Chapter 19 - Picture Taking

335 2 3
                                    

Linggo ng hapon kagagaling lang ulit ni Mary sa mall para bumili ng kanyang mga paper supplies. Nakaligtaan nyang bumili nuong Sabado ng hapon dahil nawili syang mamasyal kasama ang bunsong kapatid at ang kanyang dalawang pamangkin. Pagkatapos ay dumaan na rin si Mary sa simbahan along the way pauwi para umattend ng mass.

"Last na simba ko ay sa Myeongdong Cathedral kasama si Park Min-Jun.." - biglang naalala ni Mary ang binata habang ito ay nagpapark sa parking area sa may gilid ng simbahan. "Haay mabuti na lang at may umalis sa parking muntik pa kong hindi makapagpark.!"

Nagsesermon na ang pari ng makapasok si Mary sa may gilid na parte ng loob ng simbahan. Nakatayo na lamang ang dalaga dahil halos puno ito sa araw na iyon ng Linggo. Tungkol sa mag-asawa ang sermon ng pari. Naging mahaba haba ang sermon nito na tungkol sa matrimonya ng kasal hanggang sa buhay at obligasyon ng mag-asawa. Masayang magkwento ito bukod sa marami ang nakakarelate at nagtatawanan dahil may pagka komedyante pa ang pari. May ilang kwento patama sa mga mag-asawang madalas hindi magkasundo at may ilang patama rin sa mga singles na naghahanap ng mapapangasawa.

"Akala ko puro mag-asawa lang ang topic, bakit pati ako?" - natatawang sabi ni Mary sa sarili.

Maraming tips ang nabanggit sa sermon ng pari para maging successful ang buhay mag-asawa.

"There should be acceptance, less expectation, and you have to appreciate each other. Happy marriages also have arguments. Normal lang po iyon. Wala pong perpektong mag-asawa, itong huling mga dahilan ang naririnig ko daw sanhi ng away ng mga mag-asawa ngayon ay puro galing sa text messages. Totoo po ba ito?"- natatawang kwento ng pari sabay nagtawanan ang mga nasa misa.

"Whatever reasons of your arguments you have to always listen to each others point of view, and happy couples make immediate repairs after their arguments. Kung maari huwag kayong matutulog sana na hindi naayus ang inyong away." - dugtong na sermon pa ng pari.

"Para din yata sa akin itong sermon ni Father.. sana nga maranasan ko pa rin ang buhay mag-asawa nang mai apply ko lahat ang sinabi nya.. " - sabi ni Mary sa sarili.

Pagkatapos ng misa ay sandaling nanalangin si Mary para sa kanyang personal na kahilingan.

"Lord, kayo lang po ang nakakaalam kung meron o sino po ang magiging lifetime partner ko. Pero sana si Park Min-Jun na po yun.." - dalangin ng dalaga. "Bigyan nyo naman po ako ng pagkakataon magkaron ng katuwang sa buhay. Ayaw ko po sanang maging matandang dalaga.."- dugtong na dalangin pa ni Mary ng biglang naalala nya ang binata.

"Park Min-Jun! Nasaan ang cellphone ko tatawag nga pala siya bago mag start ang kanyang concert..!" nagmamadaling lumabas si Mary ng simbahan patungong parking area. Naiwan nya ang cellphone sa loob ng kanyang kotse kaya hindi nya namalayan ang tawag ng binata.

"Five missed calls at 5:45pm..pero 6:10 pm na at 7:10 pm na sa kanila, malamang nag simula na ang concert.." - nag aalalang sabi ni Mary ng makita ang mga missed calls ni Park Min-Jun.

Hindi malaman ni Mary kung tatawagan nya pa ang binata dahil 7:00 pm ang simula ng concert nito.

Lumungkot ang pakiramdam ni Mary sa mga sandaling iyon dahil hindi man lang nya nakausap ang binata gaya ng usapan nilang mag-uusap bago ang concert nito.

"I'm sorry Min-Jun, nawaglit sa isip ko talaga at natiyempong dumaan ako ng simbahan.." - malungkot na sabi ng dalaga sa sarili habang nakatitig pa rin sa kanyang cellphone at umaasang baka tumawag ulit ang binata.

Umuwi na lamang si Mary at nag antay na lang ulit ng tawag mula binatang singer. Patungo na sya ng banyo para mag shower nang biglang nag ring ang kanyang cellphone. Dali-dali nitong tinignan kung sino ang natawag.

The Captain Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon