Moment of Truth Chapter 9

28 1 0
                                    

Sinalubong ni Jonathan si Cherra ng malapad na ngiti samantalang ang pasalubong ni Cherra dito ay isang makapunit balat na kurot sa tagiliran.

"Aw!, aw!, aw! ,aw!... Ate!!!!!" tili ni Jonathan na kala mo mapipigtas na ang vocal chords nito sa sobrang tinis.

"Why did you left me there,  all alone with him huh?!" tanong ni Cherra sa pagitan ng nagtatagis na mga bagang, at nanlilisik na mga mata.

Pakiramdam ni Jonathan sa lahat ng pagkakataong sinasapian ang ate nya iyon na ang pinakamalala.

"Aww! Ate to give you privacy, para makapag-usap kayo ni Papa Rod." paliwanag ni Jonathan habang namimilipit sa sakit. At sa wakas nakahinga ng maluwag ng bitiwan ng ate nya ang tila lumuwag na balat sa tagiliran.

Masama lang syang tiningnan ni Cherra tapos tuloy-tuloy lang ito sa pag-akyat sa kwarto nito. Nagtaka naman ang kapatid, na ang inaasahan nyang masaya nitong pag-uwi ay naging impeyerno ang dating sa kanya. Sinundan nya ito sa kwarto.

"Napano yon, dahil ba sa pag-iwan ko sa kanya doon na kasama si papa Rod? Sobra naman kung makainarte?" tanong ni Jonathan sa sarili.

"Ate anong nangyari?" agad na tanong ni Jonathan sa kanya.

Sa tanong na iyon ni Jonathan ang agad nyang naalala ang paghalik nya kay Rod na sa pisngi sana pero sa labi nito napunta.

"That kiss was supposed to be on the cheek. Pero napalingon sya at... at.. nahalikan ko sya sa lips." pagpapaliwanag ni Cherra na tila ba may nangaakusa sa kanya.

"Ayyyyyyyyyyyy!!!!! ayyyyyyyyyyyyyy!!! ayyyyyyyyyyyy!!!" biglang tili ni Jonathan na tila niyanig ang buo nilang kabahayan. At kinilig na kala mo mamatay na.

"Oh my god!!! ate!!!!! buti nalang wala ako doon, baka namatay na ako sa sobrang kilig kung nawitnessed ko pa iyon! Nakakainis kayo!" sabi ni Jonathan sa ate nya.

Natawa naman si Cherra sa naging reaksyon nito, ganun talaga? Tapos pinamumulahan ng mukhang napangiti, nang muling sumagi sa isip nya ang huling kaganapan na iyon sa parking lot. Na parang napakabig-deal sa kanya niyon.

"Ate please, kwento mo ang buong nangyari noong oras na umalis ako hanggang sa umuwi na kayo. Sige na ate?" pagmamakaawa ni Jonathan sa ate nya.

"Magtigil ka nga Jonathan napakatsimoso mo." kunwari saway ni Cherra sa kapatid. Habang sinusupil ang pagngiti sa maga labi. Pero di makakapagsinungaling ang ning-ning ng kanyang mga mata.

Sa tingin ni Jonathan sa mga oras na iyon sa ate nya tila anghel ito sa aura nito, na may extra blush on sa magkabilang pisngi. Napakablooming nito ngayon. Syempre maliban doon sa naging itsura nito kanina nang salubongin nya. Kanina kasi tila nag anyong prinsesa ng kadiliman ito, dahil sa galit sa kanya. At ngayon tila nagtransform na uli ito bilang isang anghel. Kaya di nya palalampasin, kailangan nyang mapakwento ito.

"Ok, ok. Magkukwento na ako.." tila pagsuko ni Cherra sa kakulitan ni Jonathan. Tapos gumuhit uli ang ngiti sa mga labi nito. 

Samantalang si Rod pagkauwi sa kanila di naman nakaligtas sa mama nya ang kakaiba nyang saya.

"Hey, what happened to you?" tanong ng mama nya, nang maabutan nya ito sa sala na nanonood ng TV.

"I bumped into a door ma." ang tinutukoy ni Rod ay ang pamamaga ng ilong nya.

"Hindi, maliban dyan sa namamaga mong ilong. May kakaiba sa iyo ngayon anak." sabi ng mama nya na tila hinihintay ang sagot nya dahil nanatili itong nakatingin pa rin sa kanya.

"Bakit ma anong bang kakaiba sa akin ngayon, maliban dito?" tanong ni Rod sa mama nya sabay turo sa ilong nya.

"You looked so happy.. Ano bang nakain mo?" pahayag ng mama sabay tanong.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon