Chapter 29 - The Kissing Scene

280 3 17
                                    

Masaya si Mary sa unang araw ng pagbabalik niya sa Samu Office kahit medyo masama ang kanyang pakiramdam. Namiss din niya ang kapwa arkitekto na si Chon-Hee na siyang nakasabay niya sa kanilang lunch sa araw na iyon. Hindi na meeting kundi nagsimula na ang lahat sa paggawa ng mga drawings at iba pang kailangan sa project na sisimulang gawin sa Manila.

(Sa wikang Ingles)
"My wife is expecting you to our dinner tomorrow Mary." - nakangiting sabi ni Kai habang nasa elevator lobby sila pababa sa gound floor.

"Yes I'll be there Kai." - sagot ni Mary.

"She became your instant fan when she saw you with Park Min-Jun in celebrity news." - mahinang kwento ni Kai sa dalaga habang nasa loob sila ng elevator. "She said she will be more happy if she can see you both..hahaha!"

"Of course if you will allow me Kai hahaha.. I'm sure Park Min-Jun will be happy to meet your family too. We will be there." - tuwang-tuwa na mahinang sagot din ni Mary.

Paglabas ng elevator bago magpaalam si Kai sa dalaga ay nakita nila si Park Min-Jun palapit sa kanila.

"How are you Mr. Kai? Nice to see you again." - masayang bati ng binata sabay kuha sa portfoliong dala ng kasintahan. Natuwa si Kai nang makita ulit ang binatang singer.

"Kai is inviting us for a dinner tomorrow at their house with his family, Min-Jun." - kwento ni Mary sa binata.

"Thank you for the invitation. Mary and I will be there." - nakangiting sagot ni Park Min-Jun.

"My wife and kids will be excited to see you both." - tuwang-tuwa na sagot ni Kai at nang mahalata nito na nagiging sentro na sila ng tingin nga mga tao sa ground floor lobby ng building agad na rin itong nagpaalam sa dalawa.

(Sa wikang Ingles)
"Hello Ryeung! How are you?" - masayang bati ni Mary sa driver ng binata habang lulan sila ng van nito. Sinama ito ni Park Min-Jun para sa kanilang pagpunta ng dalaga sa supermarket.

"I'm doing good Ms. Mary. Dong Sun and I are so happy that you're back again in Seoul." - masayang sagot ng driver na si Ryeung.

"Mary will be staying for 3 months or maybe longer.." - nakangiting sagot ng binata saka kinuha ang kamay ni Mary. Naramdaman nito na mainit ang kamay ng dalaga. "Hey are you sick?" - nag-aalalang tanong nito.

"I'm okay Min-Jun, I just had body pains when I woke up this morning." - sagot ni Mary. Hinipo agad ng binata ang nuo ng kasintahan.

"I think you have slight fever, we better go back and bring you home. I can do the grocery." - sabi ng binata.

"No Min-Jun I'm okay let's proceed now to the supermarket. This is just a labnat.." - natatawang sagot ni Mary.

"Lab..nat?" - biglang tanong ni Park Min-Jun.

Saka ibinulong ni Mary sa binata ang kahulugan ng labnat. Natawa ang binata sa sinabi ni Mary. "Now I know.." - mahinang sagot nito.

Habang nasa supermarket ay dinagsa pa rin ng kanyang fans ang binata. Mabuti na lamang at nabili na nila ang mga kailangan bago pa dumami ang mga gustong makalapit sa sikat na singer. Pinapunta na rin ng binata ang dalawa pa niyang bodyguard sa oras na iyon ng kanilang pamimili ni Mary.

Tuwang-tuwa naman ang mga fans ng binata nang makita ang kanilang idolo na katatapos lamang sa pamimili sa supermarket kasama si Mary. Noon ay bihirang magpunta sa mataong lugar si Park Min-Jun pero simula ng makilala ang dalaga ay madalas na itong makitang kasama ito sa pamamasyal.

(Sa wikang Ingles)
"Oh I'm so jealous! Park Min-Jun looks so in-love with that woman!"- sabi ng isang fan sa katabi rin na kapwa fan.

"I guess so, he was always seen on TV news with that Filipina!" - sagot ng isa pang fan.

The Captain Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon