Maagang nagpunta si Mary sa opisina ng Samu Architects na nasa ika-dalawampung palapag ng East Central building sa Seoul central business district. Dito sya mag oopisina in the next three months once mag start na ang construction ng building na gagawin sa Manila.
"Hello Mary let's get inside, excited meeting with the Samu Architect?"- tanong ni Kai kay Mary na kanina pa pala nasa opisina ng Samu.
"Yes so excited and nervous."- sagot ni Mary.
Pinakilala ni Kai si Mary sa secretary ng Samu at pag pasok ng Conference room ay naruon na rin ang ibang myembro ng architectural team. Pinakilala sya ni Kai sa buong team at mukhang madali naman silang pakisamahan bukod sa marunong silang mag Ingles.
"Hello! Nice to meet you Archt. Mary, I"m Archt. Sung Chon-Hee ."- lumapit sa kanya ang isang architect na babae na nasa early 40's. Magiliw na nag bow ito saka sya kinamayan nito. "You can call me Chon-Hee."
Natuwa naman si Mary dahil mukhang meron siyang magiging Bff dito sa Korea sa katauhan ni Chon-Hee. Nag bow rin si Mary at kinamayan ito. "Nice to meet you too Archt."
"Please be yourself, you know we are happy to welcome foreign architects here to work with us. We will be working for several months and I'm sure we will become good friends too."- masayang sabi ni Chon-Hee na hinila ang isang upuan sa tabi nya para duon umupo si Mary.
Medyo nabawasan ang kaba si Mary dahil bukod kay Kai ay meron isa pang Korean na madali nyang malalapitan.
Box Catering foods ang nakalatag sa gilid na buffet table. Uso sa Korea ang ganitong style ng food catering na kumpleto na sa bawat box ang lunch meal na me kasama ng fruit dessert.
Matapos ang sandaling kainan ay nagsimula rin ang meeting. Pinag usapan ang kanilang work schedules pati mga revisions sa ginagawang mga plans para sa construction ng building sa Pilipinas. Inabot ng dalawang oras ang kanilang meeting kasama na rin dito ang mga kwentuhan ng bawat myembro nito. Bukas ay may meeting ulit para sa iba namang mga detalye tungkol sa project.
Masaya naman palang kausap ang mga Koreano medyo hirap lang yung ibang myembro sa pag iingles. "Kailangan talagang mag-aral ako ng Korean language para naman maintindihan ko pag naguusap sila sa sarili nilang wika."- sabi ni Mary sa sarili.
"See you again tomorrow."- sabi ni Chon-Hee kay Mary.
"See you Archt. Nice meeting you."- nakangiting paalam ni Mary. Nag paalam na rin sya ka Kai na nuon ay may kausap pang ibang Koreans sa me reception area.
Mag aalas-tres na halos ng hapon nang sya ay nakalabas ng building na iyon. Nakita nya sa cell phone ang dalawang missed calls from Park Min-Jun isang oras na ang nakakalipas.
Nag text back agad ang dalaga sa Korean singer.
"Hi Park Min-Jun. Just finished with my meeting. Im on my way to Olympic Dome, how can I enter the main entrance.?"- text ni Mary kay Park Min-Jun.
Kasalukuyang nasa stage si Park Min-Jun ng mga sandaling iyon. Hawak ni Dong Sun ang cell phone ng binata kaya ito na ang nagtext back kay Mary. Inihabilin na pala ng binata sa assistant na may ineexpect syang tawag o text mula kay Mary.
"Hi Archt. Mary, this is Dong Sun, remember? Captain is still on stage now singing. He asked me to attend to you, please call or text if you are already near the entrance then I will go there."- reply ng assistant.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..