Hindi pumasok si Mary sa araw na iyon. Yung naramdaman niyang pananakit ng lalamunan kagabi ay nagtuloy sa ubo at sama ng sipon. Nagpasya siyang magpahinga na lamang para hindi na lumala ang sama ng kanyang pakiramdam. Instant Chicken noodle soup ang kinain na lamang ng dalaga nang sumapit ang pananghalian. Pagkatapos mag check ng status sa kanilang project site ay sinubukan naman nitong tawagan ang kaibigang si Alice at nagkwento tungkol sa kanyang pagseselos binata."Hindi ko yata kakayanin ngayon pa lang nilalamon na ako ng selos."- kwento sa telepono ni Mary nang makausap ang kaibigan. "Dati manhid na ako ke Andy pero ke Park Min-Jun para akong baliw sa kakaselos."
"Pictures lang nakita mo at yung pag kanta nya para sa mga kandidata nagselos ka naman agad!"- sagot ni Alice. "Me panahon yan na hindi maiiwasan ni koreano mo na hindi siya lapitan ng mga babae kase nga bukod sa sikat gwapo pa. Hindi naman siya ang gumagawa ng dahilan para magselos ka."
"Ewan ko ba katulad kagabi sa beauty contest for sure bukas makalawa meron ng mga posts online na malilink siya sa isa sa mga candidates." - malungkot na sabi ng dalaga kay Alice.
"Wow advance ka namang mag isip! Alam mo kahit gaano pa karaming magagandang babae kasehodang beauty queen pa or mas bata sa yo, kung ikaw ang mahal hindi nya papatulan ang mga iyon. Kung pumatol siya meaning hindi ka mahal ganun lang." - mahabang sagot ng kaibigan kay Mary.
Tumahimik lang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. Hindi na rin siya masyadong makapag salita dahil masakit na rin ang lalamunan sa kakaubo.
"Natiis mo nga si Andy, ano ba naman na bigyan mo ng chance si koreano mukha naman mabait at seryoso yung tao. Saka sugal naman talaga ang pag-ibig. Mag enjoy ka lang at iwasan mong magduda o kaya wag mo na lang alamin mga schedule niya about his guestings, tungkol sa fans na alam mong pwede kang magselos, about family matters na lang pag usapan nyo." - dugtong na sabi ni Alice. "Panay tanong mo kasi kaya nagiging honest lang yung tao.."
"Okay sige.." - matipid na sagot ni Mary.
"Medyo masama talaga ang ubo at sipon mo uminom ka na ba ng gamot? Uminom ka rin ng hot honey lemon tea, para naman wag ng lumala pa yan." - paalala ng kaibigang si Alice.
"Oo kanina nakainom na."- sagot ni Mary.
"Mag nebulizer ka na kaya alam mo namang sa twing inuubo ka inaabot ng dalawang linggo. Saka iwasan mong lamigin ng husto alam mo namang tumatanda na tayo.."- sagot ni Alice.
"Aray naman! oo na lamigin na nga. Nakalimutan ko kasing mag dala ng jacket kahapon sa meeting ko with UAP kaya nilamig.."- sagot naman ng dalaga na natawa sa sinabi Alice.
"Magpahinga ka na ulit call me if okay ka na, magpasama ka sa sister mo kapag nilagnat ka. Okay, baboosh. Pagaling ka ha magaalala si koreano mo.." - paalam ng kaibigan kay Mary.
Bumalik si Mary sa kanyang kama para matulog pero naisipan muna nitong magcheck ng kanyang emails at Instagram. Hindi rin niya naiwasang hindi makita sa newsfeed sa Instagram ang ilang posts at short videos tungkol sa mga winners ng nakaraang Miss Korea beauty pageant. Nag click ng isang video at nakita niya ang interview ng mga nanalong kandidata sa isang morning TV show.
"My big crush and ideal man... Park Min-Jun.." - sagot ng 23-anyos na nanalong Miss Korea, na nag aral pa sa Amerika, nang ito ay tinanong ng TV host. "I really want to meet him in person, I was so happy when the pageant manager told us that Park Min-Jun will be one the special guest last night..."
Hindi na tinapos panuorin ni Mary ang nakitang video na iyon tungkol sa mga nanalong kandidata. Alam niyang labis lamang siyang masasaktan kapag may mabasa o mapanuod pa siyang mga issues na involve ang binata. Pinilit na lamang nitong matulog at kalimutan ang mga ito. "Dapat magtiwala na lamang ako kay Min-Jun, tama si Alice iwasan ko na lang ang magbasa ng mga posts about Min-Jun.." - sinabi ni Mary sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..