Pangalawang araw ni Mary sa Samu Architects office. Halos anim na oras din ang pag stay nya sa opisina ng Korean Architects sa araw na iyon. Mag uumpisa na ang condominium project na gagawin sa Manila kaya lahat ng requirements na drawings ay kailangan na nilang gawin. Madali namang naka pag adjust si Mary dahil na rin sa tulong ni Archt. Chon See.
"Thank you for guiding me at work today, Chon See."-pasasalamat ni Mary sa bagong kaibigang Koreana.
"You're welcome, Mary. It's so nice working with you. See you on Monday."- masayang sagot ng bagong kaibigan na Koreana.
"See you, oh I almost forgot, are you free tomorrow evening? Here, I have extra ticket for Park Min-Jun concert." - sagot ni Mary sabay abot ng ticket kay Chon See.
"Oh thank you. I like Park Min-Jun too! I will come. I will call you if I'm already there. Thank you again Mary."- tuwang-tuwang sagot ni Chon See kay Mary.
"See you tomorrow."- nakangiting paalam ni Mary sa Koreana.
Paglabas ng elevator sa ground floor lobby ay biglang nag ring ang cell phone ni Mary. "Si Park Min-Jun..."- balak sanang hindi muna sagutin ni Mary ang tawag ng binata.
"Hello..Park Min-Jun?"- sinagot na rin nya ang singer sa pangalawang tawag nito.
"Hello Mary, I'm here at the lobby of East Central building waiting for you.."- boses ng binata sa kabilang linya.
Nabigla si Mary sa kausap. "Nasa lobby sya at inaantay ako?"- napaisip na tanong ng dalaga saka lumingon lingon ito sa likod hinahanap ang binata at baka nalagpasan nya na ito.
"Where are you exactly?"- tanong nito sa kausap habang palingon lingon si Mary sa paligid ng lobby nang biglang nagulat na lang ito dahil nasa kanyang harapan na ang binata.
Namangha si Mary sa kaharap na Koreanong nag aantay sa kanya. Nakaputi ito na long sleeves at dark blue maong na pants. Naka shades ito pero halata pa rin na sya si Park Min-Jun. Napaka gwapo ng binata sa suot nito kaya mismong si Mary ay di maiwasang hindi humanga sa singer.
"In fairness mas pogi sya ngayon sa suot nya.."- bulong ni Mary sa sarili.
"Did I surprise you? I told you I will join you in your shopping when I get the chance."- nakangiting sabi ni Park Min-Jun kay Mary. "Let's go. We can go to Time Square Mall or Hongdae Shopping street. Where do you want?"- tanong nito sa dalaga.
"Let's try the Time Square shopping mall, but people will recognize you Park Min-Jun."- sagot ni Mary sa binata.
"I will wear my face mask later."- sagot ng singer kay Mary.
Plano nya sanang sa Myeongdong Shopping mall magpunta pero bukas pa sya daraan dun pagkatapos nyang bumisita kay ChoKyun. Meron din namang mall malapit sa East Central kaya dun na sila nagpunta ng binata.
"Hindi ito kasing laki ng Sm Megamall pero halos lahat ng bago meron dito."- sabi ni Mary sa sarili ng mapasok ang mall na iyon.
"What do you want to buy Mary?"- tanong ng binata sabay hawak sa braso nya habang sila ay paakyat ng escalator.
"So many like Korean dolls, beauty products, red ginseng, Bags and noodles."- masayang sagot ng dalaga kay Park Min-Jun.
Nakabili na sila ng ilan sa mga gustong bilhin ni Mary pero sa mga sandaling iyon ay marami na pala ang nakahalatang si Park Min-Jun ang kanyang kasama kaya biglang nag kagulo ang mga fans na nakakita sa binata. Bigla nilang pinasok ang isang jewerly shop kaya hindi nakapasok basta basta ang mga fans. Silang dalawa lang ang customers na nasa loob nito. Nagkataong kilala pala ng binata ang manager ng shop kaya nakiusap muna na wag papasukin ang mga fans habang papunta na ang driver ng binata. Tinawagan din ni Park Min-Jun si Dong Sun at isang body guard nya.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..