Nakakuha na ng Korean Visa si Mary kaya ang problema na lang nya ay schedule ng punta nya sa Seoul. Mag-isa lang syang babayahe kung sakali kaya medyo kabado si Mary. Wala pang schedule with her boss about Korean Project, kaya naisip nyang maghanap ng group packages to Seoul para naman me kasabay syang babyahe. First time nya kasing makakapunta sa Korea at medyo kabado sya sa pagbyahe papunta sa bansang iyon.
Pauwi na si Mary ng mga oras na yun ng biglang nag ring ang cellphone nya.
"Mary, nasaan ka?"- boses ng isa nyang boss sa kabilang linya."Pauwi pa lng sir. Why po?" - sagot ni Mary.
"You need to go to Seoul with Mr. Kai. Me meeting with Samu Architects regarding sa mga revisions na ginawa mo at sa iba pang issues sa design ng condo na gagawin dito ni Mr. Han." - dugtong ng boss ni Mary.
"Wow is that true sir? Kailan ang schedule ng meeting?" - sobrang excited na tanung ni Mary.
"You have to be in Seoul on June 26 to July 3. Meeting schedule with Samu will be on June 27 & 28 then July 1 & 2.
File your leave sa company nyo inform them agad okay? Importante meeting mo with Samu." - bilin ng boss nya.
"Okay sir. Inform ko agad si Mr V for my leave this end of June. Sa July 3 pwede na ko makabalik ng Manila pala. Thanks sir!" - pagtatapos ng usap nila ng boss ni Mary.
Sobrang saya ang naramdaman ni Mary ng mga oras na yun. Kanina lang ay namumrublema sya sa kanyang schedule going to Seoul. Feeling nya nag conspire lahat ng bituin sa kalangitan para tumugma ang schedule nya with Samu at sa concert na gusto nyang puntahan. Bukod dun hindi na nya kailangang bumili ng ticket dahil sagot ng boss nya ang air fare plus meron pa syang allowance.
Problema na lang nya ang pagbili ng ticket sa concert ng koreanong Singer. Panu nga ba sya makakapag inquire online ni hindi nya maopen at maintindihan ang mga nakasulat sa official fanpage ni Park Min-Jun dahil korean.
"Alam ko na, mag pm kaya ako sa Instagram account ni Park Min-Jun." - bulong ni Mary sa sarili. "Malay ko baka naman me magreply.."
Nagcheck agad si Mary ng Instagram ng sikat na Korean Singer. Nag send sya ng message kung paano makakabili ng tickets online."Hi Sir,
Im Archt. Mary Tiongson from Manila, Philippines. Just learned the upcoming concert of Mr Park Min-Jun on June 30 and I just want to inquire how and where I can buy ticket. This would be my first time to visit Seoul ☺️and Im planning to watch Mr. Parks' concert as my birthday gift to myself this June.
Hope to hear from you soon. God bless your good office 🙏and so Mr. Park Min-Jun.
Thank you very much.☺️"Sana naman may makabasang assistant ni Park Min-Jun sa pm ko. Sayang naman ang punta ko kung hindi ako makakapanuod ng concert nya bukod pa sa napakahirap ang communications puro koreano ang salita dun."- malungkot na ang boses ni Mary sa kawalan ng konting pag asa na makita ang Korean Singer sa concert nito.
Sobrang saya pero kaba ang nararamdaman ni Mary. First time nya sa Seoul. First time nya to work with Koreans sa ibang bansa. Kung sakali first time nya makakapanuod ng concert abroad. Yun ay kung makabili sya ng ticket bago sila pumunta ng Seoul.
"Salamat Lord sa mga blessings at opportunities. This is my first travel to Korea.."- masayang pasasalamat ni Mary sa Diyos.
"Ayieeeee.!"- tiling salubong ng bff nyang si Alice ng bigla siyang tumuloy sa bahay nito pagkagaling sa trabaho, dala ang dalawang orders ng litsong manok.
"Traffic pa at saka Friday naman kaya naisip kong dumaan sa yo."- sagot ng dalaga sa kaibigan.
"Ano bang dasal ang ginawa mo sis at nagkatugma mga gusto mong mangyare?"- excited na tanong ng kaibigang si Alice matapos na mabasa nito kanina ang text ng dalaga.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..