Maagang nagising si Mary kahit wala silang pasok sa araw na iyon ng Sabado. Tinawagan muna nito ang kapatid para kumustahin pati na ang alaga nitong si Betty.
"Hay naku ate, laging nakaabang na naman sa pintuan si Betty inaantay ka. Ang ginawa namin hiniram namin yung bagong aso nina Cara ayun tuwang tuwa naman na meron siyang kalaro."- kwento ng nakababatang kapatid na si Tina.
"Mabuti naman saka uuwi naman ako sa 29th di ba nakapangako ako kay Ara, balik ko Saturday na ng hapon."- sagot ni Mary.
"Pasalubong ate saka kasama mo ba si Park Min-Jun?" - excited na tanong ni Tina.
"Sabi niya susunod daw siya, sabihan kita kapag sure. Itext nyo na lang ako kung ano yung pinabibili nyo na mga Korean products para maalala ko, ako ng bahala para sa mga bata." - sagot nito sa kapatid.
Pagkatapos ng usapan nila ng kapatid ay naisip nitong tawagan ang kasintahan pagkatapos niyang maligo at balak yayaing bisitahin na lamang ang ina nito kung maaga itong matatapos sa gawain nito sa Global office.
"May 7:00 am breakfast meeting din nga pala sila ngayon kasama ang producer ng musical." - kausap nito ang sarili nang maalala ang miting ng binata. "Hintayin ko na lang siyang tumawag. Mag-jogging na lang kaya ako baka tumataba na ko ayaw ko pang maging mukhang 50." - dugtong na sabi nito sabay harap sa salamin. Dali-daling nag shower sandali ang dalaga at agad na bumaba para mag jogging.
Makalipas ang isang oras natapos ang breakfast meeting ng ilang mga casts kasama ang producer ng musical sa opisina nito.
(Sa wikang Ingles)
"Can you please stop texting me!" - mariin ang boses ng binata nang kinausap ng sarilinan si Lyn pagkatapos nilang lumabas ng conference room. "I'm happy now with Mary so please stay away from us.." - seryosong dugtong pa na sabi nito habang sila ay nasa sulok na bahagi ng hallway.Nagulat ang dalaga sa biglang paglapit na iyon ng dating kasintahan pero nagawa pa rin nitong ngumiti kahit na hindi nito nagustuhan ang mga sinabi nito.
"Come-on Min-Jun, I felt how hot your whole body when we kissed during our rehearsals, admit it you were really turned on!" - sagot nito sabay lapit sa binata at hinaplos ang mukha nito.
Bigla naman tinapik ng binata ang kamay ni Lyn. "Think whatever you want, but I'm warning you to stay away from us especially to Mary. I'm still talking to you because we are working together for this musical, after this, I don't want to talk to you anymore, Lyn." - sagot ng binata.
"Ouch! I'm not doing anything Min-Jun. I was just being friendly to you again and to your new girlfriend, what's wrong with that?" - sagot naman ng dalaga na biglang nainis sa huling sagot ng dating kasintahan. "Okay, okay.. I admit I miss you a lot for not seeing you for a long time, I came back because I want to know if we still have a chance to be together again..Min-Jun! - sagot ni Lyn saka akmang yayakap sa binata na madali naman umiwas ito.
"Are you crazy? After what you have done to me you still have the guts to come back? Forget us Lyn! You will never be a part of my future anymore. We are done!" - sagot ni Park Min-Jun sa dating kasintahan saka biglang iniwan ang dalaga.
Halos mapaiyak ang dalaga sa mga narinig nito kay Park Min-Jun. "I'll make a way to get you back Min-Jun. You will see, soon you will come back to me.." - galit na sabi ng dalaga sa sarili.
"I am right about her intentions.. whatever plans you have in mind, I'll make sure you will not succeed Lyn. I won't let my relationship with Mary failed just like our past.."- kausap nito ang sarili habang sakay ng van nito. Sinubukan nitong tawagan ang kasintahan pero hindi ito nasagot.
BINABASA MO ANG
The Captain Of My Heart
RomanceAn old maid who accidentally fell in love with his Korean idol singer..