang mga fans na humihingi pa ng isa pang awitin mula sa singer. Pinagbigyan naman ng binata ang sinisigaw ng kanyang mga fans na labis na natuwa dahil dalawa pang kanta ang kanyang inawit.
Halos mag-aalas diyes na ng gabi ng magpaalam si Park Min-Jun sa buong team ng kanyang concert. Binati niya rin ang mga ito at nagpasalamat dahil sa magaling nilang performance ng gabing iyon.
"What a wonderful performance Mr. Park!"- bati ng kanyang manager at CEO ng Global Entertainment na si Mr. Lee. "Tomorrow will be our last day so keep up the good work!" - dugtong pa nito sabay yakap sa binata bilang pasasalamat at labis na kasiyahan sa resulta ng concert.
Kasama ang kanyang driver at bodyguards, nagpaalam na rin ang binata sa kanyang team dahil marami pa siyang fans na nag aantay sa likurang bahagi ng Dome para pasalamatan ang mga ito. Pagkalabas ni Park Min-Jun sa pintuan ay dumagsa naman ang ilang reporters na gustong mag interview sa binata.
(Sa wikang Ingles)
"Park Min-Jun! We did not see Ms. Mary earlier at your concert, did she go back to her country already? Is she still coming back?"-sunud sunod na tanong ng isang reporter."Mr. Park Min-Jun! Are you two in serious relationship already? Many have seen you with Ms. Mary recently at the airport." - tanong naman ng isang babaeng reporter.
Isang matamis na ngiti lang ang sinagot ng binata sa mga tanong ng reporters. Pinilit nyang huwag munang sagutin ang mga ito para na rin sa pakiusap ni Mary.
Tilian ang mga fans ng binata ng masilayan nila ito sa likod na bahagi na iyon ng Dome. Duon din nakapark ang sasakyan ng binata kaya duon nya minimeet ang kanyang mga fans pagkatapos ng concert. Ibig man nyang kamayan ang lahat pero hindi nya magawa dahil naghigpit ang kanyang security team mula ng may nagkagulo sa pagitan ng dalawang fans na nagkaselosan.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..