Nagising si Mary maaga ng Martes dahil sa sunud sunod na text at missed call sa kanyang cellphone.
"Hello, bakit ang aga aga naman mong tumawag?"- tinawagan nya ang kapatid nyang si Tina.
"Ate, nasa showbiz news ka kanina sa Umagang Kay Ganda, picture mo at yung Korean Singer na si Park Min-Jun. Wow ha sikat ka na ate!"- boses ni Tina sa kabilang linya.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Teka ibig sabihin nakarating na pala sa Pilipinas tungkol sa amin ni Park Min-Jun." - kwento nito sa kapatid.
"Bakit kayo na ba talaga? Kasi pinaguusapan ka ng mga hosts kanina, kayo nga ang topic nila sa showbiz issues nila, sikat na Korean Singer is dating a Filipina Architect, ikaw yun. Totoo ba te?"- sabi ng kapatid.
"Oo.. ay hindi, teka ang bilis naman ng balita nakarating na dyan? Sabagay nasa instagram na kasi at ang dami ng kumalat na pictures. O sige mamaya na ulit tayo mag usap."- sagot ni Mary.
"Naman kwento ka muna ate, panu bukas papasundo ka ba?- sagot naman ng kapatid.
"Sa pag uwi ko na lang ikekwento lahat. Siguro mag grab na lang ako paguwi ko dyan. Bye na."- paalam ni Mary sa kapatid.
Nag check si Mary ng kanyang cellphone maraming text at missed call galing sa ilang kaibigan pati sa FB at Viber. Nagmiss call din si Alice at tinawagan nya ito.
"Hello, sis nasa news kayo ni Koreano kanina ke aga agang balita hahaha."- boses ng kaibigan sa kabilang linya.
"Naikwento na nga ni Tina tinawagan ko bago kita tawagan. Nakarating na pala sa atin ang tungkol sa amin ni Park Min-Jun."- sagot ni Mary kay Alice.
"Alam mo digital na ngayon, kalat na sa social media ang mga pictures nyo after nung TV news e sikat na singer from Korea ba naman ka date mo talagang mababalita yan around the world di lang sa Pinas."- mahabang sagot ng kaibigan.
"Yun nga problema ko, tapos puro negative pa mga comments sa amin lalo na sa akin, daming bashers."- malungkot na sagot ni Mary.
"Uy ano ka ba, kanina napanuod ko yung news nakakatuwa at suportado ka ng marami syempre Pinay ka, pinagusapan ka nga ng dalawang TV hosts, age doesnt matter nga daw pagdating sa pag-ibig. Mabuti pa icheck mo online para mapanuod mo at mabuhayan ka ng loob wag mong intindihin mga bashers mo at inggit lang silang lahat okay?"- mahabang kwento ng kaibigan.
"Sige check ko now. Salamat tawagan kita ulit."- paalam nito sa bestfriend na si Alice.
Nakita ni Mary online ang News sa Youtube at pinanuod ito. Habang nag uusap ang dalawang hosts.
Female Host:
"Nakakatuwang balita tungkol sa isang mala Koreanovelang Love story ang maagang flash news natin ngayon Parekoy."Male Host:
"Oo nga Marekoy, nakakatuwa talaga ang pag-ibig walang pinipiling lugar o edad hindi ba?"Female Host:
"Yan po mga kabayan ang isang biglaang news mula sa bansang South Korea. Isang sikat na South Korean singer is dating a Filipina Architect. O di ba Parekoy mga Pinay talaga ang beauty pang international. Wala pang exact details kung paano nagkakilala ang dalawa pero kalat na nga raw sa social media ang kanilang mga pictures.Male Host:
"Nakita naman natin ang ating Architect na si Ms. Mary Teongson, artistahin din naman kaya siguro naattract ang Koreanong Singer, pero ayon sa mga kumakalat na issues online marami ngang nagiging bashers si Architect Teongson dahil 9 years older sya sa sikat na singer na si Park Min-Jun. "Female Host:
"Ano naman ngayon? Hindi na issue ang big age difference pagdating sa pag-ibig Parekoy, maraming showbiz personality couples mas malaki pa ang age gap ng babae sa lalaki kaya hindi na dapat issue yon as long as nagmamahalan sila at nagkakasundo hindi ba?"
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
Любовные романыAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..