Pero sadya talagang mapagbiro ang tadhana, kung minsan maiinis ka sa sense of humor nito kesa sa matuwa.
Kasalukuyang nasa department store na iyon ng bayan nila si Rod at nasa may men's grooming section. Namimili sya ng shaving cream at bagong shaver. Nang sa di malaman na dahilan ay parang may pwersang pilit nagpapalingon sa kanya sa kabilang dako ng store. Sa may mga men's clothing section. Napalingon naman sya, at nakita nya si Jonathan namimili ng damit. Natawa sya kasi kahit bading ito, hindi ito tumutulad sa ibang bading na nagsusuot ng damit na pambabae. Si Jonathan mga damit panlalaki pa rin ang sinusuot nito.
"Hmmm.. kala ko naman kung sino." nasabi ni Rod sa sarili habang naiiling at binalik ang atensyon sa pamimili ng magandang pang-ahit.
"Ah ito mas maganda to, hindi agad napupurol." sabi ni Rod sabay taas ng napiling shaver at nilagay sa basket na dala-dala nya.
Pagkagaling nya sa may istante ng mga shaver at shaving cream, nagtungo naman sya sa mga istante ng deodorants.
"Hmmm.. alin kaya ang gagamitin ko dito?" tanong nya sa sarili habang hinihimas-himas ang baba at abalang nakatingala tapos yuko na naman. Dahil di sya agad makapagdecide alin ang bibilhin nya.
"Papa Rod!!" tawag ni Jonathan kay Rod.
Napalingon naman si Rod kay Jonathan na noon ay papalapit na sa kanya.
"Hey Jonathan.." bati nya dito nang makalapit na ito sa kanya. Nakangiti sya rito.
"Hello papa Rod.. Namimili ka rin pala rito, what a coincidence." nakangiting sabi ni Jonathan.
Tumango lang si Rod dito at bahagyang pinapatuloy ang ginagawa bago pa man kunin ni Jonathan ang atensyon nya kanina.
"So who's with you papa Rod?" maya-maya tanong ni Jonathan kay Rod. Luminga-linga pa ito sa paligid na tila may hinahanap.
"Ako lang mag-isa.. Bakit mo naman natanong Jonathan?" sagot ni Rod kay Jonathan sabay tanong din dito.
"Wala lang kala ko kasi kasama mo si Mendy mo." sagot ni Jonathan na napangiti pa.
"Ah..hindi, nasa kanila lang si Mendy." sagot naman ni Rod na bahagya pa itong nilingon.
"So may nabili ka nang damit?" tanong ni Rod kay Jonathan makalipas ang ilang sandali at bahagyang tiningnan ang mga dala nito. Nagtaka sya, dahil akala nya di ito nagsusuot ng damit pangbabae. Nakita nya kasing may dala itong paperbag na naglalaman ng damit pangbabae.
"So, nagsusuot ka na rin pala nyan?" tanong ni Rod na bahagya pang nginuso ang mga dala ni Jonathan.
Wala naman itong sinagot, bagkus ay ngumiti lang ito. Nang makapili na rin sya ng deodorant nagsimula na syang maglakad patungo sa may men's clothing department, sa may men's underwear section. Konti lang kasi ang dala nyang underwear noong umuwi sya kaya bibili sya ng iilan para may masuot. Nanatiling nakasunod lang din sa kanya si Jonathan. Wala namang kaso sa kanya yon dahil kaibigan nya din naman ito.
"Anong size mo papa Rod?" tanong ni Jonathan sa kanya maya-maya. Na kunwari ay namimili din ng mga briefs.
"Large.." sagot ni Rod na bahagya pang pinagdiinan ang pagkakasabi.
" Oh my gosh, dakota etey!" bulaslas ni Jonathan sa salitang gay slang. At kunwari napatutop sa bibig.
"Hahahaha.." natawa naman si Rod sa reaksyong iyon ni Jonathan.
"Ito ok na to." sabi ni Rod maya-maya ng makapili na ng anim na briefs. At naglakad na naman sya patungong shirt's section.
Nanatili namang nakasunod si Jonathan sa kanya. Pero nang malingunan nya, nakayuko ito tila nagtetext sa cellphone nito.
BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomanceMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...