Chapter 6 - The Meet Ups

467 4 0
                                    

Kinabukasan ang flight nina Mary at Kai going to Seoul 6:30 am kaya 2:30am kailangang umalis na sya ng bahay. Mag grab na lang sya bukas papuntang airport at wala na syang balak magdala pa ng sasakyan. Nag usap sila ni Kai na dun na lang magmeet sa airport. Naka pack-up na lahat ng dadalhin nya for almost one week na pag stay sa Korea. Super excited at may halong kaba ang nararamdaman ni Mary. Masaya sya dahil sa pagkakataon na binigay sa kanya ng boss nya.

Samantala katatapos lang ng concert rehearsals ng team ni Park Min-Jun. Ilang linggo rin naka focus ang Korean Singer sa rehearsals nila ng buong team kaya sobra rin nabugbog ang katawan nya at isip dahil gusto nyang maging successful ito para sa kanyang mga fans hindi lang sa South Korea kundi sa ibang pang bansa. Marami ng bumati sa kanya at sa Global Entertainment na nag mamanage sa kanya dahil isang buwan pa lang bago ang concert sold out na ang mga tickets.

(Sa wikang Ingles)
"Are you going to join us sir? Its Joo Won's birthday party extension at his grandma's house"- yaya ng assistant nya na si Dong Sun sa binatang singer.

"Im a little bit tired. I have greeted him already besides we have celebrated it earlier in our rehearsal break. Just tell him I will not join anymore."- sagot ni Park Min-Jun.

"Okay sir I will tell the team. I can drive you home if you're not feeling well. You have no driver today he is on leave right?"- sagot ni Dong Sun.

"I can still drive going home. Thank you. You can join them now. Careful not to drink too much since we will have two remaining rehearsals before our big day, I dont want any of you to get sick okay?"- bilin ng koreano sa assistant.

"Okay sir. Careful on driving. See you tomorrow."- paalam ni Dong Sun sa binata.

Walang isang oras ng makarating sa kanyang condo ang Korean Singer. Gusto nya sanang umuwi sa kanilang bahay sa Busan para makasama ang mom nya bago sana ang kanyang big concert. Ulila na sa ama ang binata. Dalawa lang silang magkapatid at kasama ang ina nang naulila ng kanyang ama. May asawa na ang kanyang nakatatandang kapatid na babae kaya nagiisa na lang ang kanyang ina sa pinagawa nyang bahay sa Busan.

(Sa wikang Ingles)
"Hello mom. I can't go home now. So many rehearsals to finish before my concert and Im just a bit tired."- tinawagan na lang nya sa phone ang kanyang ina.

"Its okay son, I will just see you on the 2nd day of your concert. I will be with your uncle and cousin. Are you taking your vitamins? Please take care of yourself son."- nag aalalang sagot ng kanyang ina sa kabilang linya.

"Yes mom. I always do and follow your advices. Well you also take care of yourself. See you all on June 30."- sagot ulit ng binatang singer.

"Goodnite mom. I love you."- pahabol pa ng binata.

"I love you too son. Take care okay.?"- sagot ulit ng kanyang ina.

Matapos mag shower, dinala na lang ng binata ang laptop sa kama para bago makatulog ay magkapag check sya online ng kanyang official fanpage account. Naisip din nyang icheck ang kanilang IG account. Sunod sunod na mga private messages na galing sa kanyang mga fans ang dumating sa kanya sa araw na iyon. Pero isa lang ang naisipan nyang iopen na message yun ay kay mary teongson.

"No new messages. Maybe she is busy."- bulong ng binata sa sarili. Nag try ang koreano na icheck ang profile ni Mary.

"She is an Architect. She also likes to bake and loves to paint.." She looks nice and.. pretty. But she is older than me. "- kausap ng binata ang sarili habang binabasa ang personal info ni Mary.

Nagtataka ang binata sa sarili kung bakit nya naisipang bisitahin ang profile ni Mary. May konting saya siyang nararamdaman sa mga oras na yon. "Im hoping to meet her tomorrow. Should I text her now?- bulong nya sa sarili. No, no... I"ll better sleep now." - nangingiting sagot nya sa sarili.

The Captain Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon